KEI THOMAS' POVSabado ngayon at napaaga ako ng gising. Nagmamadali pako kasi akala ko may klase kaya dire diretsong pagbuhos ng malamig na tubig. Nagising ang buong diwa ko at hindi nako makakalik pa sa pagtulog. Kaya lumabas nalang ako at pumunta sa malapit na convenient store. Tulog pa mga tao sa bahay kaya napagdesisyunan kong umalis.
Umorder ako ng kape at pansamantalang umupo sa labas ng tindahan. May mga nakalaset-up na mesa at upuan sa ilalim ng lamesa.
Haay. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin. Nandito ako ngayon sa aking hometown. Bakasyon na kasi naming at wala rin namang mga kaso kaya pinayagan din kaming umuwi muna sa kanya kanya naming bahay.
Ano kaya ang ginagawa nila? Naalala kaya nila anong mayroon ngayong araw na ito?
Hindi bale, ieenjoy ko nalang ang tahimik at paya--
"Hoy!! Marites!! ano't balisa ka dyan?!"
--pang kapaligiran. Ano ba naman 'to si Aling Nimfa. Ke-aga aga. Nambubulabog.
"Eh. Napansin mo ba ang anak kong si Marina?"
At talagang dito pa talaga sa harap ko nagchismisan. Nako.
"Kalalabas ko pa lamang ng bahay diba?! at wala naman akong napansin." Sagot nito.
"Ganun ba? Hindi kasi ako naniniwalang umalis siya kahit nag iwan siya ng sulat." Sabi naman ni Aling Marites sabay labas ng papel.
Wala naman akong ginagawa kaya makichismis narin tayo. Hehehe. Si Marina nga pala ay ang anak ni Aling Marites sa yumao netong asawa na si Manong Tinong.
Hindi ko naman masasabing nagrerebelde ang dalaga dahil mabait ito. Sa katunayan, kasama ko lagi ito tuwing may bible study kami sa church. Marahil sumabog na ito dahil hindi man sa maipagkakaila na medyo matabil ang dila ng ina nito. Marahil ay may nasabi ito upang umalis ng bahay.
"Pffft. Ano ba naman itong anak mo? Mare, Ilang taon na ang lumipas at Jejemon parin pati sa pagsulat?" Matawa tawang turan ni Aling Nimfa.
"Ayun nga ang ipinagtataka ko, Hindi siya ganyan magsulat nitong mga nakaraang pinagagawan ko siya ng sulat para sa lola niya. Nagaalala nako. Wala rin yung dalang cellphone dahil kasama ito ng sulat na iniwan."
Nakapagtataka nga.
"Ikaw ba iho?" baling nito sakin
"P-po?"
"Kanina ka pa dito, Hindi mo ba napansin ang kaibigan mo?"
"Pasensya na po, Hindi po eh." Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya habang inaalo siya ni Aling Nimfa.
"Maaari ko po bang makita ang letter? Baka makatulong po ako" Paalam ko kay Aling Marites.
Naguluhan din ako sa lama ng liham.
Mama,
4ali5 mhun4 aKooE, Ingatan moe po Sarili mo, TaS Cko ay babanTayan kIta kahit malyO. MABUHAY ka ng payapa ma. Mali Gaya ng ka Sun 1
- Marina
Nahilo ako don ah. Jejemers ka pala Marina HAHAHAHA joke lang.
Pero kung titignang maigi. Parang simpleng liham pamamaalam lang. But we knew Marina better. And this is obviously not her. Not her trying to give us clue as to where she went. Or maybe, where she was brought into.
Pinicturan ko at pinagaralan maigi. Aha! Nakita ko rin ang hidden message.
Binalik ko ito kay Aling Marites at binigyan siya ng tingin na may kasamang pag-asa.
BINABASA MO ANG
Big 7: The Rising Detectives
Mystery / ThrillerA group of Seven Students who has the same interest in the world of mystery. At first they'll see each other as a competencies but little did they know that soon they will become a group that gives justice, gives hope and answers to the cases they e...