Graduation

4 3 0
                                    

"Ma! Top 3 po ako sa Class, oh!", Masayang sigaw ko ng makapasok na sa bahay namin.

Nakita kong nagsusulsi ng damit si Mama, Pero parang wala itong narinig sa sinabi ko kaya nilapitan ko na siya para mas marinig niya ko.

"Ma, Oh! Top 3 ako!", Masayang pag uulit ko sakaniya.

"Top 3? Sige", Sambit niya lang at tinuloy na ang ginagawa niya.

Paakyat na sana ako sa kwarto ng makasalubong ko si Papa na pababa ng hagdan.

"Pa!, Top 3 ako, oh!", Sabi ko sabay pakita ng certificate sakaniya.

Ni hindi man lang niya tinignan ang Sertipiko ay nilagpasan na niya ko, Umakyat nalang ako pero hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto e, sinalubong na ako ni Eerah.

"Kuya! Narinig ko, Sabi mo top 3 sa klase niyo! Congrats sayo, Kuya!", Todo ngiting bati nito saakin.

"Wala kang pake", Sagot ko sakaniya at akma siyang lalampasan ng makita ko si Kuya na nakatingin ng masama saakin.

"Hoy! Ken, Bat ganiyan ka makipag usap kay bunso?!", Mataray na tanong ni Ate na kalalabas lang mula sa kwarto, mukhang narinig din ako.

"Pasalamat ka nga at kino congratulate ka pa ni Eerah e, mas mataas naman yung nakuha niya sayo!", Bulyaw naman saakin ni Kuya.

"Anong nagyayari dito? Bat nagsisigawan kayo?", Mula sa may hagdan ay paakyat na tanong ni Mama, kasunod niya lang si Papa.

"E kase po, Ma! Itong magaling mong anak inaartehan si Eerah, akala mo naman mas magaling", Paliwanag ni Ate sakaniya.

"Totoo ba, Ken?", Tanong ni Mama saakin sa pinaka nakakatakot niyang paraan.

Hindi nalang ako sumagot at pumasok na sa kwarto ko pero hinila parin ako ni Kuya pabalik, "Wag ka ngang bastos si Mama yung nagtatanong, oh!", Bulyaw nito saakin.

"Edi ikaw sumagot!", Pasigaw na ring Sagot ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto sabay sarado ng pinto.

"Hoy! Bastos! Lumabas ka jan!", Sigaw ni Ate mula sa labas at kinakalampag pa ang pinto ko.

"Hindi ko talaga alam kung kapatid ba talaga natin Yan e", rinig ko pang huling sabi ni Kuya bago mawala ang mga tinig nila.

______

"Ma? Malapit na po yung birthday ko, kailangan ko po ng cellphone kase online po yung klase namin niyan", Lambing ko kay Mama habang naka upo kami sa sofa.

"Hay, Naku Ken! Wag ka na mag gift ang tanda mo na e!", Sigaw na sagot saakin ni Mama.

Pinaalis niya ako dun dahil ginugulo ko daw siya sa pinanunuod niya, Lumabas nga ako at nakita si Papa na nag aayos ng kotse nilapitan ko nga siya.

"Pa?", Tawag ko sakaniya.

"Oh?", Sagot niya, "Abot mo nga yung screw driver jan!", utos niya na agad ko nang ginawa.

"Pa? Malapit na po birthday ko pwede niyo po ba akong bilhanng cellphone para sa online class namin sa school?", Tanong ko sakaniya.

Lumabas siya sa pagkakapasok sa ilalim ng kotse at tumayo lumapit sakin, "Gagamitin mo lang yun sa mga kagaguhan mo, idadahilan mo pa yung pag aaral!", Sermon niya at iniwan ako.

Papasok na sana ako ng biglang dumating si Kuya Vox mula sa trabaho pinagbuksan ko muna siya ng gate at Hinintay makalabas ng Kotse, Tinulungan ko pa siya magbuhat ng gamit niya hanggang sa sala.

"Aahh!! Kuya?", Tawag ko sa pansin niya.

"Hmm?", Tugon niya sakin.

"Malapit na yung birthday ko, pwede mo ba ko bilhan ng cellphone para sa online class ko sa pasukan?", Tanong ko sakaniya.

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now