Chapter 28

26 4 1
                                    

"Tay.. I asked your daughter's hand for marriage and she agreed. Now, I want you to know that she's safe with me. I will make her happy. I will love her for the rest of our lives."  Matipid ang ngiting sabi ko habang nakatingin sa lapida ni Tatay Angelo. Mag-isa lang akong nagpunta dito upang opisyal na ipaalam sa mga magulang niya ang desisyon naming dalawa. Hindi ko kasama si Sky dahil may pinuntahan sila ng pamilya ni Nadia. It was a family bonding. May okasyon yata.

Tapos na akong kausapin ang mama niya at ngayon ay si tatay Angelo naman ang nilapitan ko. It was so quiet. Tanging boses ko at malamig na simoy lang ng hangin ang ingay na naririto. It calms me for an unknown reason.

"When you asked me to take care of your daughter.. hindi po ako nakasagot. Back then, I'm still stuck in the prison of past. Hindi ako nakasagot dahil ayaw kong mangako ng bagay na may kasiguraduhan na hindi ko matutupad. You see.. I couldn't even took care of myself. How can I do it to her?" Tumingin ako sa langit at tipid na ngumiti.

"But she made me want to do it. Hinila niya ako palayo sa nakaraan ko. She made me realized that's it's good to look back in the past but never live in it. She bring back my old self. She made me smile and laugh again. I've never felt so happy until she came. Thank you for bringing me an angel. Tay.. mahal na mahal ko po ang anak niyo."

I can't imagine myself living without her. She's my anchor. My light house that guides me back home.. in her arms.

"Pagkatapos ko ng bar exam ko ay pagpaplanuhan na po namin ang kasal. Don't worry. I will still let her reach her dreams. Hindi ko po siya ikukulong sa'kin. At makakaasa po kayo na magiging masaya siya sa'kin."

Matapos kong sabihin lahat ng gusto ko ay nagpaalam na ako. Ang gaan sa pakiramdam. Dumiretso ako sa school dahil ngayon magaganap ang graduation pictorial namin.

"Next!"

Time flies so fast. That's what I thought while holding a white board. Nakasulat dito ang motto daw namin. I never thought it was necessary pero sabi nila ay ilalagay daw ito sa yearbook namin. Tumayo na ako dahil ako na ang sunod. Naupo ako sa monoblock chair at humarap sa camera. Hawak ko ang white board at nakapatong ito sa aking hita.

'There is no right time for the things that you can do right now.'

That's what written in my white board. Wala akong maisip na isulat kaya 'yung sinabi na lang ni Ash ang nilagay ko. Not the exact same words though. Motto ba 'yan? Ah ewan. Sumenyas ang photographer kaya umayos na ako ng upo. I smiled a little and face the camera. Flash of blinding lights and the sound of the camera enveloped me. That's when I realized that I'm really graduating. I will, soon, leave college life. My student life is about to end very soon. I don't know what to feel. I'm so overwhelmed.

I never thought I would be able to wear this toga and have my graduation picture. I lost my hopes the moment Heaven died. But now, I am here, pursuing my passion. I can't wait to live my dreams.

Pagkatapos ko roon ay dumiretso ako sa bahay nina Sky. Sarado pa ang gate at patay ang ilaw kaya sigurado ako na wala pa sila. Nakasandal lang ako sa kotse ko habang naghihintay sa kanila.  She called and told me that they are on the way home now. Nang tinanong ko kung saan ba talaga sila nagpunta ay sinabi niya na sa isang resort sa Batangas. Anniversary daw kasi ng parents ni Nadia at naisipan na doon i-celebrate.

Saktong alas-sais na ng hapon ng matanaw ko si Sky at Gio na naglalakad. Napatayo agad ako ng tuwid. Mula sa malayo ay naririnig ko na ang boses ni Sky. They are talking but it sounds like an argument based on their expressions. Hindi ko lang maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Natahimik si Sky sa tangkang pagsasalita ng makita ako. Ang nakakunot niyang noo ay biglang naglaho at napalitan ng malawak na ngiti. Sinalubong niya ako ng yakap.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon