Mauricio
"Tiyoy Dong!"
Sigaw ni Emilio sa katandaang lalaki na ngayo'y nagpapaligo ng mga alaga nitong kalabaw sa ilog. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa lugar na ito, noon kasi'y sa siyudad lang ako nag-lalakwatsa, kung hindi babae ay pagtingin-tingin sa mga bagong kagamitan ang aking ginagawa't pinagkaabalahan.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit parang malapit kami sa isa't-isa nitong ni Emilio, ni-hindi kami nag-uusap kahit nasa-iisa kaming silid-aralan. Ito ang pangalawang beses na nag-kasama kami ngunit pakiramdam ko'y magkaka-sundo kami nito. May galit ako sa mga mestizo, iyon ang dahilan ng mapait kong pakikisama sa kaniya, pero sa ginagawa niya ay unti-unti kong napapatunayan na hindi pala masasama o mayayabang ang lahat ng kagaya niya.
Kapansin-pansin rin ang pagkapayak nitong tao, kagaya ngayon ay nakasuot ito ng kamisa de chino na may mahabang manggas, puting pantalon at tsinelas bilang sapin sa paa, ngunit ang pananamit niya ay hindi naging hadlang upang mangibabaw ang kagwapuhan at kakisigan nitong taglay.
Lumapit ito sa matanda na naka-lusong sa tubig kasama iyong mga kalabaw niya. Hindi lumusong si Emilio ngunit yumukod ito upang kausapin ang matanda.
"Oh? Sino makisig lalaki harap ko! Sino ka?" Tugon nito, mahihinuha ang pagiging tsino nito sa kaniyang pananalita.
"Ito namang si Tiyoy! Nakalimutan mo na ako? Ako ito, anak ng kaibigan mong si Jolito." Nakangiting banggit nito sa matanda.
Napa-tango ito at tila ba'y may naalala.
"Emilio? Emilio! Ano iyong dahilan bakit bisita ka sakin?" Masaya nitong sambit.
"Maaari po bang hiramin iyong bangka niyo saglit? Ito kasing kaibigan ko..." Habang nagsasalita ito'y hinila ako nito ng palapit sa kaniyang pwesto.
"....Gustong mangisda." Napa-tingin ako sa kaniya, ganoon rin ito sa akin. Humulma ang kaunting kurba sa mga labi nito, ngunit ako nama'y nagulat sa mga sinabi niya.
Tiningnan ko ito kalakip ang inis at puot, aba'y loko-loko din itong mestizong ito.
Nanatili pa rin ang mga ngisi sa labi nito, binawi na rin niya ang kaniyang mga naka-akbay na braso.
Lumapit ako ng bahagya at yumukod upang mag-pakilala sa matanda.
"Magandang tanghali ho, Ginoong Dong. Ako ho pala si Mauricio."
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Ikaw makisig din gaya Emilio! Wag mo'kong tawag Ginoo, masyado pormal. Tiyoy Dong tawag mo sakin ha?"
"Oho." Matawa-tawa kong tugon sa kaniya.
Natawa rin ang matanda.
"Maaari rin po bang rentahan iyong mga pangisda ninyo?" Pagputol ni Emilio sa amin.
Tumango na lamang ang matanda bilang sagot.
Nag-taas ito ng kamay na tila may tinatawag sa di kalayuan.
"Wang!"
"Wang!"
Napa-lingon rin kami ni Emilio sa lugar kung saan ang matanda nakaharap. Isang magandang dalaga ang aming nasaksihan, nakasuot ito ng baro't saya ngunit hindi maitatanggi ang taglay nitong wangis ng isang tsino.
Tumayo ito mula sa pagkaka-upo, marahil ay naglalaba ito kasama ang iba pang mga kababaihan na ngayo'y nakatingin sa amin at nagbubulungan, ang iba'y humahagikgik pa na tila'y kinikilig.
Nang tingnan ko itong kasama kong mestizo ay nakatulala ito habang nakamasid pa rin sa papalapit na dalaga. Marahil ay nahalina rin ito sa kagandahang taglay ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa Kahon (1930's)(BxB)
Ficción históricaSa panahong ang pag-ibig ay nasusukat sa kasarian, sa panahong hindi maaaring sumuway sa nakagawian ng lipunan, sa panahong malaking kasalanan ang umibig sa parehong pag-aari't katawan, mapapanindigan kaya ang pag-ibig hanggang sa walang hanggan?