Apocalypsis Inopitanum

141 6 2
                                    


Chapter 8.1: Unexpected Revelations!!

3rd Person's POV

Alas otso palang ay nakagayak na ang tatlo, at nag-tatakang tignan sila ng mga estudyante nang nasa Main Building sila at hindi naka-uniform. Hinihintay na lamang nila ang sundo nilang Van para umalis na.

Nang makarating sa Ospital ay hinintay na lamang nilang maka-baba si Madame Klein. 'Tila wala pa rin ito sa sarili matapos ang natuklasan kahapon. Sinabi niya rin sa pito ang pinagawa niya sa Doctor at hinayaan na niyang papalitan na ito nang malinisan. Dagdag pa niyang silang dalawa lang ng asawa niya ang nakaka-alam sa nangyari. Hindi pa siya handa sabihin ito sa isa pang anak na si Calvin.

Kei's POV

Hi there! I am Kei at your Service! *smiles*

Well, tahimik ang naging byahe naming papunta sa Apartment na tinutuluyan ni Arabella. Walang umiimik dahil sa iniisip siguro nilang kung anong haharap sa amin. Maski nga ako nababagabag. Baka mamaya wala kaming makuhang ni isang ebidensya para masabing rape nga ito. Baka mamaya mapurnada pa ang kaso at mapahiya kami sa unang kasong ito. Hala katakot!

"Huy!" Sabi sabay tulak sakin ni Ate Angelique na siyang nagpabalik sakin sa kamunduhan.

"E-eh?!?! Ba't ba?!" Katakot lalo neto, lalong kumunot noo niya kaya napalunok nalang ako ng laway.

"Titingin ka na lang ba? Kanina pa sila nakababa. Nakaharang ka sa dadaanan ko." At duon ko lang napansin na tahimik ang loob ng van at nasa labas na sila. Kami nalang ang naiwan at tama nga siya. Katabi ko nga pala siya at ako ang malapit sa babaan. Ngumite nalang ako at nagkamot ng ulo

"Hehehee sorry aken" Tsaka lumabas.

Tumambad sakin ang isang Five-Storey Building na may limang kwarto sa bawat palapag. Thou sa unang palapag eh ang kalahati ay Convenient Store.

Nauna si Madame Klein at dinala kami sa Third-floor, sa pinaka-dulong silid. Sa labas ay makikita na ang kalakihan ng nasabing apartment ni Arabella. Halatang mayaman ang mga kolehiyong umookupa ng bawat silid.

Pagpasok ay namangha ako, Mala- Japanese ang interior. Mula pintuan na may human sensor na magbubukas ang ilaw 'pag may nareceive na heat waves ng tao, Hanggang sa wooden floor na makintab. Naghubad kami ng sapatos bilang paggalang, at binigyan din kami ng kanya kanyang panloob na tsinelas. Ohayo! Hahahaha


Malinis ang apartment ni Arabella. Halatang masinop ang nakatira. Subalit hindi mo masyadong kakikitaan ng angking ka'kikay'an dahil ang motif ng silid ay White at iba't ibang shades ng brown. Inaya naman kami ni Madame sa silid ni Arabella. At doon namin mas nakilala kung sino nga ba si Arabella.


Nung una ay nagtataka kami dahil pagbukas pa lamang ng pinto ay napaka-dilim na. Pumasok si Madame at Nawala ito sa paningin namin. Napaka-dilim ng silid. Wala kaming makita ni isang bagay mula sa loob.


Hinawi ni Madame ang Kurtina at pumasok ang sinag ng araw sa loob. Doon naming nakita ang kabuuan ng silid. Ang silid na taliwas sa kung anong iniisip naming kay Arabella.

It's walls is a mixture of Black and Dark Shade of Green paint. One side is covered with Posters of Anime Characters. Other Side has one Big Shelf with books and Anime Figures. On the Corner is her single bed. By the Window is the table with Two computer monitor. It has small shelves on its side with Manga books.

"Nasa kusina lang ako, Just do your things, I don't mind." Hayag ni Madame Klein bago lumabas. At dahil gumana ang pagiging weeb ko ay nilapitan ko agad ang koleksyon ni Arabella ng Manga. Napansin ko rin na may dalawang box sa ilalim ng mesa at ng tinignan ko eh Puros manga din ito. Pawang may namumuong puso sa aking mga Mata hahahaha. Mahilig ako sa Manga lalo na yung mga Detectives at Mystery ang mga nilalaman. Halimbawa ang Inner soul ko na si Magic Kaito. Nakooooo!! Hilig ko ang mga ganon. May mga Light novels din ditto.Kaya lalong nagning ning ang mata ko.

Big 7: The Rising DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon