Chapter 6: Est Arcanum Angelus

261 8 5
                                    

Chapter 6 : The Mysterious Angel / Est Arcanum Angelus

Note: You may encounter some use of foul words and some fictitous information. Read at your own risk. Wala pa pong edit edit ito so yeah, judge me nalang hahaha. Lovelots!

Third's Person POV

Welcome to Caranguian City, Ang lugar na puno ng mga Lobo.

Lobo? Hayop? Oo, Dahil sinasabing sa lugar na ito naninirahan ang grupo ng mga mababangis na lobo. Bagaman ito'y pinaninirahan parin ng mga tao sapagkat ang lugar ay masagana sa Palay at mga tanim na maaaring maibenta sa Centro ng Bansa. Bukod sa Lobo ay naninirahan rin dito ang mga hayop na hindi gaanong nakikita sa ibang parte ng bansa.

Angelique's POV

"Tulong!!!!" isang sigaw mula sa aking kaliwa ang nagpagulat sa payapa kong paglalakad. Gabi nanaman kaya nagkalat nanaman ang mga mababangis na lobo. Hindi na ito bago dahil matagal na nila tong pinoproblema bago pa man kami dumating dito ng aking ina-inahan.

Nakasalubong ko ang mga taong may hawak na sulo at itak. Pinasadahan nila ako ng panghihinalang tingin bago tuluyang sinugod ang bahay na pinanggalingan ng Sigaw. Nagtataka siguro kayo kung bakit ambilis nilang matunton ang lugar? Bagaman may kalakihan ang lugar, gabi gabing rumoronda ang mga tanod kasama ang mga boluntaryong mamamayan.

"Inay! Nandito na po ako!" Tawag ko sa aking ina.

"Ginabi ka ata?" Tanong niya "Binagalan ko lang po kasi ang paglalakad, Mahirap na at baka makasalubong ako ng mabangis na lobo" Sagot ko
"Sabagay, o halina't mag hapunan." At nang gabing iyon, ang huli naming hapunan magkasama

*KINABUKASAN*

I was reading this book my mother gave me. It's Sherlock Holmes, one of her favorites. Binigay niya ito kasi ayaw niyang malulong ako sa Cellphone na sa tingin ko'y 'di ko rin naman magagamit dahil mababa lang ang signal na matatransmit dito sa Caranguian City.

Nasa magandang parte nako ng libro nang makita ko ang gumagalaw ang halaman sa harap ko. Handa na sana akong ilabas ang dala kong kutsilyo nang lumabas ang isang maliit at puting lobo. Isang batang lobo. At mukhang nais nitong makipaglaro. Bagama'y kinakabahan ay inilahad ko ang aking kamay upang ito'y alukin ng tinapay. Ni hindi ko nga alam kung tama bang alukin ito ng tinapay. Subalit lumapit ito at kinain ang tinapay at kalaunan ay payapang nahiga sa aking hita. Naghahanap siguro ito ng init dahil sa lamig na siyang temperatura ng Kagubatan. Itinuloy ko ang pagbabasa habang hinahagod ang malambot na balahibo ng batang lobo.

Nakaraan ang ilang minuto, mula sa pinanggalingan ng munting lobo ay lumabas ang Malaki at itim na lobo. Mukha itong lalaking lobo. Dahan dahan itong lumapit sa akin at pinagmamasdan ang aking buong katawan, kasama ang sulyap sa munting lobo sa aking hita. Nang ilang metro na lamang ay bahagya itong yumukod na tila nagpapaalam. Mas tao pa ito kaysa sa tao, wari ko sa aking isipan, Tumango ako at siya'y tuluyan nang lumapit. Gamit ang ilong ay ginising niya ang maliit na lobo, nagising naman ito at naghikab. Tila natuwa sa kanyang sundo. Tumalikod na ang malaking lobo, binigyan ako ng huling tingin at tango bago tuluyang Nawala sa halamanan. Sumunod naman ang puting lobo at ginaya ang sa tingin ko'y ama nito habang ang buntot nito'y winawagayway.

Doon ko lang napagtantong may ngiti sa aking mga labi. May munting haplos sa aking puso. Pamilya, Nasaan kaya ang sa akin.

Isang kaluskos ang nagpawala ng ngiti ko. Nang tignan ko sa gawing kanan ko ay isang babae, ang nakatihaya sa sahig at may takot na tingin sa akin. Lalapitan ko sana ito subalit bigla na lamang siyang kumaripas ng takbo. Bigla akong kinabahan, ibig sabihin lamang nito ay nakita niya ang kanina. Baka mamali siya sa nakita niya!

Big 7: The Rising DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon