Chapter 65

1.7K 62 19
                                    


Enjoy reading everyone

P.s Sorry po sa mga typos and errors na inyong mababasa. Thank you sa pag-uunawa.
----

Migz Point of View

"MGA INUTIL! HANGGANG KAYLAN N'YO KO PAGHIHINTAYIN?"

"So-sorry boss, pero mukhang hindi normal na tao ang dumakip kay Ms. Natalia. Humingi na din kami ng tulong kina Hugo, pero---"

"PERO ANO?! TANG INA! WALA KAYONG SILBI!" malakas na singhal ko sakanila. 

Linggo na pero hindi ko padin matunton ang lokasyon ni Natalia, akala ko magagawan ko pa ng paraan, ngunit kapos na ako sa oras. 

 Tang ina bakit ba kasi umabot pa dito? Sino ba kasi 'yung taong 'yun?

Naging maingat naman akong sa mga taong hahamunin ko, saan ba ako nagkamali? 

Oo gago ako pero maylimit ang yabang ko, alam ko kung sino ang hindi ko dapat banggain at isa na dito ang mga taong may alam sa West Building. 

Isang beses palang akong nakakapunta dun at wala na akong planong bumalik pa, dahil ang lugar na 'yun ay ang pugad ng mga dimonyo.

Kaya sino, sino ka? Anong kaylangan mo sa'kin?

Si Drake?

Teka, number ni Drake ang ginamit ng taong 'yun.

Maaring connected ito sa gagong 'yun, 

"Lahat kayo, sumunod sa'kin, maypupuntahan tayo."


********


Clare's Point of View

Time check, 6:23 

May ilang oras pang natitira. Hindi na ako makapag hintay hindi makaganti sa gagong 'yun.

Ngayon kasi ay linggo, ang araw na kung kaylan ang usapang araw na paghaharap namin ni Migz. Kaya't kasalukuyang nag aasikaso na ako ng mga gamit na gapat kong dahilhin para mamaya.

knock* knock*

Napahinto sa aking ginagawa dahil sa katok.

"Pasok," saad ko. Bumukas naman agad ito at inuluwa ng pinto si Sir Megan habang nakasuot ito ng blue na dress at makapal na make up na may glitters glitters sa gilid ng mata

Hays, ano nanamang problema niya?

"The heck? Anong itsura 'yan? Ganyan ang outfit mo sa birthday party ko? Ano kaba te, gangster?" Oa niyang tanong sa'kin habang pinagmamasdan ang itim kong damit at itim na pants.

"Eh sino ba ang nagsabi sayong aattend ako?" tanong ko.

"Hindi ba authomatic na 'yun? Kapatid kita, malamang aattend ka. Tsaka, I think much better na magpakita ka sa party ko, baka kasi isipin nila hindi kita inimbita. Mapapahiya lang ako."

Ayun, malamang sarili mo lang iisipin mo.

"Ang dami mong demand sa buhay no? But sorry to disappoint you, pero hindi ako pupunta sa party mo." Saad ko sabay buhat ng aking bag.

"Wa-wait aalis ka? Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong niya.

"Saan? Sa lugar kung saan wala ka." pambabara ko at nilagpasan siya. 

Iritable akong naglakad ng makababa dahil sa daming ng taong nagkalat dito sa bahay. 

Dapat ba binigyan ko na lanang sila ng budget para hindi 'yung bahay ko 'yung pinepeste nila? 

Sigh. 

Pasalamat kayo at may lakad ako, kundi hay nako.

Binilisan ko paglalakad ng mapansin na pinagtitinginan na ako ng mga bisita. 

"Clare!" Tawag ng kung sino saakin pero patuloy padin ako sa paglalakad at walang planong lingunin ang tumawag. " Wait, Clare."

Busy ako, next time na lang tayo mag usap kung sino kaman.

Nahinga ako ng maluwang ng makarating sa garahe. Mabuti nalang at naagapan ko ang lugar na ito, ng malaman ko kasing sa bahay gaganapin ang event binilin kong huwag ipapagamit kahit kanino ang garahe kung ayaw nilang gumawa ako ng gulo.

Ayoko kasing nagugulo ang mga babies ko dito, at baka may makasagi pa kaya't pinilit ko talagang isave ang lugar na 'to. Binuksan ko na muna ang gate bago lumapit sa motor ko.


"Clare, bingi kaba? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo." 

