Pagkatapos namin mag-grocery ay umuwi na rin kaming dalawa ni kuya marco, sobrang nakakapagod halos mabili na ata namin yung grocery mall eh HAHAHA, ngayon ay lunch time na kaya napagpasyahan ko muna magluto ng hotdog, favourite ko kasi yun, hotdog para maging magana yung buhay natin. hahaha joke lang.
Magisa na naman ako ngayon kasi si kuya marco is may pinuntahan sus, akala mo talaga eh may popormahan lang naman yon, naalala ko may crush syang babae, alessandra? Alexis? Ewan ko hindi ko alam eh ayun lang yung laging bukambibig nya saakin nung nasa ibang bansa pa ako. Madalas daw kasi niya nakikita yun dito sa bahay sa tuwing pupuntahan non si tito. Pero hindi pa daw nya nakakausap ng personal kasi nahihiya daw siya.
Pagkatapos ko kumain ay nanood muna ako ng kung ano pwedeng mapanood dito, maya maya ay naka receive ako ng text message mula kay kuya marco.
"Gusto mo ba manood ng car racing?"
Napatayo ako sa inuupuan ko! It's been awhile since huling nood ko mg car racing! Sobrang fan kasi ako non, marunong din ako kumarera, pero matagal ko ng tinalikuran 'yun. Ako lagi ang nanalo sa lugar namin non sa amerika.
Tinext ko naman si kuya marco at sinabi na manood ako, susunduin na lang daw nya ako.
Yes! Makakapanood na din ng car racing ang tagal ko din kasi hindi nakapanood nito!!
**
Pagkatapos ko maligo ay naglagay lang ako ng konting make up tapos sinuot ko na yung outfit ko i just wear a simple black crop-top tapos stripe na palda.
Tinext ko si kuya marco at sinabi ko na nakapag ayos na ako, papunta na daw sya tapos maya maya ay may nagdoorbell na kaya agad akong tumakbo sa pintuan.
"I'm ready na kuya!"Sabi ko sakanya
"Ano ba yang outfit mo? Mukha kang payatot!"Mapang asar na sabi niya kaya binigyan ko sya ng matinding irap, napaka-laitero nito kalalaking tao e.
"Letche ka! Atleast bawi sa mukha duh" Sabi ko at nag hair flip pa, maganda ako eh, bakit ba?!
"Alam mo sumakay ka na lang sa kotse magsisimula na yung car racing."Sabi niya sakin kaya dali dali ako sumakay ng kotse.
Sabi niya saakin is sa C5 daw yung venue ng car racing emehrut na sinasabi nya, wala namang traffc kaya nakarating na kami agad, napakadaming tao pala dito, madami ding sasakyan.
Nakasunod lang ako kay kuya marco, may pinuntahan kaming magjowa.
"Ito si coreen at si JP, kaibigan ko mahilig rin si JP kumarera, ito naman pinsan ko galing syang america. Kumakarera din yan."Sabi ni kuya saakin.
Lumapit si coreen at nakipagbeso sakin, si JP naman ay nakipag shake hands sakin.
"I didn't know na may maganda ka palang pinsan."Sabi ni coreen.
"Hindi naman maganda yan-- aray ko!"Sabi niya sinipa ko kasi sya, daming ebas eh.
"Kumakarera ka pala? Gusto mo itry?"Tanong ni JP sakin.
Umiling naman ako. "Ayoko, matagal ko na tinalikuran yan. Nood na lang ako.''Sabi ko at bahaygang ngumiti, nakaramdam naman ako ng uhaw kaya nagpaalam ako kay kuya na bibili lang ako ng maiinom ko.
Medyo madilim na sa nilalakaran ko, kaya pakiramdam ko may sumusunod sakin, pero pag nililingon ko naman wala.
Creepy.
"So, mahilig ka pala manood ng karera?"
"Ay kabayong tumatahol!"Napalingon ako sa nagsalita.
"Alam kong kabayo ako miss, pero hindi ako tumatahol"Sabi niya saakin.
"Ikaw na naman?"Inis kong tanong. "Ano naman kung mahilig ako manood ng karera?"Tanong ko sakanya.
"Wala lang."Sabi niya saakin, ang weird nito.
Tumalikod ako sakanya at naglakad ulit.
"Alam mo ang sungit mo."
"I dont talk to strangers, tanga."Sabi ko sakanya at naglalakad pa rin.
"I'm not stranger, nagpakilala na ako sayo nood. I'm maliksi."Sabi niya saakin
"Wala akong paki, i'm not interested to you."Sabi ko sakanya ang kulit nito!
"Feisty huh?"
"Alam mo ang kulit mo tantanan mo nga ako."Singhal ko sakanya.
"Cute mo."
"Creepy mo."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Isa ako sa mga kakarera mamaya."Sabi niya.
"And so?"Tuloy tuloy pa rin ang paglakad ko, tanginang convenience store to, napakalayo. Dulo pa ata ng mundo eh.
"I will win it for you."
YOU ARE READING
you've tamed me. ( maliksi x reader )
FanfictionAswangs? Tikbalang? Mythical Creatures? para sayo isa lamang silang kathang isip never kang naniwala sa mga ganyang bagay, not until you met maliksi, the prince of tikbalangs, the man who will prove, that they are truly exist, that he is truly exist.