CHAPTER 1: BREAKFAST

412 5 0
                                    

PLEASE READ. COMMENT. AND VOTE. THANK YOU :D

ENJOY!

__________________________________________________________________

“I’m hungry.”             

            Walang gana at nanghihinang pagpaparinig ni Tish sa kapatid – si Veronica. Kanina pa silang naroroon sa beach at naka-set up ng tripod at camera. Ilang oras na silang nakatambay doon at kumukuha ng mga litrato para sa isa na namang contest na sinalihan ng kanyang kapatid.

            Hindi naman talaga siyang dapat sasama dito. Kung hindi lamang at nag-leave of absence ang assistant ni Veronica ay hindi niya ito sasamahan. She’d leave her sister alone in driving down to Batangas and do her picture taking. Naatim ng isipan niyang hayaan ito ngunit binagabag naman siya ng sariling konsensya. Animo’y may nagtulak sa kanya na sumama dito. Well, something did allure her into coming with her sister.

            Aside from accompanying Veronica to the place, isa pang kadahilanan ang setting na napili nitong kunan ng larawan. Hindi niya alam kung bakit ngunit sadyang panatag ang loob niya sa tuwing nasa tabing dagat. It made her feel calm and at peace. Na siyang naihiling niyang nararamdaman niya ngayon kaysa ang labis na pagkagutom.

            “Nics, kain na tayo. Please?”

            Gumagaralgal na ang kanyang sikmura gawa ng pagka-gutom. It sounded off so loud that even her sister heard it. Natawa ito.

“Bakit hindi ka kasi nagbe-breakfast, ‘di ba?”

“You very well know why.”

Nagkibit-balikat lamang ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkuha ng litrato. Sinimangutan niya ang kapatid. Mukhang wala itong balak na umalis sa lugar na iyon hangga’t hindi nakukuha ang gusto nitong scenario ng paligid.

Often times, Tish would go out with an empty stomach. Nakasanayan na niya ang pagpapalipas ng agahan. Hanggang sa nasanay na ang kanyang sikmura na hindi tumanggap ng anumang pagkain tuwing umaga. Every food she intakes will get flushed down. Flushed down the toilet that is.  Isinusuka niya lamang iyon. She’s not sick or anything. Minsan ay nag-aagahan siya. Depending on how seldom that is. 

Tumingin na lamang siya sa malayo. Nagpawala ng isang buntong-hinga at ipinagpatuloy na lamang niya ang pagta-type sa hawak na laptop habang prenteng naka-salampak sa buhanginan. Since her sister is busy with her job, she will get busy with her own job.

Bilang isang writer ay malaya niyang nagagawa ang lahat ng kagustuhan. Tish gets to work anywhere and everywhere, kung saan man siya datnan ng motivation at inspiration sa pagsulat. Basta’t maipapasa niya bago mag-deadline ang lahat ng kanyang manuscripts ay maari na siyang magtungo kahit saan. That’s how advantageous her job gets. Aside from the late night story production and brain damage, count in headache and crankiness the next morning, hers is a dream job.

Hindi naman talaga niya pinangarap na maging isang manunulat. Gusto niyang maging isang patessiere tulad ng kinakapatid niyang si Elie. Or a culinary expert like Michie – her highschool friend. Ngunit sadyang mayaman ang utak niya sa ideya ng kathang-isip. Dito lubos umangat at napansin ang talento ni Tish.

She made money during highschool just by printing out a random story and letting her class read it. Hanggang sa lumaganap iyon sa buong mataas na paaralan at gawin siyang miyembro ng grupo ng mga manunulat ng school newspaper.

Her memory went back to that time when she wrote something about Michie’s ordeal with her bestfriend Nico and published it to the school newspaper. It was one hell of a love story however, it ended tragically. Nakonsensya tuloy siya dahil nasira ang pagkakaibigan ng mga ito dahil sa isinulat niya. Naging masama tuloy ang mga karakter ng lalaki sa bawat inilalathala niya. And because of that, Tish herself has her own share of dealing with the likes of the opposite sex. And it’s not a very good one, either.

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon