Chapter 29

2.5K 92 11
                                    

Hello! Enjoy reading everyone

(^∇^)ノ♪

P.s: sorry sa mga typos and errors

(。•́︿•̀。)

----

"Samantha, ano nanaman ba 'to?"

"Tinatanong kita kung masaya kana ba? Nang dahil sayo--"

"Nye nye whatever, wala akong planong pakinggan yang hinanakit mo kaya pumasok kana lang sa room n'yo at intayin ang gurong magturo. Hindi yung panay ang perwesyo mo sa'kin "

"Ate, gusto ka lang makausap nung tao. Bakit ka baman ganyan kay Samsam."

"Hindi porket gusto n'ya kong kausapin ay dapat na kong makinig sa sasabihin n'ya... Sa susunod na lumapit ka pa ulit sa'kin sinasabi ko sayo papatulan na talaga kita." Tinignan ko siya ng matalim bago ko siya nilagpasan.

"Kahit saan ka talaga dalhin lagi ka nalang may kaaway no? Ganyan kaba pinalaki ng magulang mo? Walang modo?"

Ha! Saan naman kaya galing ang isang ito? Ang galing ng timing niya ha.

"Haha! Nag salita ang may pasa sa muka.. Sating dalawa sino nga ba ang madaming kaaway?" Naka ngising tanong ko kay Drake.

"Nangyari to dahil inggit ang mga lalaking 'yun sa muka ko kaya wala akong kasalanan sa nangyari." Hambog na dipensa niya.

"Haha! Kung ang tinutukoy mo ay yung ibang tao dito sa campus na naiinggit sayo pwedeng maniwala pa ko. Pero boi si Migz yun, hindi ka pag iinitan nung lalaking yun kung wala kang ginawa sakanya." Sa lubong anv kilay natinignan niya ako nang marinig niya ang pangalan ni Migz.

"Pano mo nakilala yung taong yun?"

"Bakit ko sasabihin?"

"Tinatanong kita ng maayos, wag mong sagarin ang pasensya ko."

"Masagad man yang pasensya mo, wala akong sasabihin na kahit na anong impormasyong makaktulong sa'yo."

"Ah haha, magkasabwat siguro kayo."

"Kung magka sabwat kami, hindi sana kita sinagip ng araw na yun. Imbis na pinag dududahan mo ko. Pasalamatan mo nalang siguro si Tina, baka matuwa pa ko sayo. Siya ang nakakita sayo sa parking lot habang ikaw ay nag papakabugbog dun at siya din ang nag pumilit na tulongan kita."

Nagliwanag bigla ang muka ng kaibigan ko dahil sa sinabi ko.

"Tss, magkaibigan nga kayo. Parehas kayong pakialamera." At napalitan din ng malungkot na expression matapos hindi magpasamanat ni Drake.

Lintik talaga tong lalaking 'to.

"Haha!" Manghang tawa ko sabay sipa ng malakas sa binti niya.

"ARAY! ANO BA! INAANO KABA?!" Daing niya at napalihod dahil sa lakas ng sipang pinakawalan ko.

"Haha! Pakialamera? Haha! Mawala sana ng tuluyan yung Violin mo."

"Anong sabi mo?"

"Mawala sana ang Violi..." Mabilis akong umiwas ng kukwelyuhan nanaman niya ako katulad kahapon. "Ops! Pag pikon alis." Ani ko sabay malakas na pakawala ng suntok sa muka niya.

"Ugh!"

"Para yan sa pag kwelyo mo kahapon sa'kin. Matuto kang rumispeto ng babae... Hindi kaba tinuruan ng magulang mo ng tamang asal? Kasi napaka wala mong modo."

"Ate! Tama na yan, nakakasakit kana." Biglang awat ni Megan.

"Napaka ugaling kalye talaga." Sabat naman ni Samantha.

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon