Chapter 13

20 2 0
                                    

   "Bakit naman ako hindi magiging nice sa inyo? Wala naman kayong ginagawang masama?," takang tanong ko.

    "Girl, cut the crap okay, I don't even have any care about you. Kung hindi nga lang nagmula sa bibig ni Cris na pinsan ka nila, walang maniniwala," asik niya.

   Baliw ba ito? Sino namang nagsabing maniwala sila? mas gugustuhin ko pa ngang ituring ako nang mga mokong na iyon na iba eh kesa pakitaan nila ako nang kabutihan. Mabilis pa naman akong mahulog.

   "Wala namang nagsabing maniwala kayo. Bakit niyo naman ginawa?" Tanong ko rin.

   "Tss, don't be so stupid. I don't want to hear your annoying voice. Alam ko kung sino ka, Aicelle Samonte, so watch your back, I may be hiding there waiting for the perfect time when to strangle you." Bulong niya habang lumalapit. Sa totoo lang, hindi naman ako natatakot makipag away, lalo na at mukha naman silang madaling paiyakin. Iyon nga lang, pag itong mga ito nagsipagsumbong sa mga magulang nila, sigurado akong katapusan ko na.

   "Let's not waste both our time here, I just wanted to say this to you personally to make you understand it more clearly. CRIS. IS. MINE. So don't you dare pull out some tricks under you sleeves to make him yours. Remember that okay?" Litanya niya habang may pekeng ngiti sa labi bago ako iniwan.

   Baliw nga siguro sila. Bakit ko naman aangkinin si Cyryl, eh hindi ko naman siya pag aari? Isa pa, hindi nga kami madalas magkasundo nang isang iyon, tapos ako pa pagbabantaan niya? Ang weird nang mga iyon. Hayst!

    Uupo na sana ulit ako nang mamataan ko si Shaira na papalapit sa kinauupuan ko. Huwag niyong sabihing pati siya pag babantaan ako para lang sa Cyryl na iyon? Masesermonan ko talaga ang mga mokong na iyon sa mga pinaggagagawa nila. Sa dami ba naman kasi na pwedeng pag laruan, mga babae pa. Ayan tuloy, kung sinong bago sa paningin nang mga babae nila, tinatakot. Hayst!

   "Hai," bati ko nang nakalapit na siya.

   "You're alone here? Bakit di mo kasama mga pinsan mo?" Hindi ko alam kung alam ni Shaira ang totoo. Basta ang alam ko lang pare pareho kaming nagulat nang pumasok siya sa bahay nung nakaraan. Hindi pa naman ako ready na sabihing kasama ko ang limang mokong na iyon sa iisang bubong. Balak ko pa nga sanang bumaba nalang kanina sa unang kanto papunta dito kaso binilisan ni Wencel ang pagdadrive kaya hindi ko na nabuksan ang pinto.

    Dinala siya noon sa office nina Raven kaya wala akong alam sa pinag usapan nila at kung saan tungkol ang pinag uusapan nila. Basta ang alam ko, pagpasok nila sa kusina, balik na naman siya sa pagiging masayahin.

   "Are they disturbing you? Or maybe harassed you in any way?," mababakas sa boses niya ang pag aalala.

   "Nasa klase pa siguro iyong mga yun." Sagot ko sa naunang tanong niya. "Hindi rin naman ako sinaktan nang mga babaeng nandito kanina," hindi ko nalang sinabing tinakot nila ako. Akalain pa nila na sumbungera ako. Tsh!

    "I know it's rude of me to meddle with what I saw earlier, but those girls are bitches. I think I should warn you in any possible way na kung pupwede huwag mo nalang salubungin ang daan nila," I know I can be harsh sometimes but this is not the only thing who can make me turn my back into something that I will surely regret.

   "I'm okay Shaira, you really don't have to worry. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. And besides, ano pang silbi nang mga PINSAN ko kung hahayaan nilang masaktan ako sa ilalim nang pangangalaga nila diba?" Sagot ko, emphasizing the word pinsan. Nakakadiri namang isiping pinsan ko sila.

   Ang kapal din naman nang mukha mo Ice. Pasalamat ka nga mga anak ni Adonis iyang nagpapanggap na pinsan mo, hindi ka napunta sa mga kulang nalang kahoy para maging tunay na basagulero ang mukha.

   "Yeah, surely they can protect you. I didn't doubt that. All I worry is that those bitches loves to play behind your back. Hindi rin sa lahat nang oras naka antabay silang lima sayo. Surely their house is a safe zone for you, pero ibang usapan na pag nasa labas ka Ice. I'm not saying na katakutan mo sila, mas gugustuhin ko pa ngang makitang umiyak yung mga yun dahil sa hiya eh, but I think that if ever I have the chance to warn you first hand, why not right? Huwag mo sanang masamain ang mga sinabi ko Ice, I consider you as a friend of mine, that's why I care for you," sa haba nang sinabi ni Shaira, tango nalang ang nasagot ko. This time hindi ako natulala sa kagandahan niya. Medyo nasanay narin naman akong makakita nang magaganda. Iyon nga lang, hindi ko akalain na ituturing niya akong kaibigan at nag aalala siya sa akin. Idagdag mo pa iyong mahabang sinabi niya, sigurado talagang wala kang ibang gagawin kundi ang tumango.

   Sasagot na sana ako sa kaniya nang bigla nalang may nagtanong sa likod ko. At sa boses palang alam nang ang snob niyong lolo ang nakaharap ngayon sa likuran ko.

    "What happened? What's the warn something I heard earlier Shaira?" Tanong ni Cyryl sa pinakamalamig na boses.

     Dahil sa takot sa boses niya, hindi ko magawang humarap sa kaniya. Pinandilatan ko si Shaira para sabihing huwag nang ipaalam sa lolo niyo. Nakita ko namang bumuntong hininga siya bago ibinaling ang tingin sa likod.

    "Wala naman, I've just warn her na huwag siyang tatambay mag isa dito at baka mapahamak pa siya. Secluded ang area kaya walang gaanong tao sa paligid. Iyon lang naman." Pagkatapos niyang sagutin si Cyryl ay hinarap niya ulit ako.

    "I hope your not offended by my words earlier. Mauuna na ako," paalam niya sabay beso. Pagkatapos niya kaming talikuran maglalakad na sana ako papunta sa kotse nang hinila ako ni Cyryl. Sabi na nga ba eh!.

    "Mag uusap tayo mamaya," bulong niya bago naunang maglakad patungong kotse.

  

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon