CHAPTER 3: SEA TRAVELLING

191 1 0
                                    

PLEASE READ. COMMENT. AND VOTE. THANK YOU. :D

ENJOY!

___________________________________________________

Wala siyang ibang magawa kanina ng lumayo siya sa kinaroroonan ni Art kaya’t napili niyang mananghalian muna. And watching him flirt with his British maiden made her food taste sour. Halos mawalan siya ng ganang kumain kakapanood sa mga ito.

Hindi niya alam kung bakit patuloy niyang pinanunood ang dalawa kahit na nagsisimula ng mainis ang buong sistema niya. Her guts insist she watch them. Kahit kailan talaga ay mas nasusunod ang utak niya kung gugustuhin niya.

Sumunod niyon ay nag-ayang lumusong sa tubig si Art sa kasama nito. Umiling ang babae kaya’t mag-isa na lamang itong lumublob. Ilang minutong lumangoy, nagtampisaw at sinasabuyan ng tubig ang dalagang binabasa lamang ang mga paa sa along humahampas sa dalampasigan, bago tuluyang umahon at naglakad kasama ang mestisang dalaga. Patungo sa kung saan ay hindi niya alam. Wala siyang pakialam.

            “Art’s really friendly with women. Any kind, basta’t babae. Masanay ka na.”

Si Yulo ang nagsalita. Nakaupo na pala ito sa libreng upuan na naroroon. May hawak na naman itong inumin n angayon ay tsaa.

            “Bakit mo sinasabi sa’kin ‘to?”

            “Just to get you prepared.”

            She smirked at his words. Is he implying that she would get jealous? Napailing siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Hinayaan niya lamang matapos ang usapan hanggang doon. Ayaw na niyang palawakin ang ibig sabihin ni Yulo sa kanya. Baka isipin pa nitong interesado siya sa kapatid nito. Hindi naman. Kaunti lang.

            He ordered a teapot of green tea and placed it on her table. Ngumiti ito sabay lagay ng tasa ng umuusok ng tsaa sa tabi ng kanyang plato.

            “Tea’s good for digestion.” Paalala nito bago tuluyang umalis.

“Let’s go?”

A bare chested soaking wet guy popped in front of her – Art. Mukhang tapos na ito at ang babaeng kasama nito sa “Flirting 101” session ng dalawa kanina lamang. Hindi siya sumagot. Lumagok na lamang siya ng tsaa mula sa hawak na tasa. Nagkibit-balikat ito at bigla na lamang umalis.

She slowly turned her head to where he was. Hindi niya maiwasang titigan ito. Why is he getting even more handsome by the minute? Wala pa itong ginagawa ay nakikiliti na siya sa presensiya lamang nito.

Bigla ay tumingin ito sa gawi niya. Hindi siya nagbawi ng paningin. Dahil alam niyang mahahalata nitong sinusundan niya ito ng tingin. Tinuro nito ang Japanese isle ng mga pagkain at inaya siya. Umiling siya bago tumingin sa kabilang dako upang hindi mahalata. Napapikit siya. Muntik na siya doon.

Bumalik ito tangan ang ilang plato ng pagkain at isa-isang ibinaba sa lamesa kung saan siya nalalagi. Iba’t ibang putahe ang naroon at isa-isang minantakan iyon ni Art sa harap niya.

“Saan tayo unang pupunta?”

            Tanong niya sa gitna ng kawalan upang basagin ang katahimikan namamagitan sa kanila. Nabibingi siya sa tunog na gawa ng bawat alon na humahampas sa dalampasigan.

            “Where do you want to go?”

            “Aren’t you my tour guide? You should know that.”

            “Okay then.”

            Sabi nito sabay kagat sa hita ng manok. Typical man. Malakas kumain. Naalala niya tuloy si Paolo – ang ultimate crush niyang hindi yata alam na nag-eexist siya sa mundo. Malakas din itong kumain. Favorite nito ang quarte pounder ng Mcdonald’s kaya’t kapag magagawi siya sa restaurant nito ay dumadaan muna siya sa Mcdonald’s upang bumili ng nasabing pagkain. Laking ligaya lang niya kapag naroroon si Paolo kahit kasama nito ang malditang girlfriend nito.

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon