-Prologue-

15.9K 257 13
                                    


HI ENJOY READING

P.S SORRY SA MGA TYPOS AND ERRORS NA INYONG MABABASA.
----------------------

"YOU'RE FIRED!" Sigaw sa'kin ng boss ko matapos kong mangatuwiran sakanya.

Wala naman kasi akong ginawang masama pero ako yung pinag iinitan nitong taong 'to.

Pinasa kasi niya sa'kin ang gawain ng paborito niyang impleyado, dahil madami na daw itong gagawin, at may oras naman daw kasi ako para taposin 'yun kaya ako nalang daw ang gumawa!

Haaaiz. Hindi ko naman trabahong sumalo ng gawain ng iba no, kaya bakit ko gagawin yung inuutos niya? Lagi nalang sa'kin pinapagawa kapag tinatamad yung Lucy na yun.

"Abay talaga! Aalis talaga ako!" Singhal ko din sakanya at lumabas na ng office niya.

Matagal ko  na din namang gustong umalis sa kompanya, pero hindi ko magawa dahil nga ang hirap kumita ng pera. Pero ayoko na, maliit na nga magpasahod ang dami pang demand.

Simula nung nag work ako dito, lagi na kong nagkakasakit dahil sa walang katapusang trabaho.Minsan kahit day off ko, pumapasok padin ako para lang matapos ko yung mga tambak na trabahong binigay nila sa'kin.

Tapos sa huli ang matatanggap ko lang eh pa nenermon?! WOW! PU*****

Jusko! Inaalala ko palang na iistress na ko!

Bakit ba hindi ako nag resign agad? Nag sayang lang ako ng oras dito.

Anyway , I'm Clare Stella Marquis, 24 years old single at katatanggal lang sa trabaho. Mag isa na ko sa buhay, kaya malaking problema ang tinatahak ko ngayon. Pag naubos na ang pera ko ay wala na kong pag kukuhaan. Sigh*

Buhay pa naman ang ang tatay ko, bumukod lang talaga ako para sa ikaliligaya niya. Well  Mabait kasi ako kaya ako na ang nag adjust.

Nang matapos kong kunin ang mga gamit ko ay napag desisyunan kong umuwi na agad sa bahay upang makapag pahinga. Ayoko din naman pumunta pa kung saan saan, wala akong budget! Kaylangan ko ding mag tipid ngayon dahil wala na akong work.

Tsaka. Kung gagastos pa ako, baka kulangin ako ng pangbayad sa apartment.

Ugh! Clare dapat kasi tiniis mo nalang! Bakit kasi sumagot kapa!

Pak!*

Malakas na sinampal ang dalawang pisngi ko at ilang beses na umiling.

Hindi!  mabuti nadin to! Baka ikamatay ko kung ipagpatuloy ko pang mag trabaho sa lintik na kumpanyang 'yun.

Oo. Tama lang na umalis na ko, pinahaba ko lang ang buhay ko sa desisyon ko sa araw na to.

Sigh* Makauwi na nga.

******

-Bahay-

"Teka. bakit bukas 'to?" Tukoy ko sa gate ng apartment ko.

Anak nang?! Mukang nandito na naman ang batang 'yun.

Sinabi ko ng wag pupunta sa bahay nang hindi nag sasabi, hindi talaga marunong makinig. Pumasok ako sa loob at nagpalinga linga upang hanapin ang kapatid kong nag iwan na bukas ang gate.

Hindi ko siya nakita sa sala kaya suspetsa kong nasa kwarto ko siya at mahimbing na natutulog. Ganyan yang batang 'yan kapag ayaw umuwi sakanila.

"Josh, nandito ka na naman, tapos iniwan mo pang bukas yung gate. Papalitan ko na talaga yung susi sa susunod kapag inulit mo pa to" saad ko.

Dumaretcho naman ako sa kusina at tinigna ang mga stocks ko.

"Himala at hindi niya ata kinain yung chocolate cake ko" natatakang sabi ko. Inilabas ko ang cake at inilapag  sa lamesa.

 Nakakastress ang araw na 'to kaya kaylangan kong kumain ng masarap.

"Josh!.... Joooosh!" tawag ko dito. Abay bakit ba hindi nasagot ang batang iyun. Mukang natutulog nga ang batang damulag ah. Naglakad ako patungong kwarto upang icheck ang napaka cute kong kapatid

"Josh, Jo----S-Sino ka?" Gulat na usal ko ng may makitang ako hindi pamilyar na lalaki.

"Nalintikan na!" usal neto. Naalerto ako ng biglang may kinuhang kusilyo ito sa bulsa niya. "Pasensya na miss, pero trabaho lang."

T-Trabaho? 

"W-wag k-kang l-lalapit" takot na saad ko. 

Tanong tanong ka pa kasi Clare! Bobo ko shemay! Dapat umalis na ako agad nung may makitang hindi pamilyar na tao sa bahay. Aatras pa sana ako ng may biglang kumirot sa likod ko.

 Huh Dugo?

 Ang daming D-Dugo.....

Lumingon ako sa likod ko at bumungad sa'kin ang isa pang lalaking hindi pamilyar sa'kin.

"Ugh" daing ko ng muli niya pa akong saksakin.

"Tol tama na yan, tara na nakuha ko na yung mga pera."

Ugh! Apaka swerte ko talaga! Pagtapos matanggal sa trabaho, masasaksak naman ng magnanakaw pag uwi ng bahay.

Aaaa... Ang sakit...

 Bakit sa ganitong paraan n'yo ko lord kukunin?

 Bakit kahit sa huling hininga ko ang hirap hirap?

Hindi n'yo na nga ako binigyan ng mabuting ama at mabuting boss, pati ba 'tong kukurampot na pag asa na meron ako kinuha mo pa.

Ano po bang nagawa ko sainyo para pahirapn mo n'yo ko?

Simple na nga lang yung gusto ko, gusto ko lang maranasan mamuhay ng normal at, masaya pero bakit ang damot n'yo ho ata sakin?

Tao din naman ako, deserve ko din pong maging masaya kahit saglit lang. Kaso never n'yong binigay sa'kin yun.

Sigh. Tama na siguro... Kahit magreklamo pa ako useless lang din.

 Sige na, tatanggapin ko na lang po!

Sige na po kunin n'yo na ko!

Sumusuko na ko!

 Ito na!

Unti unting nagdilim ang paningin ko at nawala ang sakit na nanggagaling sa tagiliran ko. 

Masmabuti na din sigurong magpahinga na ako, hindi na ako makakaramdam pa ng kahit na anong sakit, hindi na ako mapapagod, wala ng obligasyon sa buhay, hindi na kaylangan mamublema sa pero pambayad sa apartment o pambayad sa kuryente at tubig.

Tama masmabuti na nga 't----

"Miss Clare gising na po may pasok kapa po"

Ganito ba talaga pag mamatay na? Marirnig mo ang boses ng mga taong naging parte ng buhay mo?

"Gising na po, Miss Clare. Baka mapagalitan ka nanaman ng daddy mo pag di kapa bungon diyan"

Ano ba! Mamamatay na nga lang ako, ang dami pang istorbo!

"Miss Clare."

"Miss?"

"Miss.. "

"Miss....."

"Miss Claaaaaaaaare.."

"OO NA!..OO NA!!..  ETO NA GIGISING NA! "inis na Bangon ko.

Huh?

Nasaan ako?.....

Bakit parang nawala yung mga sakit ng sugat ko?

Kinapa kapa ko ang likod at tagiliran ko ngunit wala akong nakapang sugat dito.

Dali dali akong lumapit sa salamin at itinaas ang dami ko upang makumpirma kung wala na talaga ang mga saksak.

"Susmaryosep kang bata ka!" gulat na sabi ni Manang nang bigla akong tumayo. " Nakagulat naman ako sa'yo. Ano bang tinitignan diyan?" Nagugulungan tanong niya.

"Kahit peklat wala? Anong nangyari?" Wala sa sariling bulong ko. Inilapit ko din ang muka ko sa salamin ng mapansin na parang bumata ako.

Hahaha... ako bumata? hahaha 

ano 'to magic? haha

"........."

"......."

"...."

"M-manang Laila A-anong d-date and year n-ngayon?"

"Hays, July 6, 20XX at lunes kaya mag ayos kana, may pasok ka pa sa school mo."

JULY 6 20XX?! Ha ha ha...

ANONG KATARANTADUHAN 'TO?

huh? bu-bumata ako ng siyam na taon?!

"Ha! Ha ha ha ha!" Tawa ko at nawalan na ko ako ng malay.

TO BE CONTINUED....

--------

HELLO READERS!! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! SEE YOU NEXT CHAPTER!! WAGKAKALIMUTAN MAG VOTE, COMMENT AND SHARE AFTER READING!! LAB U ALL

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon