The Bravest

2 1 0
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng pakikinig kay Ginang Alfonso ng magtanong ito, "Class, pwede niyo bang ibahagi sa klase ang pinakamatapang na ginawa niyo?", Tanong niya.

Halos lahat sila ay nagtaas ng kanilang mga kamay, kaya't isa isa silang tinawag ng aming guro.

“Dela Paz?”

“Nung may umaway po saakin hindi ko po siya inatrasan at Hindi rin po ako umiyak!”, taas noo pa nitong sambit.

“Torres?”

“Nung may hinabol po kami ng aso hinarang ko po yung mga kaibigan ko”, Sambit nito at nag akto na parang may hinaharang.

“Arseo?”

"Hindi po ako umiyak nung nadapa ako, at nung pinalo ako ni papa”, Pag sasaad nito na pawang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Ang tatapang niyo nga class”, Pag puri kuno ng aming guro sakanila, “Sino pa?”, tanong niya pa.

Agad na napuno ng tawanan ang aming silid aralan ng magtaas ng kamay ang bulag naming kaklase na si Manalang.

"Ikaw? HAHAHAHAHAHA may matapang na ginawa?”, tawang saad ng isang bully sa klase namin.

"Bulag yan, pano yan naging matapang?”

"Kawawang nilalang HAHAHA”

"Pabigat lang yan eh”, Halos lahat ng kaklase namin tumatawa.

"Class!! Silence!!”, sigaw na utos ni Ma'am, "Yes? Manalang, Ano iyon?”, tanong ni Ma'am dito.

"Do you really want to know what the bravest thing i do, Ma'am?”, tanong pa niya pabalik.

"Yes, Can you tell us, what is it?”, Tanong ulit ni Ma'am sa kanya.

"The reason, Why I am blind right now is because I donated my eyes to my youngest sister, Ma'am”, Then Silence eat us all.

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now