Chapter 52

8 0 0
                                    

   "Hinatid niya lang si Caryl dito." Si Cyryl na ang sumagot sa lahat ng katanungan ni Raven.

   "At bakit naman? Siguro ikaw ang may gawa nang mga pasa sa mukha ni Caryl. Kahit kailan talaga dinadaan niyo sa dahas ang lahat ng bagay para lang makaganti. No wonder my clan doesn't respect any Montecarlos." Saad naman ni Raven.

   Ganoon ba kalalim ang away nila?

  "Ku—"

   "To be honest, I don't care about your opinion. Pero reminder lang ha. You should thank me in return for saving your brother's ass rather than insulting my clan. Base sa sinasabi mo, hindi pa umaabot sa kalahati ang nalalaman mo. Stop judging us like you know the real story." Sagot naman ni Cyra habang pilit na pinapakawalan ang braso niya sa pagkakahawak ni Brenz.

   "I'm done with him. Aalis na ako ate. Siguraduhin mong aalagan mo siya ng higit pa sa buhay mo dahil malilintikan ka sa akin kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya." Banta niya kay Cyryl bago kinuha ang bag niya.

  "At anong ibig sabihin nito? Isa ka ring Montecarlos, Aicelle? Alam mo ito C?" Bakas sa mukha ni Raven ang galit.

  "Relax their hot-headed guy. Malapit ka nang sumabog eh." Pang-aasar ni Cyra na naging dahilan ng pagkakainis ng todo ni Raven.

   "An—"

  "Hindi Raven. Teka!" Pumagitna naman ako sa kanilang dalawa kahit na pilit akong hinihila ni Cyryl pabalik.

   "Umalis ka diyan Ice. Kung hindi ka—"

   "Pamilya ko siya bakit ba?!" Naiinis na tugon rin ni Cyra.

   "She's just Aicelle's friend from her previous school. Control your temper X. Umalis ka na Cyra." Tiningnan naman ni Cyra ng masama si Cyryl na binalewala naman ng isa bago siya tumingin sa akin at yumakap bago umalis.

   "We're not yet done Montecarlos. Remember that." Banta ni Raven.

   "Make sure alam mo na ang lahat ng totoo bago mo ako pabaunan ng banta mo Del Franco. Hindi pa naman ako basta-basta nasisindak." Yun ang huling salitang binitawan ni Cyra bago sita tuluyang umalis. Hindi naman nagtagal at narinig namin ang unti-unting pagkawala ng tunog ng motor niya.

   "Anong ibig sabihin nun Caryl. How dare you turn your back on our family by befriending that piece of trash!" Baling naman ni Raven kay Brenz. Tiningnan naman ni Brenz si Cyryl na agad namang rumesponde.

   "X it's not wh—"

  "I am not talking to you Cyryl. Answer me Caryl. Are you betraying our family?" Grabe! Hindi man lang niya tiningnan kahit saglit si Cyryl. Ganoon ba siya kagalit?

   "No. I don't even know that she is a Montecarlos. Tumulong lang naman ako kasi nakikita kong pinagtutulungan siya ng mga lalaki sa daan. Bakit kuya? Dapat ba kinilala ko muna siya bago ko siya tulungang makaalis?" Halata naman sa boses ni Brenz na hindi niya gusto ang pinupunto ni Raven. Kahit nga ako hindi rin maintindihan si Raven eh.

   "Alam mong malaki ang kasal—"

   "So dapat ba hayaan ko siya kasi malaki ang kasalanan ng angkan niya sa atin? The hell kuya! Kung masamang sundin ang mga payo ni lola problema mo na yun! Anong gusto mong gawin ko? Hayaang makitang mamatay ang isang babae sa harapan ko? Kung wala kang puso, pwes ibahin mo ako! Stick with that goal of revenge na pinapakain sa inyo ni tito. Kung may problema kayo sa kung kani-kaninong mga angkan, huwag niyo na akong idamay dahil wala kayong mapapala sa akin." Saad ni Brenz bago kinuha ang bag niya at aalis na sana ng biglang hawakan ni Raven ang braso niya.

   "Ngayon pinagtatanggol mo siya ke—"

   "Enough X. Let him rest." Ilang segundo pang umigting ang panga ni Raven bago niya pinakawalan ang braso ni Brenz na namumula sa higpit ng hawak niya.

   "What the fuck's running inside his fucking mind! Gaano ba katindi ang pagkakasuntok sa kaniya at pati utak niya naalog ata!" Ginugulo naman ni Raven ang buhok niya habang pagod na nakaupo sa sofa.

   "It's not his fault kuya. This time... You've cross the line." Saad naman ni Allen bago umalis.

   Nakatanga naman si Raven sa inasal ni Allen bago bumaling kay Cyryl, "Kita mo yun? Kinakampihan nila ang Montecarlos na iyon C kesa sa akin! The hell!"

   "Sa tingin mo bakit?" Saad ni Cyryl bago umupo sa katapat na sofa ni Raven na may lukot na mukha.

   "Anong sa tingin mo bakit? Hindi mo naiintindihan yung nangyari?" Frustration is visible on Raven's face.

    "Baka naman kasi this time, lumagpas ka dude. Baka kasi sumubra ka na nang hindi mo namamalayan dahil sa paniniwala mong sila ang may kasalanan." Saad naman ng taong prenteng-prente sa pagkakasandal sa isang tabi.

   "Jean. Kailan ka pa nakarating?" Tanong agad ni Cyryl pagkalapit ni Wencel sa pwesto nila habang binibigyan sila ni Raven ng fist bump.

   Tingin ko kailangan ko nang umexit dito. Mukhang maghaheart to heart talk ang mga mokong na ito.

   "Ahm... Maiwan ko na muna kayo dito." Singit ko para makaalis na.

   "Wala akong alam sa dahilan ng pangyayari kanina, pero Raven, sana matuto kang makinig ng payo at opinyon." I added then patted his shoulder. I hope malinawan siya at nang makapag sorry man lang kay Brenz.

   Tuloy-tuloy lang ang paglabas ko sa kusina para kunin yung maletang pinaglagyan ng mga gamit ko at pumanhik na sa kwarto.

   "Hayyy... Ang daming nangyari." Saad ko pagkatapos dumeretso ng higa sa kama.

   Mamaya ko nalang aayusin yung mga gamit ko. Nakakatamad pa eh.
Kumusta na kaya si Brenz?

    Ilang segundo din akong nakatungangang nakatingin sa kisame bago napag desisyunang puntahan si Brenz sa kwarto niya. Sana nga lang, hindi niya ibunton sa akin ang galit at pagkainis niya.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon