Ngayon ay sabado, bago umalis si tito ay inutusan nya muna kami ni kuya marco mag grocery muna. Ang bagal talaga kumilos nito!
"Kuya marco! Matagal ka pa ba?"Katok ko sa kwarto nya, kasi kanina pa talaga sya nasa kwarto.
"Ito na lalabas na ako sandali lang tumatae pa ako eh."Sabi niya saakin.
"Kadiri ka naman kuya pati pag tae mo kailangan updated ako!"Sabi ko sakanya
"Eh nagmamadali ka na kasi, hindi naman agad magsasara yung mall."Sabi niya saakin napairap naman ako
Maya-maya naman ay lumabas na sya, akala ko next year pa kami makakapag-grocery, napaka tagal eh, hindi rin nagtagal sumakay na kami ni kuya sa sasakyan, ngayon na lang ako ulit makakapag gala sa pinas eh kasi nung nasa amerika pa ako madalang lang kami mag grocery ng parents kom
Tapos hindi rin naman kami nagtagal dito sa pilipinas, ito ah magsshare lang ako brief history about me, only child lang ako, kaya nung mamatay parents ko, automatic na mapupunta ako sa pangangalaga ni tito. Mabait naman siya, anak na rin ang turing niya saakin, saamin ni kuya marco, ayon. Tapos yung family ko mahilig sila sa mga mythical creatures like aswang, except saakin, kasi duh?! Never nga ako naniwala sa mga ganyan, tapos may makakasalubong pa akong lalaki sasabihin nya na prinisipe sya ng tikbalang.
Gwapo at mukha pa naman syang masarap kaso may problema yata sa pagiisip yon, sayang naman, pero mukha talaga syang mayaman!
"Tukalala ka dyan napano ka?"Tanong ni kuya saakin.
"Wala naman, may iniisip lang."Sagot ko sakanya.
"Nalista mo ba mga pinapabili ni tito?"Tanong nya saakin tumango naman ako.
"Oo kuya, mamili na rin ako ng noodles at snacks, ayoko na lumabas ng gabi tas makakasalubong ko na naman yung adik na yun."Sabi ko sakanya.
"Ha? Adik? May nambastos ba sayo? Sino 'yun? Aba baka mabasag ko mukha nya."Matapang na tanong ni kuya.
"Hindi naman nya ako binastos, muntik nya lang ako mabangga ng sasakyan nya."Sagot ko sakanya
"Eh anong ginawa sayo?"Tanong ni kuya habang nagdadrive.
"Eh kasi kuya muntikan na nya ako mahagip! Tas ang weird kuya mujha naman syang mayaman, pero pinagpipilitan nya saakin na prinsipe daw sya ng mga tikbalang."Pinipigilan ko matawa. "Ang joker nya kasi."Sabi ko.
"Ha? Prinsipe ng mga tikbalang? Teka? Malaki ba katawan nyan? Atsaka mahaba buhok?"Tanong ni kuya.
Tumango naman ako. "Yes kuya, may sasakyan din syang blue, wait aalahanin ko name nya.. ah ayun! Maliksi name nya! What a weird diba?"Tanong ko kay kuya pero nagulat ako ng bigla nyang ipreno yung sasakyan namin. "OMG KUYA! PLANO MO BA PATAYIN AKO?!"Inis kong tanong sakanya.
"Gago ka? Maliksi? As in? Tanga mo gago ka! Anong ginawa mo sakanya inaway mo ba?"Tanong nya saakin
"Parang ganun na nga trinashtalk ko sya sabi ko, tigil nya pagaadik nya.. ano ba nangyayari sayo? Bat parang takot na takot ka kuya?"Tanong ko.
"Gago ka! Prinsipe nga ng tikbalang 'yun. Nilalagay mo sa kapahamakan sarili mo! Alam ko maski babae hindi niya pinapatawad, lagot ka kay tito pag nalaman nya 'to at lalo kay maliksi."
YOU ARE READING
you've tamed me. ( maliksi x reader )
ФанфикAswangs? Tikbalang? Mythical Creatures? para sayo isa lamang silang kathang isip never kang naniwala sa mga ganyang bagay, not until you met maliksi, the prince of tikbalangs, the man who will prove, that they are truly exist, that he is truly exist.