A Beautiful Mistake
Kabanata 4
Dumating ang gabi ay hindi pa rin nakakauwi si Katya. Tatawagan ko na sana siya kaso naalala ko ma wala pala akong number niya. Natatakot na ako at baka ano na ang nangyari sakaniya. Kumain na kaya 'yon? Panigurado maraming ginagawa si Katya sa studio kaya hindi pa ito nakakauwi. Nakapagluto na ako ng hapunan namin pero hindi ko pa ito ginagalaw dahil gusto ko sana na sabay kaming kumain ni Katya.
I hope my friend is okay. I was about to stand up when the unit door opens. Iniluwa do'n si Katya na mukhang iretable, iba na ang suot nito. Hindi naman nawala sa aking paningin ang lalakeng nasa kaniyang likuran.
"I told you to go home, Dom!"Katya shouted.
"And I told you too that I won't go home hanggat hindi tayo nagkakausap ng maayos!"sigaw pabalik ng lalake na tinawag ni Katya na Dom.
"Fuck Yo—"napatigil si Katya sa pagsasalita nang makita niya ako. Her face soften when she sees me. Tumingin siya kay Dom na gulat na rin nakatingin sa akin. Hindi siguro niya inaasahan na may kasama si Katya rito sa unit niya. Huminga ng malalim si Katya at naglakad palapit sa akin.
"I thought you already slept, Katie girl."She said sofly.
Umiling ako at ngumiti. "Hinintay kita, ayos ka lang ba? Nagluto ako. Kumain ka na ba? Gutom ka na?"sunod-sunod na tanong ko at nilingon ang lalake.
"Pasensya na kung hindi ako nakauwi agad. I was really busy in the studio earlier. Akala ko makakaalis ako ng maaga hindi pala. Pasensya ka na kung napag-alala kita. I'm good—I mean were good. Ikaw kumain ka na ba?"pagod na paliwanag ni Katya.
Tumango-tango ako. "Oo, kumain na ako, Katya."I lied.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Halata sa mukha niya na pagod na pagod siya. "Were full but we'll eat the foods you cooked later."Tumango ako. "Anyway, this is Dominick."
Agad naman naglahad ng kamay ang lalake sa akin. "Dominick Gaze. Katya's boyfriend."He said in deep voice. Kumunot ang aking noo ng makita ang pag irap ni Katya sa sinabi ng lalake.
Mukhang nakita rin 'yon ni Dom dahilan kung bakit natawa ito. "Katie, nice meeting you."sabi ko at inabot ang kamay niya.
"Are you sure kumain ka na?"I nod my head. "Papasok na ako sa kwarto ko. I'm so tired Katie girl and Dom also. We'll see you tomorrow morning."She smiled and kissed my cheek.
Tumango ako at hinayaan silang umalis. Tumango sa akin ni Dom at sumunod kay Katya. Hindi pa sila tuluyang nakakapasok sa kwarto ni Katya ay narinig ko na ang singal at bangayan nila. Ang cute nilang tignan.
Pumunta muna ako sa dining area para uminom ng tubig. Hindi na ako kakain dahil baka maabutan ako ng dalawa nakakahiya naman. Bukas na lang siguro ako kakain, hindi naman ako sobrang nagugutom.
"Shut the fuck up! Kung mangungulit ka lang pwede Dom umuwi ka na?"dinig kong sigaw ni Katya nang madaanan ko 'yung kwarto niya.
Humalakhak si Dom. "Come on, love, talk to me. Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako kinakausap ng maayos."
Napangiti ako ng marinig ang pag singhal ni Katya. Nagkibit balikat ako at tuluyan nang pumasok sa kwarto. Matagal na siguro sila, napakacomfortable nila sa isa't isa e. Ngumiti ako at pumasok na sa aking kwarto. Nag hilamos muna ako bago humiga sa kama. Tulad ng nakasanayan nag dasal ako bago matulog. I prayed for my sister health. I prayed for my parents long life. Pinagdasal ko na sana bukas na bukas ay makahanap na ako ng apartnment at ng trabaho para may maipadala na ako kina nanay. Pinagdasal ko rin na sana h'wag ako sobrang mamiss ng pamilya ko. I smiled. I closed my eyes and fell asleep.
YOU ARE READING
BACHELOR SERIES 1: A Beautiful Mistake
RomanceIt all started when Nicholas Jaimson Silberman bumped into Katie Maire Danavan. Who would have thought that because of that incident, they would meet? Katie Maire Danavan is a woman who flew all her way to Manila from a far province in hopes to fin...