CHAPTER 9: NO ESCAPE

147 0 0
                                    

PLEASE READ. COMMENT. AND VOTE. THANK YOU :D

ENJOY!

___________________________________________________

Ngayon na lamang niya muling nakita si Guillan matapos ang ilang taon. Nangibang bansa na ito matapos silang maka-graduate ng college kaya’t kaunti na lamang ang naging oras sa kanilang komunikasyon.

“Ikaw ha? Masyado kayong in love nitong boyfriend mo.”

“Fortunately, he is not my boyfriend. Naghihintay ang boyfriend ko sa may lobby. Iyo na lang ang isang ito, kung gusto mo.”

Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang ng binata ng sabihin niya iyon. No matter, totoo namang hindi niya kasintahan si Art but with the way they’re acting, the kisses they’ve shared, they were labeled as such by anybody who sees them.

Tumawa lamang si Guillan sa kanyang mga sinabi while making sideway glances at the man she was literally buried beneath into. Sa bawat sinasabi ng kanyang kaibigan ay may pangalawang pakahulugan. At alam niyang pinatutungkulan pa din nitong may namamagitan sa kanila ni Art – the man who she is clearly not introducing to her friend as anyone kahit pa mukhang nakita nito ang lahat ng nangyari sa kanila ng binata sa loob ng elevator.

            The lift stopped at the upper ground floor, people stepped out and so did she while chatting with Guillan. Gusto niya pa sanang makausap ng mas matagal dito ang kaso ay may iba itong commitment ng araw na iyon.

Nagpalinga-linga siya. Searching for Jaztine everywhere. Ipakikilala niya ito kay Guillan bilang ang kanyang boyfriend. With her being bestfriends with Jaz, there’s that hundred percentage of assurance the man would just go with her lies. But the man was out of sight.

“Some other time, BFF. I’ll be seeing you, Ventice. Art?”

            Ngiting sabi nito sa lalaking nasa likuran niya nang bigyan siya nito ng beso sa mga pisngi. They parted with them exchanging numbers with each other at kinamayan nito ang kanyang kasama. Nagtaka siya doon.

“How did you know her?”

Tanong niya sa binata habang naglalakad sa kahabaan ng lobby papalabas ng building. Knowing that Guillan ang Art know each other bothers her mind. Sa tagal niyang kilala si Art, napansin na niya ang pagiging malapit nito sa babae. He justified that with Justine – his British ex-grilfriend. Napatikhim siya. Ito talaga ang tumatak sa kanyang isipan.

            “Secret.”

            “Nabighani ka kay Guillan, no?!”

            “Yes. Happy?”

            Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. It may seem a fifty-fifty chance that the man she was faced to was lying to her or is being very honest. Either way, the fact that he answered her positively and with a mocking mused look on his face made her irritated.

Naiinis siyang hindi pabor sa kanya ang sagot nito. She hated the fact he said otherwise than what she had expected of him and the stupid fact that she was – yes, she’s admitting – getting really affected and jealous. Nakuha pa nitong makipagtitigan sa kanya na tila nang-aasar.

She grunted at him bago ito ismiran at iwanan sa gitna ng lobby. Kung nasa buhanginan man siya naglalakad ay tiyak niyang bumabaon na ang kanyang mga paa sa bigat ng mga pagtapak na kanyang ginagawa.

“Nasaan na ba iyon?!”

“If you’re looking for Jaz, he took off.”

“That’s not possible. Nasa’kin ang susi ng kotse.”

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon