CHAPTER 6: BUSTED!

170 0 0
                                    

PLEASE READ. COMMENT. AND VOTE. THANK YOU. :D

ENJOY!

___________________________________________________

“Oh… She’s the Chinese woman?”

Sabad ng katabing lalaki ni Art habang naka-akbay ito dito at ang mga mata’y sa kanya naka-gawi. Tango lamang ang sagot ni Art doon. Hinuha niya ay naikwento na siya ng lalaki sa mga kaibigan nito. Maging ang mga ginawa kaya nito ay naibahagi na nito sa kanila?

I’ll kill him if his friends ever find out shit that happened three days ago.

是。我的中国女人。有什么问题吗?” (Shì. Wǒ de zhōngguó nǚrén. Yǒu shé me wèntí ma?) (Yes. I’m the Chinese woman. Any Poblem?)

Mataray niyang sagot na siya ring nagpakunot ng mga noo ng mga kaibigan ni Art. Nangibang bansa na naman ang utak niya not considering na hindi pala siya niintindihan ng mga ito. Kinakabahan siya kaya siya nagkaka-ganoon. And if any person who knows her was around, halata na nito ang excessive sweating and heavy breathing niya.

“Sorry about that, guys. Medyo alien lang itong isang ito.”

Paumanhin ng kadarating lamang na si Jaz at nakipag-kamay sa mga ito. Nalukot ang kanyang mukha sa pagtataka. Paanong nakilala ito ng bestfriend niya? At bakit ito pa ang mukhang pinanigan ng binata?

“And yes, chin. They’re my friends.” Tila nabasa ni jaz ang iniisip niya kaya’t nasabi nito iyon kahit hindi siya nagtatanong.       

“Hmm… Rick… Rick Vallente, Ms. Chinese woman. And this handsome guy would be Yuki. Say hi to the pretty woman my friend.” Pagsasalitang muli ng binatang akbay si Art. Inutusan nito ang isa pang binata na siyang nakatayo sa kabilang dako ni Art.

“Hi.” Matipid nitong sabi bagaman hindi sa kanya nakatingin.

Rick placed his index finger in between her eyes. Naduling siya sa pag-concentrate sa daliri nito. His finger trailed downwards to the tips of her nose na siya ring sinusundan ng kanyang mga mata. Nagtawanan ang mga ito.

“That’s really cute, Ms. Chinky eyes.”

Napalingon siya sa bandang kaliwa niya. Naglalakad papalapit sa kanilang kinatatayuan si Yulo, and then there’s another guy who is seemingly handsome with the amused smile on his face, and her ultimate crush – Paolo. Ito ang nagsalita. Iyon ang tawag nito sa kanya “Ms. Chinky eyes”.

“Can you do that again? The crossed-eye thing?” Nagtawanan na naman ang mga ito.

“Gago.” Natatawang sabi ni Paolo dito. “That’s Christian by the way, Tish.” Nakangiting sabi nito pagka-lagay nito ng kamay nito sa kanyang balikat.

Sa loob loob niya ay gusto niyang tumalon dahil sa ginawa nitong iyon. Kung hindi lamang at kaharap niya ang mga kaibigan nito ay niyakap na niya ito pabalik. Naramdaman niya ang ilang matang nakatingin sa kanya.

She turned her eyes to her bestfriend. At hayun ang natatawa nang pagmumukha ni Jaz. Alam nito ang pagka-gusto niya kay Paolo. Aabutin na naman siya dito ng katakot-takot na pang-aasar. Nginusuan niya ito at inirapan bago lumingon. Bigla ay nahagip niya ang tingin ni Art. He had that pokerface look glued on his face. Hindi ito nakikitawa sa mga kaibigan nito.

Nagtama ang kanilang mga mata. There was this cold stare from him and for a second she saw him glare at the sight of Paolo and his arm that was wrapped around her shoulder. Tumaas ang kaliwang kilay nito, his jaw stiffen as he was gritting his teeth even with his mouth closed, she saw what he just did.

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon