Libro sa Pasko

3 2 0
                                    

"Paaa!!! Maaaa!!! Libro gusto ko sa pasko ha?!", Pangungulit ng bunso naming kapatid kina mama at papa na nagbibilang ng naibenta.

"Woi, Patricia!! Ang dami mo ng libro, Hindi ba?!", Bulyaw ko sakaniya, kase naman sandamakmak na Wattpad books na ang meron siya at ang mamahal kaya non.

"Eh, Ate! Nabasa ko na lahat yon e!", Ungot niya pa at parang bata na nagmaktol.

"Talagang nabasa mo na!! Eh, sa Cellphone mo palang meron na non tapos pinabiki kapa, Kung di ka man lang sangka pinaranggot na T*nga, ha?! Tricia!!", nag iinit talaga ang ulo pag dating sakaniya, ni hindi man lang isipin na nagkakanda kuba na ang mga magulang namin kakatrabaho para lang sa mga libro niya.

"Ano ba? Hanna! Patricia! Wag na kayo mag away, pareho naman namin kayong bibilhan ng regalo sa pasko", Halata sa boses ni Mama na pagod na siya at kailangan na niyang magpahinga.

"Mahal, sige na at ako na ang magtutuloy dito, matulog ka na", Halata rin na pagod na si Papa ngunit kailangan nilang matapos ang pagbibilang ngayon.

Sinamahan ni Tricia si Mama papasok sa kwarto at mula saaking kinauupuan ay naririnig kong pinipilit parin ni Patricia ang Wattpad books na gusto niya, Todo oo naman si Mama.

"Aahhh!! Pa?", Pag tawag ko sa pansin ng aming ama na abala parin sa pagbibilang, "Wag niyo na po ako regaluhan sa pasko, Si Patricia nalang po, Alam ko po kasing mahal mga librong pinabibili non e", Sambit ko at umupo sa tabi niya.

"Anong? Hindi ba at kailangan mo ng gitara para papasukin mong trabaho, anak?", Tanong nito, nuong nakalipas na buwan ko pa sinabi iyon ngunit naaalala parin niya.

"Hindi na po, Papa! May nakuha po kase akong part time job, kaya ko na po mag ipon para don! Tulungan ko na rin po kayo mag ipon para sa libro ni Tricia", Pag sisinungaling ko, hahanap palang ako ng part time na at baka hindi pa ako makuha dahil pag banda lang alam kong gawin.

"Ganuon ba? Salamat anak ha?! Pasensiya ka na kung hindi maibigay ni papa ang maliit na hiling mo", Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya tumayo ako upang lapitan at yakapin siya.

"Wala po iyon, Papa! Basta magpalakas lang po kayo, at hintayin ang pag sikat ko, sapat na po iyon saakin", Napapaluha ko naring sabi kaya umayos ako ng tayo at inilihis ang aking mukha upang hindi niya makita ang pagpupunas ko ng luha.

"Ako na po jan, papa! Matulog na rin po kayo!", Sambit ko at kinuha ang ginagawa niya.

~~~~~~

"Paaa!!! Maaaa!!! Nangako po kayo diba?!", Umiiyak na sambit ni Tricia sa harap nila Mama at Papa, "Nangako po kayo na bibigyan niyo ako ng libro ngayong pasko diba?! Nangako po kayo na kayo mismo mag bibigay saakin ng libro e!! Maaaa!!! Paaaa!!!", Mas humagulgol pa siya ng iyak at halos halikan na niya ang lupa.

"Ano ba, Tricia?!! Libro na naman!! Lagi nalang Libro yang hinihingi mo kila Mama at Papa!! Hindi mo man lang naisip na nahihirap din sila!!", Umiiyak ring sambit ko.

"Alam mo ba Ate Hanna, Kung bakit lagi akong humihingi ng regalo kila Mama at Papa bago sumapit ang pasko?!", May luha ngunit wala ng paghikbing sambit niya.

"B-Bakit?!", Humihikbi namang tanong ko.

"Dahil gusto ko na marinig mula sakanila ang pag sang ayon na makikita at nakakasama ko parin sila sa pasko!! Kahit di naman nila ibigay ang gusto ko e, ayos lang! Pero Ito!!", Turo na niya sa dalawang kabaong sa harapan niya, "Ito ang ayaw kong makita!! Ayaw ko silang makita sa lugar na iyan, sa posisyong iyan, Ate!!", Nagsimula na naman siyang umiyak kaya lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit upang patahanin.

Our parents died before Christmas came, Hindi na sila umabot ng buhay sa pasko dahil sa p*steng Libro...

~~~~~~

Random Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now