"Drake, hindi ako bingi. Ayoko lang talagang kausapin ka." Prangkang saad ko at sumakay sa motor ko. And siya pala ang tumawag sa'kin for unknown reason.

"Saan ka pupunta?" kunot noong tanong niya.

"Paki mo?" taas ang kilay na tugon ko.

"Kinakausap kita ng maayos Clare," iritableng saad niya. Eh bakit ba kasi?

"Hay nako naman Drake, ano bang kaylangan mo sa'kin?"

"Saan ka pupunta?" Ulit niya.

"Alam mo naman kung saan tapos nagtatanong kapa."

"So kikitain mo talaga si Migz?"  See alam mo naman pala, bakit pa nagtatanong? Hindi kita gets.

"Oo, sasama ka? Sorry hindi pwede, eepal ka lang." saad ko pa sabay soot ng helmet. 

"Palagay mo hahayaan kita? Bumaba ka diyan. Hindi ka aalis." Nagulat ako ng bigla akong higitin nito palayo sa motor ko. 

"H,Hoy! Hoy! Drake ano ba? Ayos ka lang? Bitawan mo nga ako." Higit ko sa kamay ko. " Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Hindi naman diba? Kaya pumayag kaman o hindi aalis pa din ako."

"Kung ginagawa mo 'to para tulungan ako at makuha 'yung violin, wag na lang. Kala mo ba kakayanin mo mag-isa 'yung mga lalaking 'yun? Alam kong malakas ka pero, wala kang laban dun." Mahabang saad niya. 

"Teka nga Drake, nag-aalala ka ba sa'kin?" nakangising tanong ko. Nalalaki ang mga matang tumingin siya sa'kin dahil sa inaasahang tanong ko. Tinaas ko pa ang salamin ng helmet upang makita ang reaksyon niya.

"Ha. A,ayus ka din no? Ako mag aalala? ASA. Pinipigilan lang kita kasi ayokong masisi kung may mangyari sayong masama." Paliwanag niya habang namumula ang tenga. 

"Oh, ba't nag papaliwanag kapa? Ikaw ang defensive mo. Binibiro ka lang eh." Biro ko.

"D-Defensive?-"

"Walang mangyayaring masama sa'kin kaya don't worry." Natatawang putol ko sakanya. "Tsaka hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ko haharapin 'yung gagong 'yun. Kaya magparty kana lang diyan at aalis na ako." 

Muli akong sumakay sa motor ko at planong aalis na sana ng umangkas sa likod ko si Drake. 

"Ano sa tangin mo ang ginagawa mo?" lingon ko dito.

"Kung ayaw mong magpapigil, sasama na lang ako." Nakangising tugon nito.

"Wala na akong oras makipag biruan sayo kaya bumaba kana," mahinahong pakiusap ko.

"Hindi naman ako nakikipag biruan, seryoso ako, sasama nalang ako. Hindi ka nga nagpapapigil kaya hindi na rin ako magpapapigil." Ha, ayaw niya talagang tumigil no?

Hindi lang oras mauubos sa'kin dahil sa lalaking 'to kundi pasensya.

"Ang tigas ng ulo mo no?" iritableng tanong ko at ibinaba ang salamen ng helmet.

"Nagsalita ang hindi," aba't sumasagot pa talaga?

"Aish. Kumamit ka, mahulog ka pa diyan, maging obligasyon pa kita." utos ko at kumapit naman agad siya sa bewang ko. 

Gusto ko pa sanang makipagtalo at pigilin siya pero may kaylangan pa akong puntahan sa mga oras na 'to maliban kay Migz. As long hindi naman siya magiging hadlang sa plano ko wala akong paki, pero kung sakaling paparialing ng lalaking ito 'yung katangahan niya, hindi ako magdadalawang isip na ipamigay siya sa mga gago 'yun.

Minaneho ko na sana ang motor palabas ngunit maynarinig kaming  malakas na sigaw sa pinang gagalingan ng event.

"KYAAAAAAAAAAA! TULONG SI MEGAN!!"

To be continued....

---------------------

HELLO HELLO HELLO READERS! Sana nag enjoy kayo sa pagbabasa ng chapter 65. Huwag kakalimutan mag iwan ng comment, mag Vote at share after basahin if mat time kayo, haha support n'yo na sa'kin. Thank you in advance hehe.

Pa Follow na din po para updated kayo sa mga post and new stories ko. 

Thank you for reading my story guys, See you next chapter!

Hi pala kay @usuitakuki, thank you sa walang sawang pagsusuporta. <3

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon