"Sure ka ba na kaya mo na umuwi magisa hindi ka pa lasing?"Tanong ni sam saakin, si sam yung bago kong kaibigan na nakilala ko nung sinama ako sa drag race nila simula non ay naging madalas na yung paglabas naming dalawa, ngayon ay kakatapos lang namin gumimik dito sa may makati.
"Oo naman kaya ko na magisa."Sabi ko sakanya, hindi naman ako ganon kalasing kaya ko pa naman umuwi.
"Sige ingat ka ah, just call me if may mambastos sayo."Sabi ni miguel saakin, tumango naman ako sakanila. Miguel is sam's boyfiend.
Tinext ko na rin si kuya marco sabi ko pauwi na ako, kung pwede sunduin nya ako dito sa may makati. Pero mukhang hindi na nagrereply, baka may trabaho siya ngayon.
May masasakyan pa ba ako? Gabi na kasi hindi ko alam kung may mga taxi pa.
Nagulat ako biglang may humintong puting sasakyan saakin, bumaba ang salamin nito at nakita ko ang lalaking punong puno ng tattoo yung mukha, kumbaga, tattoo na may konting mukha.
"Magisa ka lang miss? Baka gusto mo sumabay saamin?"Tanong nito.
Umiling naman ako, "No thanks, may hinihintay ako." I said.
"Pwede ka namang tumambay sa loob ng sasakyan namin habang inaantay mo yung kaibigan mo?"Ang kulit nitong kulugong na 'to. Hindi ko na lang sya pinansin.
"Aba ang arte mo ah? Sumama ka na samin."Nagulat ako biglang lumabas yung lalaki ginapang na ako agad ng kaba ko. Hahawakan nya na sana ako kaso may kamay na humawak sakanya.
"Sinabi niya ngang ayaw nya diba? Bakit hindi mo na lang sundin bro."Sabi nung lalaking humawak sa braso nya. "Subukan mo pang hawakan ang girlfriend ko. Makakapag free trial ka sa impyerno."Nagulat naman ako biglang umalis yung lalaki sa harap ko at agad agad na sumakay sa kotse nya.
"Salamat po kuy- ikaw na naman?"Nagulat ako sa nakita ko. Si maliksi na naman? Ano ba ginawawa nito dito laging nasulpot bigla eh.
"Walang anuman miss."Sabi niya saakin at kumindat. "Hindi ka na babalikan non."Sabi niya saakin.
Naririnig ko yung mga bulungan ng mga tao, habang nakatingin saaming dalawa, mukhang kilala nga siya dito.
"Halika, ilalayo kita dito. Mamaya may mambastos pa sayo ulit e."Sabi niya saakin at nilayo ako sa mataong lugar.
"Pwede ba bitawan mo na ako? Salamat sa pagtulong ah. Pero dito na lang ako, magaantay ng taxi,"Sabi ko sakanya at pilit na inaalis yung pagkahawak nya saakin.
"Nahihibang ka na ba? Alas dos na ng madaling araw? Sa tingin mo may taxi pa rin? Hahatid na kita, pinsan ka ni guerrero diba? Alam ko bahay nyo."Sabi niya saakin, tinignan ko lamang sya. "Wala akong gagawing masama sayo, ihahatid lang kita sainyo."Dadgdag nya.
Wala na rin akong choice kundi sumama sakanya. Kasi ako din ang kawawa dito, sumakay kami sa asul nyang sasakyan.
Nagsimula naman niyang patakbuhin ang kotse nya. "Alam mo ba hindi na safe sa mga babaeng katulad mo na lumabas pa ng ganitong oras."Sabi niya saakin inirapan ko na lang sya. Para syang si kuya marco. "Pamangkin ka ni Capt, Guerrero diba?"Tanong niya saakin.
Tumango naman ako. "Oo."Sagot ko sakanya.
"Bakit di kita nakikita sa tuwing dumadalaw kami sakanila?"Tanong nya,
"Sa america ako lumaki."Sabi ko sakanya pero hindi na sya sumagot saakin, mabuti naman tinatamad na rin kasi ako magsalita. Inaantok na ako.
Maya-maya naramdaman ko na nakatulog ako..
**
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay napakasarap ng tulog ko dahil sa malambot na hinihigaan ko.
Wait? Malambot? Agad akomg bumangon, teka tangina? Nasa sasajyan ako ni maliksi kagabi ah bakit nasa kwarto ko na ako ngayon?Nagulat ako bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si kuya marco.
"Nakakahiya ka. Hinatid ka pa talaga ni maliksi dito sa kwarto mo, ginawa mo pang tagabuhat yung prinsipe ng mga tikbalang."
Ha? Putangina?
YOU ARE READING
you've tamed me. ( maliksi x reader )
FanfictionAswangs? Tikbalang? Mythical Creatures? para sayo isa lamang silang kathang isip never kang naniwala sa mga ganyang bagay, not until you met maliksi, the prince of tikbalangs, the man who will prove, that they are truly exist, that he is truly exist.