WEIRDO, The Queen of the Devils

8 4 0
                                    

3rd Person's POV

Isang grupo nang magbabarkada ang pumasok sa kantina kaya't lumabas lahat nang estudyante maliban sa isa na labis na ikinagulat nilang lahat.

" Mukhang may weirdo na hindi natatakot saatin, Boss!! " Saad nang isa sa mga ito habang nakatingin rito.

" Hayaan mo, baka asawa yan ni RobinHood, Haha! " Natatawang sambit nang lider nila, " tignan niyo tanghaling tapat naka hoodie jacket " asar pa nito.

" Hahahahaha!!! " Tawanan nang mga magbabarkada sa kantina matapos pasadahan nang tingin ang babae.

Balot na balot ito sa kanyang kasuotang itim na hoodie jacket at pants, Nagbabasa rin ito nang isang libro na di mawari nang magbabarkada kung ano.

Ngunit kahit na naririnig sila nito ay hindi na lamang niya pinapansin at ipinagpatuloy nalang ang pagbabasa sa hawak na libro.

Dala nang kanilang kuryosidad nilapitan nang isa sa mga babaeng myembro si Thalia ang babaeng weirdo, Sa paglapit nito ay agad niyang inagaw ang libro sabay tingin sa tatak nito.

" World of Gangster!?, Haha!! " Natatawang basa nito na narinig rin nang kanyang mga barkada kaya't umalingawngaw sa buong lugar ang kanilang mga tawanan.

" Hindi ito bagay sayo, Weirdo!! " Sarkastikong sabi nang babae habang ngingisi ngisi pa ito, Nanatili lang na nayuko si Thalia habang nakikinig sa pang aalipusta nang magbabarkada.

" Akala siguro nyan nakakaastig ang pagbabasa ng libro!!! " Hiyaw pa nang isang lalaki mula sa likuran niya, Nang lingunin niya ito ay kinukuhanan pala sila nito nang Video.

" Anong tini-tingin tingin mo, haa!? " Nang hahamong tanong nito, Ngunit ibinalik na lamang ni Thalia ang tingin sa sahig.

" Akin na yung libro, " Sambit pa niya habang nananatiling nayuko, " Ayaw ko ng gulo kaya ibalik mo na yung libro. " Mahinahong sambit pa niya.

" Haha!, Nanghahamon pa ata to mga tol!! " Sigaw nang babaeng nangagaw nang libro sakanya, " Hoy!, Ikaw!? Hinahamon mo ba ko haa!? " Mayabang na pagtatanong nito at itinulak si Thalia sa sahig, ibinato niya rin ang libro malapit sa kinauupuan ni Thalia.

Ngunit nang kukunin ito ni Thalia ay itinulak siyang muli nang babae palayo dito, Sabay buhos nang isang malagkit na inumin dito, Mula sa hood nang jacket na suot nito hangang sa pants na suot niya.

Hindi na nakatiis si Thalia dahil sa sumobra na ang mga ito sa limitasyon niya, Kaya't kahit na hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay sinipa na niya sa paa ang babaeng nasa kanyang harapan dahilan nang pagkatimbawang nito sa sahig.

Mabilis namang lumapit ang isa sa mga lalaking nakakita sa ginawa niya pero hindi pa man ito nakaka amba ng suntok kay Thalia ay naunahan na siya nito nang isang tadyak sa tagiliran, Napadaing ito sa sahig.

Tuluyan nang tumayo si Thalia at nilapitan ang pinakamalapit na lalaki sakanya sabay hablot sa damit nito, Walang habas niya itong pinagsusuntok hanggang sa mapahiga ito sa sahig.

Akma naman siyang hahampasin nang upuan nang isa sa mga babaeng myembro nang kanilang grupo pero napigilan niya ito gamit lang ang isang kamay, Inagaw niya ang upuan at inihampas ito sakanya, Napaluhod nalang sa sakit ang babae.

Sunod niyang nilapitan ang lalaking kumukuha nang video at mabilis itong hinila sa kwelyo kahit na higit na mas malaki ito sakanya ay hindi pa rin nito magawang makakalas sa higpit nang pagkakahawak ni Thalia sa kwelyo niya.

Hinila siya ni Thalia at walang pakundangang ibinalibag sa isang basurahan, Hindi pa siya nakuntento at pinagsisipa niya ito hanggang sa mawalan ito nang malay.

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now