Chapter 56

10 0 0
                                    

   I woke up when my alarm started to became annoying. Bakit nakaset yung alarm clock eh hindi ko na— ang kapal talaga nang mukha nang mokong na yon! Pinilit pang matulog dito yun pala gusto lang pakialaman ang alarm clock ko. Mamaya ka saking mokong ka.

    Bumangon na ako sa pagkakahiga kasi naman wala na akong magagawa dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog. Tiningnan ko ang orasan at agad bumangon para maligo at simulan ang araw.

    Alas kwatro palang pala...wait..alas kwatro palang nang madaling araw? Agad ko namang binuksan ang makakapal na kurtina sa kwarto para tingnan kung talagang madaling araw pa.

   "Walang hiya ka talaga Cyyyrryyylll!!! Pinuyat-puyat mo ako kagabi tapos gigisingin mo ako nang ganito kaaga?! Humanda ka sa akin mamaya talagang mokong ka!!" Naiinis na bulong ko habang tinitingnan ang salamin sa banyo na nilagyan niya nang picture niya. Bwisit! Kung anu-anong trip pumapasok sa isip nang gagong yon! Kainis!

   After I finished my morning routine, dali-dali naman akong bumaba para sermunan ang hari nang mga mokong nang salubungin ako nang napakabusyng mga mokong.

   Anong nanyayari sa kanila? Nagjogging ba silang lahat dahil basa ang buhok nila o talagang nakaligo na? Bakit sobrang busy naman ata? Dahan-dahan naman ako sa pagbaba dahil hindi pa ako napapansin nang mga mokong.

   "Kuya pwede ko bang isama si Al?" Tinig ni Allen habang nakadungaw sa cellphone niya.

   "Christmas Vacation tapos isasama mo jowa mo, gago ka dude?" Singit naman ni Wencel. Kahit ang aga-aga pa tsismoso pa rin ang gago.

   "Unfair naman kasi. Si kuya Cy makakasama si Ice habang ako hindi ko pwedeng isama si Al..tsaka hindi ko siya jowa gago, bestfriend ko lang yon no," agad na tugon niya.

   "Magkaiba naman kasi yung sitwasyon niyo kuya Allen. Si kuya Cy girlfriend si ate Ice, eh ikaw ba? Girlfriend mo na si ate Alexa?" Singit naman nang bunso. Muntik na kong humalakhak dahil sa harap-harapang pambabara nitong si Brenz. Mabuti nalang at napigilan ko pa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Allen nang dahil sa tanong ni Brenz samantalang ang ibang nakikinig ay hindi na mapigilan ang hindi humalakhak.

   "Ang aga-aga mga gago!" Naiinis na tugon niya bago niya isinilid ang cellphone niya sa bulsa at pinagpatuloy ang ginagawang paglilinis at pagtatakip nang mga kagamitan sa bahay. Grabe naman sa sipag pala ang mga ito kapag bakasyon na ang pinag-uusapan. Aakalain mong mga batang paslit ang mga ito.

    Ang aga-agang magising kahit mamaya pa yung alis.

   Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang may malamig na bagay ang dumantay sa balikat ko. Kung bakit ba kasi naisipan kong magsuot nang sando ngayon?

    Unti-unti kong nilingon ang kanang bahagi nang balikat ko para tingnan kung sino ang may-ari nang malamig na bagay na nasa balikat ko pa rin.

   Wala naman sigurong multo dito diba?

   Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko ang mukha ni lola na may nakadikit na ngiti. Grabe! Ang ganda-ganda niyang tingnan. Kung hindi ko lang alam na apo niya ang mga mokong na nasa baba, aakalain kong hindi pa siya lola eh.

    "Bakit nandito ka pa? Hindi ka bababa?" Mahinang tanong niya. Hindi naman siya mukhang bagong gising.

   "Ahh,  pababa narin po ako." Saad ko nalang. Nginitian niya lang ako habang sabay kaming bumababa.

   "Nagising ka ba nila? Pagpasensiyahan mo na ang mga yan, aakalain mong hindi pa nakakapagbakasyon ang limang yan," salaysay ni lola.

   "Hindi naman po. Masyado," ngiwing saad ko.

    "Naku, halika na at kakain na tayo." Saad naman ni lola habang inaakay ko siya pababa.

   "Bakit ang aga po nating kakain lola? Eh mamaya pa naman pong alas otso yung flight diba?" Okay lang sana kung si lola lang yung nagiging busy eh, maiintindihan ko pa. Pero pati ba naman ang limang mokong busy rin?

   "Hindi ba sinabi ni Cris Cyryl sayo?...kaya pala mukhang naguguluhan ka. Namove yung flight natin, mamayang alas sais na yung flight kaya kailangan nating umalis nang mga quarter to five. Medyo malayo-layo pa naman yung airport dito." Saad ni lola hanggang sa makarating kami sa baba.

   Tingnan mo itong mokong na ito, pinipilit pa ang sariling matulog sa kwarto ko kagabi hindi man lang sinabi na namove yung flight. Mokong talaga.

   "Boys, tama na muna yan, halina kayo sa kusina para makapag almusal na tayo. Mamaya niyo nalang tapusin yan," imporma ni lola sa mga mokong na todo sa pagliligpit nang gamit.

   Lumapit naman si Cyryl sa akin para humalik sa noo ko nang umatras ako. Nagulat naman siya, mabuti nalang at wala sa amin ang atensiyon nang iba dahil nag-uunahan na papuntang kusina.

   "Bakit? May problema ba?" Naguguluhang tanong niya.

   "Problema mo mukha mo. Bakit hindi mo sinabing namove yung flight. Kung hindi pa ako nagising nang maaga naiwanan pa ako!" Pasigaw na bulong ko. Agad naman niyang pinakita sa akin ang ngiti niyang labas lahat nang ngipin.

   Huh! Akala ata madadala ako nang pagpapacute niya.

   "Huwag mo akong kausapin. Naiinis ako sayo," saad ko bago siya iniwan sa puwesto niya ngunit mabilis niya akong hinila paharap sa kaniya.

   "Baby naman, ang sarap kasi nang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Plano ko namang balikan ka kapag—"

    "Kapag ano? Kapag isang minuto nalang paalis na? Saan utak mo Cyryl? Alam mo namang kailangan ko pang mag-impake," naiinis na putol ko sa sasabihin niya.

   "Hindi ah, plano kong gisingin ka nang ganitong oras. Mahaba-haba ang biyahe kaya kailangan mo nang sapat na tulog tsaka tapos ka nang mag-impake. Ginawa ko na yun," paliwanag niya habang hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.

    "Baby, sorry na oh. I just thought you need more rest that's why I didn't bother your sleep." Dugtong pa niya.

   Inirapan ko nalang siya at tatalikuran na sana nang bigla nalang nagsalita ang mga mokong na nakikinig sa pinto.

   "Naku Aicelle, pagalitan mo yan. Sinadya niyang huwag ipaalam sayo para mataranta ka." Saad ni Wencel.

   "Oo nga Ice. Huwag mong patawarin si kuya, masasanay yan mahirap na," dagdag naman ni Allen na siyang nakapagpapikon sa hari nang mga mokong.

   Tingnan mo to! Kung siya yung makapang-asar kulang nalang paiyakin yung kinakawawa eh.

   "Kayong dalawa, kapag hindi niyo binawi yang pinagsasabi niyo malilintikan kayo sakin." Saad nang lolo niyong pikunin.

   "Parusahan mo Ice, yung parusang pagsisisihan niya. Tulad nalang nang huwag mong kausapin buong christmas vacation. Okay ba yun C?" Singit naman ni Raven na may nakakalokong ngiti.

   "Pat—"

   "Tama na yang asaran boys, kain na at baka mahuli tayo," putol ni lola sa sasabihin sana ni Cyryl, tiningnan ko naman ang malungkot niyang mukha habang pinagtatawanan siya nang iba.

   "Galit ka?" Mahinang saad niya.

   Mokong talaga. Hinila ko nalang siya papasok nang kusina para makakain na. Baka tamaan pa nang topak to mahirap na.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon