"Welcome back!"Sinalubong ako ng mahihigpit na yakap ng pinsan ko a si Marco, "Kamusta ka? Ang laki mo na ah."Tanong nya saakin.
"Mabuti naman ako kuya, grabe parang hindi ka naman bumibisita saamin noon."Sabi ko sakanya. "Nasaan si tito?"Tanong ko sakanya.
"May duty sya ngayon, may nangyari na naman kasi."Sabi niya dahilan para ipagtaka ko.
"Ano nangyari? Okay lang ba si tito?"Tanong ko sakanya.
"Sakay ka na muna sa kotse, doon ko ikwkwento sayo."Sabi niya saakin kaya sumakay na ako ng kotse.
"Ano nangyari kuya?"Tanong ko sakanya.
"Magulo masyado ang manila, sabi ko nga kay tito doon ka na muna sa amerika, kasi mas ligtas ka doon."Sabi nya saakin.
Ha? "Magulo? Ano ba nangyayari?"Tanong ko.
"Laganap ang mga aswang sa ka-maynilaan, mga mythical creatures, katulad ng kapre at ng kung ano pa."Sabi niya habang nagdadrive.
Aswang? Kapre? Totoo ba sila?
"Kuya? Seryoso? Naniniwala ka dun? Kuya hindi sila totoo, kathang isip lamang sila."Sabi ko sakanya.
"Nagsasabi ako ng totoo, alam mo ba yung cases ni tito puro ganon."Sabi nya saakin.
"Ewan ko sayo kuya, bahala ka, basta ako. 'Di mo ako mapapaniwala dyan."Sabi ko sakanya at sumandal sa bintana.
"Bahala ka rin, basta ako, sinabi ko 'yung totoo. "Sabi niya saakin dahilan para umiling ako "Magpahinga ka na muna dyan, medyo malayo pa tayo sa bahay."Sabi niya sakin ipinikit ko naman ang aking mata atsaka umidlip.
YOU ARE READING
you've tamed me. ( maliksi x reader )
Fiksi PenggemarAswangs? Tikbalang? Mythical Creatures? para sayo isa lamang silang kathang isip never kang naniwala sa mga ganyang bagay, not until you met maliksi, the prince of tikbalangs, the man who will prove, that they are truly exist, that he is truly exist.