Chapter 36

13 1 0
                                    

  Naging tahimik ang mga sumunod na oras sa loob nang kotse. Wala akong lakas nang loob magsalita kasi kinikilig pa ako. Ayokong umayos nang upo sa kadahilanang baka mahalata niya pa na hindi pa ako tapos kiligin.

   I fidgeted on my seat when he suddenly hold my hand and place it on my lap. Mabuti nalang at nakapantalon ako kung hindi nakalapat na ang mga daliri niya sa balat ng hita ko.

   "Are you still angry baby?" Tanong niya sa pinakamalambing na boses na kaya niyang gawin.

  "Bakit naman ako magagalit?" Takang tanong ko. Ano naman ang dahilan nang galit ko?

   "After we had our small fight earlier hindi mo na ako pinapansin. You keep facing the window than looking at me from time to time. Kaya inisip ko na baka galit ka." Kaya pala ang lalalim nang mga buntong hininga niya kasi iniisip niyang galit ako. Tsk. Tsk. Poor boy. Ano kayang magiging reaksiyon mo pag talagang nagalit ako Cyryl.

   "I'm not angry Cyryl. I can't be angry with such small reason. I can control my temper." Saad ko nang hindi siya binabalingan. Kailangan kong kalmahin ang puso ko. Kanina ko pa nararamdamang mainit ang pisnge at tenga ko. May lagnat ata ako eh, malas naman nang timing. Kung kailan may pupuntahan kami ni Cyryl.

   "Now your lying." Saad niya na siyang dahilan para harapin ko siya nang nakakunot ang noo. Hindi man lang iniisip na baka mahalata niya ang pamumula ko.

   "I'm not lying Cyryl. I'm not a liar. Ano namang basehan mo na  nagsisinungaling ako?" Bwelta ko. Pinaka ayoko sa lahat yung sinasabihan ako na sinungaling! Matatanggap ko lang ang salitang yan kapag nagsinungaling ako para sa ikabubuti nang lahat. White lies kumbaga.

   Huminto naman siya sa pagdadrive na siyang ipinagtaka ko. Magtatanong na sana ulit ako nang makita kong pula ang traffic light at tumatawid na ang mga tao. Nabalik naman sa kaniya ang atensyon ko nang hawakan niya rin ang isa pang kamay ko.

   "If your not angry then bakit sa labas ka nakatingin? Why can't you look at me instead of looking outside?" Minsan talaga masarap sapakin ang mokong na 'to kapag nag-iiba nang mood.

   Kanina lang ang swabe-swabeng magpakilig ngayon naman nagpapaawa na akalain mong walang may gusto sa kaniya.

   "Hindi ako galit okay. Sadyang gusto ko lang tingnan ang labas habang tumatakbo ang kotse." Paliwanag ko.

   "Talaga? Hindi ka galit?" Tumango naman ako bilang tugon. "Akala ko gal—"
 
    "HOY! KUNG HINDI KAYO NAGMAMADALI SA TABI KAYO NANG DAAN HUMINTO. NAKAKAUBOS KAYO NANG ORAS EH!" Naputol ang sasabihin ni Cyryl nang bigla nalang bumusina nang sunod-sunod ang kotseng kasunod namin at sumigaw nang malakas.

   Inilabas naman ni Cyryl ang kamay niya at binigyan nang isang dirty finger ang kung sino mang kasunod namin bago humarurot para makalayo. Mabuti nalang at hindi pa rush hour ngayon kung hindi naipit na kami sa traffic.

   "Anong lugar na 'to Cyryl? Saan ba tayo patungo?" Nagtatakang tanong ko. Mukhang malayo na kami sa bahay ah.

   "Malala—"

   "Tss. Why do they always interrupt me when I decided to talk. Tsh!" Inis na tugon niya bago sinagot ang cellphone at nilagay sa loudspeaker nang hindi man lang tinitingnan ang caller I.D.

   "I swear Stacey, kung wala kang mati—"

    "Stacey your as—"

   "Ayyy! Ano ba Cyryl, magpapakamatay ka?" Naiinis na bulong ko sa kaniya. I break ba naman nang biglaan ang kotse. Mabuti nalang at nakaseatbelt ako.

   "Sino na naman yang kasama mo C? Bakit ba wala ka pa dito. Malapit nang mag-umpisa ang meeting mo with an international client tapos nasa labas ka pa. Hindi pa ba tapos yang meeting mo!" Bakas sa boses ni Raven ang inis.

   "Relax X, may importante lang akong gagawin kaya ikaw na muna ang makipag meeting," walang paki niyang tugon.

   Tingnan mo ang isang ito, inaapi niya lang yung kakambal niya eh.

   "I knew it! Kasama mo si Ice ngayon kaya natagalan ang meeting mo kuno. Tambak ang papers sa lamesa mo C. Bahala kang tumapos nang lahat nang yun, masyado ata kitang napagbibigyang hayo—"

   "Ahm, excuse me sir but the investors are here," singit nang isa pang boses nang lalaki. Secretary siguro yun ni Raven.

   "I'll be there in a minute" saad niya sa kausap niya kanina. "You should learn how to manage your time Cris Cyryl." Saad niya naman sa kasama kong prente lang na nakaupo at nagmamaneho na parang natural lang ang ganitong pangyayari sa kaniya.

   "Hey, watch out your words Raven Xyrielle, I'm still older than you a minute or two," angal nang katabi ko.

   "I don't care if your older, we are twins that explains everything. Make sure to finish all those papers tomorrow, kakailanganin ko yun." Bilin niya.

  "The problem is, we're not going home later, we're going somewhere. We'll be back after a week." Saad niya kay Raven na siyang dahilan nang frustration nang nasa kabilang linya.

   "Tss. What do I expect? You do what you desire. I will hang up now. Hindi kasi katulad mo, may importanteng trabaho pa akong aasikasuhin," saad niya bago nag end ang linya.

   "Tss, wala lang siyang lovelife naiinggit na siya sakin. Importanteng tao ka rin naman ah. Inggetero talaga ang isang yun." Saad niya rin, pinisil niya naman ang kamay kong hawak niya pa rin.

   "Hindi ka nagpaalam na may balak ka palang iwan siya sa kompanya niyo," untag ko.

   "Baby, kapag nagpaalam ako, hindi ako papayagan nang isang yun, dinaig niya pa si mommy kung manermon eh. Iisipin kong bakla siya kung hindi ko lang nasaksihan ang pagpapalit nang babae niya noong mga nakaraang taon." Tugon niya. "Kung hindi nga lang siya iniwan, baka hindi siya ganyan kasungit ngayon," dagdag niya pa.

  "Si Raven iniwanan? Bago yun ah," saad ko. Hindi niya siguro naisip na baka marinig ko ang mga pinagsasabi niya kaya nagulat siya sa sinabi ko.

  "Shit! Baby, promise me hinding-hindi mo sasabihing may nasabi ako tungkol diyan. Hell, wag mo siyang asarin tungkol sa mga nalaman mo. Sigurado akong hindi niya mapapalampas ang kung sino mang magbukas nang usaping iyon." Bakas sa mukha niya ang sensiredad sa pagpapaalala sa akin. 

   Ganun ba kasakit ang nangyari kay Raven kaya ganiyan ang ugali niya? Binago ba siya nang karanasan niya? Kawawa naman si Raven.
  

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon