A Beautiful Mistake
Kabanata 3
"Come on! Take your breakfast now."Sabi ni Katya nang humiwalay sa akin. "Go to dining area na. Magbibihis lang muna ako."
kinindatan niya ako at naglakad na palabas.Napangiti ako habang nakatingin sa likuran ni Katya. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ang gaan ng loob namin sa isa't isa ngayong kakakilala pa lang namin sa isa't isa. Siguro dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na matatawag kong kaibigan ko. Ganito pala 'yung pakiramdam pag may isang tao na matatawag mong kaibigan mo. Ganito pala kasaya pag alam mong may isang tao na and'yan para sayo. Ang saya pala magkaroon ng kaibigan. Naaalala ko kung gaano ako ka-inggit dati sa mga classmates ko na may mga kaibigan. Sabay-sabay silang pumapasok at umuuwi galing sa eskwelahan. Nung bata nga ako ay lagi akong naiinggit sa mga kapit bahay namin na may kalaro 'yung mga anak. Kasi ako hindi ko pa naranasan 'yon... 'yung mag laro sa labas ng bahay kasama ang mga kapwa kong bata. Kasama 'yung mga ka-edad ko, hindi rin kasi ako madalas pinapalabas ng bahay ni nanay nung mga panahon na 'yon. Sa bahay lang ako, nanonood ng telebisyon, nagbabasa ng mga libro at minsan tinutulungan sina nanay sa gawaing bahay.
Doon umiikot ang buhay ko nung bata ako. Kaya ginagawa ko ngayon ang makakaya ko na magkaroon ng pera upang maipagamot ko si Annabelle dahil ayokong maranasan niya 'yung mga naranasan ko nung bata ako. Kahit hindi niya sabihin alam ko na ngayon pa lang ay naiinggit siya sa mga ka-edad niya na nakakapaglaro sa labas. Gusto ko ma-enjoy niya ang buhay niya bilang bata. Gusto ko makapaglaro siya kasama 'yung mga ka-edad niya. Gusto kong maranasan niya 'yung mga nararanasan ng normal na bata.
Mahirap walang kalaro. Mahirap walang kaibigan dahil naranasan ko na 'yon at ayokong maranasan 'yon ng kapatid ko. Nagbuntong hininga ako sa naalala. Huminga ako ng malalim at bumaba na sa kama at naglakad papunta sa banyo ng kwarto upang maghilamos. Kahit sa banyo ng kwarto na ito ay nakakamangha rin. Naghilamos ako at nag toothbrush pagkatapos nun ay lumabas na ako. Pagdating ko sa living area ay wala si Katy's kaya naman nag tungo na ako sa dining area para mag agahan. Napangiti ako ng makita ang mga hinanda ni Katya para sa akin. Madami ito at halatang masarap itong lahat.
Umupo ako sa silya at kumuha ng pagkain. She cooked fried rice with beef, beef tafa, bacon, egg at pan cakes. May nakahanda na ring isang basong gatas, juice at tubig. Grabe naman si Katya. Ano tingin niya sa akin? Matakaw? Isang bacon lang nga ay busog na ako what more pa kaya ang mga ito?
Habang umiinom ako ng tubig ay biglang bumukas ang pinto ng dining area at pumasok si Katya na bihis na bihis. Nakasuot siya ng isang itim na fitted turtle neck na pinatungan niya ng isang white cardigan at isang white jeans. Nakasuot din siya ng isang itim na high kneel boots na halatang mamahalin.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Crush mo ba ako, Katie?"nang-aasar na tanong ni Katya sa akin.
Sinimangutan ko siya at pabirong inrapan. "Crush agad? Hindi ba pwede nagagandahan lang ako sayo?"tanong ko pabalik.
Her eyes widened as her mouth parted. "Wow! Marunong ka na ngayon mang-bola uh?"She murmured.
"Ewan ko sayo, Katya. Aalis ka na ba?"tanong ko at pinagpatuloy ang pagkain ng bacon.
Kinuha niya ang isang baso ng juice at ininom 'yon. "Yeah! I'll go ahead. Kung lalabas ka h'wag kang masyadong lumayo baka kasi hindi mo alam kung paano umuwi pabalik."
"'Yon nga ang problema ko, Katya balak ko sana lumabas para mag hanap ng trabaho pero baka hindi ako makauwi pabalik... hindi kasi ako familiar sa lugar na 'to."sabi ko kahit alam naman niya.
Ngumuso siya at tumango-tango. "I understand. Ayos lang ba sayo kung bukas ka na lang mag hanap ng trabaho? I'll go with you at samahan na rin kita maghanap ng apartment na tutuluyan mo. Bakit ba kasi ayaw mo na lang dito tumira? Hindi naman kita pinapaalis at mas lalong hindi kita pinapabayad dito."
YOU ARE READING
BACHELOR SERIES 1: A Beautiful Mistake
RomanceIt all started when Nicholas Jaimson Silberman bumped into Katie Maire Danavan. Who would have thought that because of that incident, they would meet? Katie Maire Danavan is a woman who flew all her way to Manila from a far province in hopes to fin...