Chapter 39

2.2K 83 18
                                    

Enjoy reading (~‾▿‾)~

P.s. Sorry po sa mga errors and typos!

---------

Nathan's Point of view

Yawn*

Anong oras na ba?

Mukang napahaba ata ang tulog ko ngayon.

Haha! First time.

Saglit lang akong naki-party kahapon at tumungo na agad sa kwarto ko.

Medyo pagod din kasi sa biyahe kaya hindi ko din pinush yung sarili kong magtagal sa sayahan kagabi.

Tsaka to be honest, mahilig lang akong mag party o mag aya pero hindi ako mahilig uminom.

Ayoko kasing timatamaan ng hang over tsaka delikadong malasing lalo na sa bar o sa mga event.

Baka kasi kung anong mangyari sa'kin.

Hindi naman porket lalaki ay safe na lagi, specially sa mga katulad kong gwapo.

Hindi naman sa pagmamayapang pero nag sasabi lang ako ng totoo.

Nangmakaramdam ng gutom ay tumayo na ko para magpalit at mag toothbrush.

Kalimutan mo ang lahat, wag lang ang personal hygiene.

1hr later

"Hmmm wala na ba akong nakalimutang dalhin?" Tanong ko sa sarili ko habang tinigtignan ang mga gamit kong nakakalat.

Hmmm, mukang wala.

Babalik pa naman ako after mag breakfast kaya kung may malimutan man ako, balikan ko nalang.

Naglakad na ko patungo sa pinto at lumabas. Agad na nahagip ng paningin ko ang pamilyar na nakatalikod na babae.

Si Clare ba 'yun?

Mukang maaga din siyang nagising katulad ko.

Dali dali akong bumalik sa loob ng kwarto at may kinuhang importanteng bagay.

   "Mukang mabibigay na din kita." Nakangitang saad ko.

------

  "Sir, ito na po ang order n'yo."

  "Thank you."

Agad na kinuha ko ang coffee at paulit ulit na tinatanaw ko ang direksyon ni Clare.

Nagdadalawang isip kasi ako kung lalapitan ko ba siya o hindi.

Gusto ko lang icheck kung okay lang ba siya.

Sa totoo lang sobrang nagulat ako sa itsura niya kahapon, namumulang pisngi at nagdudugong noo.

Hindi panga gumagaling yung pasa niya sa pisngi mukang nadagdagan nanaman.

Sigh*

Ano ba kasi ang nangyari sa babaeng 'to.

Ang pagkakaalam ko siya ang nasusunod sa bahay nila dahil ayun ang laging himotok nuon ni Megan samin nung sila pa ni Drake.

Pero bakit parang hindi naman?

This past few days na na observe ko si Clare, at ibang iba siya sa pagkaka kwento ni Megan.

Malaki daw ang galit sakanya nito, lagi daw siyang pakinakikialaman, gusto daw sirain ang buhay niya, at sinasaktan daw siya kapag walang nakatingin.

Kung ganun, kung totoo yung sinabi niya bakit siya ang lapit ng lapit kay Clare? Hindi ba't kung nakakaranas ng ganung kaharasan, sa tuwing makikita mo yung taong nananakit sayo ay agad na lalayo ka?

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon