Devil's in Me

5 4 0
                                    

Samara's POV

"Sabihin mo kung anong nangyari!?", Kanina pang tanong ng pulis na ito saakin, ngunit hindi ako makasagot dahil sa totoo lang ay wala akong alam.

"Samara, Matutulungan ka namin!!," Sigaw pa nito, "Sabihin mo lang saakin ang nangyari ng gabing iyon," pagkumbinsi pa nito.

Paulit ulit ang kanyang mga tanong saakin kaya't pinilit kong makaalala ngunit wala talagang pumapasok saaking isipan.

Ako si Samara Zhen, Labing pitong taong gulang, Nag iisang anak ng aking mga magulang na sina Ara at Samuel Zhen.

Masaya ang aming pamilya noon pero ito'y nagbago dahil sa isang madilim at kagimbal gimbal na pangyayaring nangyari saaming buhay.

Ayon sa kwento ng pulis ay pinatay ang aking ama at malubha ang lagay ng aking ina, Ako naman ay natagpuang walang malay at mayroong isang saksak saaking katawan.

______

"Mama!! Papa!!", Masayang sigaw ko ng makita silang bumaba sakanilang sasakyan.

"Samara, Wag kang tumakbo!! Baka madapa ka!!", Sigaw pa saakin ni Papa nang takbuhin ko ang hagdan patungo sakanila.

"Namiss ko po kayo!!", Sabi ko pa ng matagumpay akong makapunta sa kinatatayuan nila sabay yakap sakanila.

"We miss you too, baby!!", Sabi naman ni Mama at niyakap rin ako pabalik.

Pumasok na kami sa loob upang magtanghalian nagkwentuhan pa kami, pagtapos namin ay agad akong umakyat saaking silid upang gawin ang aking aralin.

Buong maghapon akong nasa kwarto at ng mag gabi na ay nakaramdam na ako ng gutom kaya't bumaba ako.

Ngunit hindi paman ako nakakababa sa hagdan ay nakita ko na sila Mama at Papa sa sala at mukhang nag aaway na naman sila, lumapit pa ako upang marinig sila.

"Ilang beses pa ba natin itong pag aawayan, Ara!!", Sigaw ni Papa kay Mama.

"Samuel, kailangan natin ng pera para kay Samara!!", Pasigaw ring sagot ni Mama, "Wala pa tayong ipangbabayad sa mga gastusin sa bahay, Samuel!!", Dagdag na sigaw nito.

Patuloy silang nag away kahit na nakita na ako ni Mama sa may gilid ng hagdan kaya't umakyat nalang ako sa kwarto at lumuha duon.

Kinabukasan, Hindi ako lumabas ng kwarto kahit na tawagin pa nila ako upang kumain, kinagabihan ay lumabas ako upang kumain.

Pagdating ko sa kusina ay dumeretso ako sa ref. upang tumingin ng makakain, pero may kakaiba na akong nararamdaman bago pa ako malapit dito.

Nahilo ako kaya't humawak at umupo muna ako sa may lamesa, Nang mawala na ang hilo ko ay tatayo na sana ako ng may tumawag saakin.

"Samara," pabulong ito ngunit malakas saaking pandinig kaya't hinanap ko ito ngunit wala akong namataang bakas ng kahit sino.

"Samara," bulong ulit nito kaya't tumayo na ako upang tignan kung na sa sala ba ito ngunit wala talaga.

"Mama!? Papa!?", Pagtawag ko inaakalang sila lamang iyon kahit na malayo ang boses na narinig ko sa mga boses ng aking magulang.

Isa itong boses ng babae na saaking tantya ay nasa aking kaedaran lamang ngunit walang Mama at Papa na sumagot kaya't bumalik na ako sa kusina at kumuha ng pagkain.

Nang paakyat na ako ay nagsalita muli ito kaya't napahinto ako, "Samara," Sabi pa nito

"Sino ka!?", Sigaw ko na sakanya dala ng inis dahil hindi man lang ito magpakita, "Nasaan ka!? Paano ka nakapasok sa bahay namin!?", Sunod sunod na tanong ko pa sakanya.

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now