Chapter 84

37 2 0
                                    

P.S. this will be going to be the last chapter for the Del Franco Series #1 season 1 entitled Perfect Stranger. Stay tuned para sa season 2 ng storya ng CrisCelle love team.

--------

Pagkabitaw ko kay Wencel, si Allen naman ang hinarap ko para yakapin.

"I'm going to miss you. Thank you sa lahat ng pag-aalaga sa akin at sa pagiging mabuting kaibigan Allen. Please take care of yourself," saad ko bago siya binitawan.

Now. It's time to face their king. Ang hari ng mga mokong na nakabingwit ng puso ko. Tinitigan ko muna siya bago lumapit. This will be going to be the last chance para matitigan siya ng malapitan. I'm sure I am going to miss his eyes. Ang mga mata niyang punong-puno ng pagmamahal para sa akin. His baby blue eyes are so beautiful to look at. Paniguradong mamimiss ko ng husto ito. Ang matangos niyang ilong na parating pinapasadahan ang leeg ko. Kasama na ng napakalikot niyang bibig. Paano ko nga ba makakalimutan ang isang ito kung hulog na hulog na ako sa kaniya? Katotohanan lang ang hiniling ko sa pagpunta dito pero katapusan ang ibinigay sa akin. Tadhana nga naman.

"Don't stare at me like that. Baka magbago pa ang isip ko at balewalain ang desisyon mo," saad niya habang nakikipagtitigan pa rin sa akin.

"I know I am going to miss you," paunang saad ko na nginitian lang niya. Wala akong pakialam kung muntikan niya na akong saktan kanina. Kaya kong kalimutan ang lahat para lang sa nag-iisang lalaking ito. Ang lalaking ama ng magiging anak ko.

"I'm sorry if we're going to end like this. I'm sorry if I am not brave enough para hayaan kang makasama ako. Nasira na ang lahat sa atin Mr. Del Franco," natawa siya sa sinabi ko.

May nakakatawa ba doon?

"Earlier you keep on calling me Cyryl. Bakit ngayon nag-iba?" Pabirong saad niya. But I can see sadness in his eyes. Pinipilit niyang huwag ipakita sa aking nalulungkot siya kahit na halata naman sa mga mata niya.

"Thank you for making my life worth it. Thank you for giving me life, giving me a family. I owe you this one. I don't have enough time. Baka kaladkarin nga ako ng kakambal mo. Words are not enough to express what's on my mind...that's why I will settle for a simple thank you for now. Thank you for everything." Saad ko habang kinakabisado ang mukha niya. This is it. Wala ng atrasan ang desisyon kong ito. Say goodbye to daddy for now my little angel. I'm sure one day, you will going to be reunited again.

"Sigurado ka na ba?" Tanong niya. Hope is visible in his eyes pero hindi 'yon sapat para mabago ang desisyon ko.

"Good bye Mr. Cris Cyryl Del Franco," saad ko bago siya binigyan ng isang huling halik sa labi na puno ng pagmamahal.

I will never forget you baby. You're the reason why up until now, I still have so much hope in me. Your the most perfect stranger whom I always love 'til the end, even though life doesn't want us to be together. Your the most perfect stranger whom I always pray to be with me even after all the hardships. Please be with me, I hope we can still be together.

"Aicelle"

"I should go. Take care of yourself for me. Until next time," putol ko sa kaniya bago siya tinalikuran.

Unti-unting nawawasak ang puso ko sa katotohanang ito na ang huli. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang talikuran siya.

Haharap na sana ako sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at iharap ako ng sapilitan.

"I..I have one last favor. Can you do it?" Puno ng pagsusumamo ang mata niya. Kapag nagpatuloy pa ito, hindi ko alam kung makakaya ko bang umalis.

"Please tell me you love me Aicelle. Tell me you love me baby and it's always me. No one else but me...please?" Don't look at me like that Cyryl. Pinapahirapan mo ako.

I don't have time. I need to go.

"Good bye Cyryl," tugon ko nalang bago siya tinalikuran ng tuluyan. Pagkalabas ko ng pinto, ramdam ko na ang bigat ng pagbitaw ko. Nararamdaman ko na ang kalungkutang lalamon sa akin sa susunod na mga araw.

Please...ngayon mo ako habulin Cyryl. Ngayon mo ako pigilan. At gagawin ko ang lahat para hindi tayo magkahiwalay pa.

Umaasa akong hahabulin niya ako. Pero walang dumating na Cyryl. Nakalabas na ako sa gate pero wala pa rin akong naririnig na humahabol sa akin. Siguro nga ito talaga ang makabubuti sa amin. Ang maghiwalay ng landas.

Muntik na sana akong mapaupo sa kalsada ng may makabanggaan ako. Mabuti nalang at nahawakan niya ako sa balikat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may mangyaring masama sa baby ko.

"Sor—Ice! Mabuti naman umuwi ka na. Saan ka ba galing? Bakit nandito ka sa labas? Halika, pumasok ka na para makita ka nina kuya. Kung alam mo lang, para ng mababaliw si kuya Cyryl sa paghahanap sayo. Kung hindi pa siya ikukulong ni kuya Raven sa kwarto niya hindi pa siya matutulog. Saan ka ba kasi nanggaling? Anong nangyari at bakit hindi ka umu"

"Sorry...and thank you," putol ko sa mga sasabihin pa niya at niyakap ng mahigpit.

"Huh? Okay ka lang?" Hindi ko na siya sinagot at niyakap nalang ng mahigpit. Mamimiss ko ang batang ito.

Ako ang unang kumalas sa yakap namin at nginitian siya.

"Good bye Brenz. Be a good boy. Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang mga kuya mo. Mamimiss kita," saad ko bago tumalikod sa kaniya.

"Huh? Teka!" Kinawayan ko nalang siya para matahimik na. Naglakad ako pabalik sa bahay ni Lorraine. Mabuti nalang at wala pa siya. Dumeretso ako sa kwarto para maligo at magbihis dahil nanlalagkit na ako kanina pa. Gusto ko ng magpahinga. Masyado ng pagod ang katawan ko para manatiling gising sa pagdating ni Lorraine. Tapos na ang lahat sa pagitan namin ng mga Del Franco. Ngayon...kailangan ko ng harapin ang problemang dala ng pagkatao ko. I need to face my real problem this time. Ang pamilya ko. Sana nga lang, hindi maging mahirap ang pag-aayos ko sa buhay ko. Ayokong makuha lahat ng anak ko ang stress na dulot ng mundong ito.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon