CHAPTER 10: SIX DEGREES OF SEPARATION

187 1 0
                                    

PLEASE READ. COMMENT. AND VOTE. THANK YOU. :D

ENJOY!

____________________________________________________

Kanina pa siyang lakad ng lakad kakasunod kay Art sa kabuuan ng airport. She had decided to start her research relating to his job para sa susunod na gagawin niyang nobela. Mukhang sablay naman ang timing niya dahil hindi siya kinakausap nito. Palipat-lipat ito ng opisinang tinutungo.

Gusto na niyang kastiguhin ito dahil kanina pang nanakit ang kanyang mga paa kakalad. Iyon nga lang ay siya ang may kailangan dito kaya't hinahabaan niya ang pasensya. Kailangan niyang pakibagayan ang sapak nito.

Nag-ring ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag. Nasagot na sana niya iyon kung hindi lamang at pati loob ng bag niya ay tinopak at nag-ala-treasure box na naisipang itago sa kung saang sulok ang kanyang telepono. Ayaw niyang tumigil upang hanapin iyon, if she stops, mawawala sa paningin niya si Art. Binibilisan pa naman nito ang paglakad nito at iniiwan siya.

She found the damned gadget in that oversized bag of hers, at last.

"Yes?! Yes?! Hello?!"

Kapagkuwan ay naibulalas niya habang sabay na naglalakad at isinasara ang kanyang bag ng hindi nakatingin sa dinaraanan. Nakarma naman siya ng mauntog ang kanyang noo sa isang mababang signage sa kawalang bahala niya sa dinaraanan.

"Ouch! Shit!"

Nasapo niya ang noo at napayuko sa sakit. Napatakbo naman pabalik sa kanya si Art ng hindi niya namamalayan. Iniangat nito ang kanyang mukha na nagpapitlag sa kanya. Hinimas-himas nito ang kanyang noo habang siya ay nakatingin lamang dito.

"Answer the phone." He tapped the phone she was holding habang patuloy ito sa pag-suri sa kanyang noo.

"I-I'm here, Paolo."

Agaran ang pagtanggal ng mga kamay ni Art sa kanya ng marinig nito kung sino ang kausap niya. Humakbang ito papalayo sa kanya at doon nanatiling nakatayo. Nakunot ang kanyang noo dahil sa ginawa nitong iyon. She barely comprehended what Paolo was saying because of Art's behavior.

Ilang saglit pa ay pinutol na nito ang linya. Naglakad siya patungo sa kinatatayuan ng binata. Wala itong imik sa kanyang paglapit. Nairita na siya sa kawalang kibo nito kanina pa ng dumating siya at magsimula itong maglaboy sa airport.

Ramdam niya ang pag-iwas nito. Isang linggo niyang tiniis na hindi ito makita at maka-usap simula ng hindi siya nito sunduin sa Enchanted Kingdom. Halos mabaliw siya noon at gustong-gusto niya itong makasama, but she will not let him ignore her this time around.

"Are you ignoring me?"

Tinignan lamang siya nito bago simulang mag-lakad muli. Napika siya sa ginawa nitong iyon. Sinundan niya ito. Inunahan niya si Art sa paglakad, hinarangan ang dinaraanan nito.

"Say something!" Sigaw niya sa mukha nito. "Dahil hindi ko maintindihan bakit iniignora mo ako ngayon. Ayaw kong hindi mo ako kinakausap o pinapansin."

"You still owe me an explanation why you didn't come back for me that night, Art. Explain to me, kung bakit nagawa mo akong iwan pero hind ka bumalik. Are you trying to get rid of me?"

Still, she received no response from him. He just went staring down on her like all she had just asked of him was a waste of time. Tumaas ang kilay nito bago iiwas ang tingin sa kanya. Tila buryong na buryong ito sa boses niya ng magpawala ito ng buntong-hininga bago siya muling harapin sabay ang pagsalubong ng mga kilay nito.

"Nothing? That's all I get?" Nakagat niya ang ibabang labi.

Nakagat niya ibabang labi. Once again, he looked at her without a single blink, meek then walked out. Napundi na siya sa inaakto nito. Tish accelerated a few walks from Art. Humarap siya sa papalakad na lalaki at binigyan ito ng isang malakas na sampal sa pisngi nito.

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon