A Beautiful Mistake
Kabanata 1
"Kailangan nang umalis ni ate... malalate na ako sa flight ko."bulong ko kay Anna na mahigpit na nakayakap sa akin ngayon.
"Annabelle, hayaan muna makaalis ang ate mo... halika na't baka maiwan siya ng eroplano."sabi naman ni Nanay sa kapatid ko.
Suminghap naman si Annabelle at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Nagbuntong hininga ako at niyakap siya pabalik. "Annabelle nag-usap na tayo diba? Kailangan ko nang umalis baka maiwan ako ng eroplano—"
"Mas ayos nga po 'yon ate."mabilis na sabi niya.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi ni Annabelle. Umiling ako at kinurot siya sa tagiliran. "Marunong ka na sa mga ganyan ah?"kunwari naiinis kong tanong sakaniya.
Humiwalay siya sa akin at ngumuso. She rolled her eyes playfully at me. "Tawagan mo po ako pag nakarating ka na sa manila ah?"nanginginig niyang tanong.
Huminga ako nang malalim. Iiyak na naman siya, hindi ba siya napapagod umiyak? Ako 'yung nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. My Annabelle. Ngumiti ako at tumango sakaniya.
"Oo naman! Ikaw ang una kong tatawagan pag nakarating na ako ng manila. Pangako."
Ngumiti siya at bahagya lumayo sa akin. Tumayo naman ako sa pagkaka-upo at nakangiting humarap sa magulang. Malungkot na nakangiti sa akin si tatay habang si nanay naman ay lumuluha. Ngumuso ako at naglakad palapit sakanila.
"Pati ba naman po kayo?"pabirong tanong ko sakanila.
Suminghap si nanay at niyakap ako. "Anak ko.... alagaan mo ang sarili mo do'n ah? Pag hindi mo na kaya do'n umuwi ka na rito. Dito ka na lang mag trabaho kahit maliit 'yung sweldo... ipangako mo sa akin na hindi mo pababayaan ang sarili mo do'n. Ipangako mo anak ko...."I looked away when my nanay voice broke.
"Pasensya ka na anak ko... mahal na mahal ka ni nanay."Bulong niya at hinalikan ako sa noo.
Malambing kong hinaplos ang likod ni nanay.
"Mahal ko rin po kayo nay, pangako po hindi ko pababayaan ang sarili ko do'n. Mag-iingat po ako do'n nay. Pangako."nanginginig na sabi ko.
Tumango-tango si nanay at humiwalay na sa akin. Ngumiti naman ako kay tatay. He opened his arms widely. I gasped and runs to his direction. He chuckled and hugged me back.
"H'wag ka agad magtitiwala sa mga tao do'n anak ah? Kilatisin mo muna bago mo pagkatiwalaan, hindi natin alam ang tabok ng isip ng isang tao."paalala ni tatay.
Agad naman akong tumango. "Opo, tay."
Huminga ako nang malalim at kinuha na ang travel bag na dadalhin ko. Sabay kaming apat naglakad palabas ng bahay. Napangiti ako nang makita ko si Kenneth at Chi-Chi sa labas. Halatang kanina pa nila ako hinihintay na lumabas. Namimiss ko ang dalawang bata na ito.
Nang makita ako ay nagsitakbuhan sila patungo sa akin. Bahagya naman akong lumuhod at sinalubong sila ng mainit na yakap.
"Ate Katie... mamimiss ka po namin."humihikbing sabi ni Kenneth.
Tumango-tango ako at hinaplos ang likuran nila. I smiled as I pulled a way from the hug. Basang-basa ang mukha ni Chi-Chi ng kaniyang luha, nanginginig rin ang mga balikat nito.
"Don't worry guys, I'll be back. Hindi ako magtatagal do'n."I said and smiled.
Suminghap si Kenneth at tumango sa akin. He's trying to stop his own tears.
"We will wait you to come back, ate Katie."Chi-Chi said, tears keep on falling from her eyes.
I nodded and caressed her soft cheek. "I'll be back.... I promise."
YOU ARE READING
BACHELOR SERIES 1: A Beautiful Mistake
RomanceIt all started when Nicholas Jaimson Silberman bumped into Katie Maire Danavan. Who would have thought that because of that incident, they would meet? Katie Maire Danavan is a woman who flew all her way to Manila from a far province in hopes to fin...