The Heiress

4 3 0
                                    

3rd Person's POV

Nakayukong naglalakad si Kally sa isang madilim na kanto, Nang may marinig siyang lalaki na humihingi ng tulong at mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang bulto ng mga estudyanteng nagkakagulo sa isang sulok.

Tahimik lamang siyang lumapit sa ito at nang ilang dipa nalang ang kanyang layo ay nakita niya ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig at pinagtutulungang bugbugin ng magbabarkada.

"Woi!!", Pagtawag niya sa pansin ng mga ito, nahinto naman sila at napatingin sa gawi ni Kally, "Anong ginagawa niyo!?" Tanong pa niya.

"Sino ka!?", Mayabang na tanong ng isa sakanila, "Si Wonderwoman!?", Natatawa pang sabi nito, kaya't nagtawanan rin ang magbabarkada.

Lumapit pa ito at kung iyong tatantyahin ay ito ang lider nang kanilang grupo, Nang matutukan si Kally ay saka palang ito nagsalita.

"Wala ka ng pake sa kung ano mang ginagawa namen," Direktang saad nito, "Umalis ka na kung ayaw mong madamay, Miss!!", Dagdag na babala pa nito.

"Anong ginagawa niyo sa lalaking iyon!?" Tanong ni Kally sabay turo sa lalaking nakahandusay na sa sahig ngayon at halos mawalan na ng malay sa bugbog.

"Sinabi nang umalis ka na e!!!" Sigaw na ng lider nila.

"Anong ginawa nyo!?" Walang emosyong tanong pa ni Kally sakanya na parang hindi naririnig ang sinasabi ng kausap niya.

"Sabi ng- - -" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng ambain siya sa dibdib ni Kally gamit ang braso nito, napadaing sa sakit ang lalaki at dahil sa ginawa ni Kally ay naalarma ang magbabarkada.

Akmang lalapit ang isa ng unahan siya ni Kally sa paglapit at sipain ito sa tagiliran, napaupo ito sa sahig.

Mula sakanyang likuran ay pumulot ng kahoy ang isa pang lalaki at akma itong ihahampas sa kanyang likuran pero mas mabilis si Kally  sakanya, Patalikod niya itong sinipa at tumama iyon sa kanyang tiyan nalaglag ang hawak nitong kahoy at napadaing nalang sa sakit.

Pinulot ni Kally ang kahoy at iyon ang ginamit sa isa pang lalaking pasugod sakanya, iniwasan muna niya ito at inihampas ng buong pwersa sa likuran ng lalaki ang kahoy.

Sumugod narin ang dalawa pa sa mga kasamahan nila pareho silang may dalang kahoy, imbis ipanglaban ang hawak ni Kally ay itinapon niya ito at sinalag sa parehong kamay ang mga kahoy na dala ng mga lalaki.

Pilit na inaalis ng mga lalaki ang kahoy sa pagkakahawak ni Kally pero hindi nila ito mahila dahil sa sobrang higpit nang kanyang pagkakahawak, Mula sa kanan ay sinipa niya ang isang lalaki na nagpupumiglas nabitawan nito ang hawak at napaupo sa sahig.

Nilingon niya naman ang isa pang lalaki na ngayon ay binitawan narin ang hawak, akma itong aalis pero hindi ito hinayaang makatakas ni Kally gamit ang isang kamay ay hinila niya ito sa likurang bahagi ng kwelyo at buong lakas itong sinipa sa may tadyang.

Nang lingunin niya ang apat na natira pa kabilang ang tatlong babae ay nagsitakbuhan na ang mga ito sa takot, nilapitan at tinulungan na niya ang lalaking binugbog at sinamahan ito papunta sa hospital.

______

Kinabukasan ay umalis si Kally sakay ng kanyang motorsiklo, Gabi na ng umuwi siya, gaya ng lagi niyang ginagawa ay dumaan siyang muli sa madilim na kanto.

Pero hindi tulad ng mga nagdaang gabi, maliwanag at puno ng tao ang kantong ito, mga naka itim, at isa isa rin nilang hinaharang ang bawat nakamotor, nakakotse o kahit naglalakad lang ay hinaharang nila.

Nasa pinakadulo siya ng pila kaya siya ang pinakahuling maiinspeksyon ng mga ito, Higit sa Dalawampu sila na may mga armas pang dala, Namumukaan rin niya ang iba sa mga ito (Yung mga binugbog niya ng isang gabi).

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now