A Beautiful Mistake
Simula
"Ate! Ate! Narinig ko po na aalis ka na patungong manila, totoo po ba 'yon?"hinihingal na tanong ni Kenneth sa akin. Isa sa mga bata na kaibigan ko rito sa aming probinsya.
Itinigil ko ang pagwawalis at nilingon siya. Nakangiti akong tumango sakaniya. "Oo, Ken tama ang narinig mo. Luluwas ako ng manila."
"Pero bakit po ate Katie? Aren't you happy here? Masaya naman po rito at tahimik."nakangusong saad ni Chi-Chi.
Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. "Of course I'm happy here, Chi. Gustuhin ko man manatili rito ay hindi pwede. Kailangan kong lumuwas ng manila para mag hanap ng trabaho at para mai-ahon ko sa hirap ang pamilya ko.... saka para na rin maipagamot ko si Annabelle."paliwanag ko sa bata.
Napagdesisyonan namin nina Nanay at Tatay na luluwas ako ng manila upang maghanap ng trabaho do'n, dahil wala akong nahahanap na permanenteng trabaho rito sa probinsya. Sobrang hirap maghanap ng trabaho rito na malaki ang sweldo. Sa totoo n'yan ayokong lumuas ng manila dahil ayokong mapalayo sa aking pamilya ngunit kailangan ko itong gawin. I want to give my family a better life saka gusto ko ring ipagamot ang aking nakakabatang kapatid na si Annabelle.
May sakit ito sa puso simula noong pinanganak siya. At habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang sakit nito. Halos hindi na nga siya makahinga ng mabuti dahil sa sakit na nararamdaman. She's too precious to me that's why I'm leaving our province even it's hurt me. I'm leaving this beautiful province because of my family. I'm leaving because of her. Hindi ko na kayang makita ang kapatid ko na nahihirapan at nasasaktan sa sakit na dinaramdam niya. Gagawin ko ang lahat upang maipagamot siya.
"But you will come back here right? You won't stay there forever?"malungkot na tanong ni Chi-Chi
Agad akong tumango sakaniya. "Yes, Chi. Pupunta lang ako do'n upang maghanap ng trabaho at pag nakapag-ipon na ako babalik din ako rito. At sisiguraduhin ni ate pag nangyari iyon ay hindi na siya muling aalis ng probinsya. Mahal ko kaya ang probinsya natin."sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Lumuluha namang lumapit sa akin ang dalawa. Sabay nila akong niyakap at humikbi sa mga braso ko. "We will miss you ate Katie. Please don't forget us."Chi-Chi said between her sobs.
"Promise us ate Katie, you will call us if you have time."
Sunod-sunod ang ginawa kong pag tango. I smiled and hugged them back. "Don't worry Ken and Chi. Ate Katie won't forget both of you at pangako tatawag ako sainyo pag nagka-oras ako."
Sa totoo lang hindi ko pa alam kung anong klaseng trabaho ang papasukin ko sa manila. Wala akong kilala na taga do'n kaya paniguradong mahihirapan akong maghanap ng trabaho at maghanap ng matitirahan. Pero gagawin ko ang lahat upang makahanap ako ng trabaho sa madaling panahon, kahit anong trabaho papasukin ko basta okay ang sahod. Uupa na lang siguro ako ng apartment na mura do'n. Sigurado naman ako na maraming apartment sa lugar na pupuntahan ko.
"Inay?"tawag ko kay Nanay ng makarating ako sa aming munting tahanan.
"Nasa bakuran ako anak!"dinig ko naman sigaw ni Nanay.
Inilapag ko ang mga pinamili sa sahig ng bahay at nagtungo sa bakuran. Agad naman akong napangiti sa nakita. Nakaharap ang likod ni nanay sa akin, abala ito sa pagtatanim ng bawang at kamatis. Nang maramdaman ang aking presensya ay itinigil niya ang ginagawa. Inilapag niya ang basket sa lupa at nakangiting humarap sa akin.
"Kamusta ang pamamalengke, 'Nak? Nabili mo ba 'yung mga pinabili ko sayo?"tanong niya at kinuha ang inilahad kong maliit na tuwalya.
Ngumiti si nanay sa akin at pinunasan ang mga pawis sa mukha at leeg niya. Pagkatapos niyang punasan ang mga ito ay isinunod niya naman ang maputik niyang mga kamay.
YOU ARE READING
BACHELOR SERIES 1: A Beautiful Mistake
RomanceIt all started when Nicholas Jaimson Silberman bumped into Katie Maire Danavan. Who would have thought that because of that incident, they would meet? Katie Maire Danavan is a woman who flew all her way to Manila from a far province in hopes to fin...