Chapter 5

30 5 0
                                    

   Nandito ako ngayon sa likod ng school. Actually, bagong school ko, sabi kasi ni Wencel kailangan kong magpa enroll para hindi ako makipagsiksikan sa mismong araw ng enrollment. Muntik ko pa nga sanang makalimutan na ngayong araw na pala yun dahil sa inis ko sa kanila nuong nagdaang gabi. Pagtulungan ba naman ako. PSH!

   So ayun na nga, kasama ko kanina yung lima, ang problema nga lang pagkatapos nilang lumabas sa sasakyan ay nagkaniya kaniya na sila ng direksiyon na pinuntahan kaya naiwan ako. Eh hindi ko naman kabisado ang paaralang ito kaya dumeretso nalang ako dito sa likod, may nakita naman akong bench na pwedeng tambayan kaya dito na muna ako nagpalipas ng oras. Hindi naman pangit ang likod ng school. Magaan nga sa pakiramdam kasi maraming puno at sariwa ang hangin.

   Masyado ring malaki ang field dito sa likod. May field naman sa harapan pero sabi ng nagtour sa akin kanina ay pag aari ng elementary at secondary ang lahat ng facilities sa harapan. Mapasports man o academic activities. Itong likod naman ng school ang pag aari ng college department. Kung tutuusin doble sa laki ito kaya hindi na rin kataka takang mas vigorous yung activities nila. Ayaw raw kasi ng principal ng school paghaluin ang facilities ng elementary at secondary sa college kasi nga madidistract daw ang lower grades sa mga college activities na gagawin ng mga college students.

   "Nakakabagot naman dito mag-isa. Nasaan na ba kasi sina Wencel? Mabuti sana kung may makakausap ako dito." Bulong ko. Napagpasyahan ko nalang na maglibot libot habang nag iisip ng pwedeng libangan nang mapadpad ako sa hallway ng library.

   Aha! Saan pa nga ba pwedeng magpalipas ng oras nang hindi ka nababagot. Ang swerte ko kahit papaano. Hahahaha.

   Kanina pa ako nakaupo dito sa library habang may makakapal na libro. Gusto kong magbasa pero hindi ko alam kung anong uunahin kong basahin. Hirap talaga pag matalino ka hahahaha.

    Babasahin ko na sana yung nahawakan kong libro ng bigla nalang akong may narinig na bumubulong. "Baby, let's not do this here, the librarian might caught us on the spot." A girl's whisper. Automatic nang nagsitaasan ang mga balahibo ko, baka mamaya may multo pala dito. Nasa pinakalikod pa naman ako.

   "I don't have plans to do this but you insisted and dragged me down here. So you should suffer your consequences." Bulong ng tinig ng lalaki. Abah! May milagro ata. Pero grabe ang lakas makagwapo ng boses ni kuya ah, kahit bulong sexy parin. Malas lang nila at narinig ko itong sikreto nila. Wala ba talagang lugar na pwede nilang piliin maliban dito sa library?! Kahiya!.

   Gustuhin ko mang hanapin kung nasaan yung mga boses pero hindi ko na nagawa. Kasi naman eh, nakakatakot na yung titig ng librarian. Baka akalain pa niyang ako yung may gawa ng mga boses. Kainis! Kahit ang layo ko narinig niya pa rin yun?

  "Oh come on Cy, just enter it and do your thing", anang babae.
 
   "Can't you just lower your damn voice Shai? Maririnig tayo ng librarian malalagot talaga tayo", the boy hissed. Takot naman pala bakit dito pa napiling gumawa ng milagro.

   "Miss, this is a library and I bet you know how to read that sign, so if you can't shout your mouth and make some damn weird noises then your free to leave", striktang ani ng librarian. Bwesit naman oh, bakit ako ang napagalitan eh hindi pa nga bumubuka yung bibig ko eh.

    "Sorry ma'am", bulong ko nalang din bago siya tumalikod. Bagot na bagot pa nga ako dito tapos napagalitan pa, ang swerte ka naman ata masyado sa araw na to. Hayst!

   "Kung bakit ba kasi dito pa nila naisip gumawa ng milagro. Hindi ba sila makatiis at kung saan saan nalang bumibigay? Hindi ba  nila alam na pwede silang makaperwisyo? Ako pa tuloy napagalitan", naiinis na bulong ko. Tatayo na sana ako at aalis ng may masagi ang paa ko sa ilalim ng lamesa.

   At siyempre pa, dahil lumaking matatakutin ang ate niyo, dahan dahan kong sinilip ang ilalim ng lamesa at baka may kung ano pang bagay ang nandito.

   Kinailangan ko pang dahan dahaning itabing ang table cloth. Kung bakit ba kasi masyadong mahahaba ang table cloth ng library table ayan tuloy, dagdag ghost vibes lang.

   After I manage to gather all my strengths, I successfully manage to know who's at fault of my embarrassment.

   Nakita ko lang naman sa ilalim ng mesa si Cyryl at isang napakagandang babae na naka upo sa harapan ni Cyryl at nakaharap sa laptop.

   I know they can see my shock because it's really visible on my face. Well at least, they're not doing what's on my mind right? I guess its still fine. Hayst!

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon