Madilim at malamig ang gabi ngayon sobrang nagutom ako at nagcrave kasi ako sa noodles eh walang stock si tito kaya lumabas muna ako para makabili ng noodles eh saktong may malapit na convenience store.
Bumili na rin ako ng fresh milk para bukas sa almusal. "230 pesos po lahat"Sabi nung cashier. Nagabot naman ako ng 500 pesos sakanya. "Bagong lipat ka dito mam?"Tanong sakin nung cashier.
Tumango ako. "Kakauwi ko lang po galing ibang bansa."Sabi ko sakanya.
Tumango naman sya. "Ito na po ma'am, magingat po kayo sa paguwi may tikbalang po na nangunguha ng magandang babae dito."Sabi niya sakin dahilan para ipagtaka ko.
"Ha? Tikbalang?"Tanong ko.
"Laganap po ang mga balita na yan mam. Kalat na sa ka-maynilaan. Mga tungkol sa aswang at iba pa."Sabi niya dahilan para mapangisi ako.
What a joke.
"Ah sige ganon? Salamat."Agad kong kinuha ang mga pinamili kong pagkain.
Nung nakarating na ako sa pedestrian lane tatawid na sana ako kaso biglang may hinaharurot na blue na kotse at muntik pa ako mahagip!
Tangina nito! Bulag ba 'to?
"HOY! Lumabas ka nga dyan! Tangina ang angas mo ah! Bulag ka ba?"Inis kong sigaw dun sa blue na kotse huminto ito at bumaba yung driver.
Matangkad, malapad at malaki ang dibdib na may mahabang buhok.
"Hindi ka kasi marunong tumingin sa dinadaanan mo, Miss."Malamig na sabi nya saakin.
Agad naman ako ginapang ng inis."Tanga ka ba or bulag? Kita mong red yung lights ibig sabihin stop diba? Eh bat tuloy tuloy yung pagpapatakbo mo ng kotse mo? Tangang tanga ka na ba sa buhay?"
"Anong karapatan mo para pagsalitaan ako ng ganyan?"Masama ang tingin nito sakin at tsaka hinawakan ang braso ko "Kilala mo ba kung sino ako?"Tanong nya saakin.
Agad kong hinawi yung kamay nya nakahawak sa braso ko. "Alam mo wala akong pakialam kung sino ka? Hindi ako interesado sayo."Sabi ko tsaka sya.
"I'm maliski. Prinsipe ng mga tikbalang."Gusto kong matawa sa sinabi nya. "Natatawa ka sakin?"Halatang naiinis sya sa tanong ko.
"Pfft. Okay, gets ko na kung bakit ganon ka magpatakbo ng sasakyan. Siguro nga nakadrugs ka. Sige push mo yan kuya."Sabi ko atsaka iniwanan sya dun.
Tikbalang daw sya? AHAHAHAHAHAHAHAHAH buang ata yun e.
YOU ARE READING
you've tamed me. ( maliksi x reader )
FanfictionAswangs? Tikbalang? Mythical Creatures? para sayo isa lamang silang kathang isip never kang naniwala sa mga ganyang bagay, not until you met maliksi, the prince of tikbalangs, the man who will prove, that they are truly exist, that he is truly exist.