Chapter 51

2.1K 67 3
                                    

Enjoy reading everyone

P.S. sorry po sa mga typos and errors na inyong mababasa. Maraming salamat po aa pag iintindi.

------

Clare's point of view

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang nakakapagod na bakasyon.

Nanatiling tahimik naman kahit papaano ang buhay ko at nag focus muna sa mga scho activity.

Sobrang daming kaylangan gawin at asikasuhin. Dahil may magaganap na event next month.

Eh kadalasan, bago magka event ay may exam muna kaming haharapin kaya kung ano ano tuloy ang ipinapagawa ng guro sa'min.

Well, hindi naman literal na kung ano ano, mga bagay lang naman na connected sa class.

"Clare kausapin mo naman ko." Bungad ni Lucas samin paglabas na paglabas ng pinto ng room.

Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin, sa mga lumipas na araw hindi ako tinantanan nitong si Lucas kakahingi niya ng tawad.

Kinalimutan ko naman na yung nangyari sadyang hindi ko lang siya feel kausapin kaya't isang linggo ko siya hindi pinansin.

"Clare, naman."

"Magkaaway padin kayo?" Bulong na tanong ni Tina at nag kibit balikat lamang ako.

"Uy Lucas ano ba kasing ginawa mo dito kay Clare at ilang araw kanang hindi kinikibo." Tanong ni Mika pero hindi siya agad naka sagot.

Sigh.

Huminto ako sa paglalakad at biglang hinarap si Lucas, gulat naman siyang napahinto at naiilang na tumingin sa'kin.

"Guys, mauna na kayo. Mag uusap lang kami ni Lucas saglit."

"Oooo sige.... Tara Mika, hayaan na muna natin ang dalawang mag jowa."

"Haha, mabuti pa nga... Guys take your time. Mahaba naman ang breaktime, kaya ilaan n'yo muna sa bebe time." Biro pa ni Mika bago sila tuluyang umalis.

Nakangiwing napailing nalamang ako tinulak sila.

"Sumunod ka sa'kin, mag uusap tayo." Utos ko sakanya at nauna nang maglakad.

*******

Nandito kami ngayon sa rooftop, first year building. Hindi kasi matao dito at wala din makaka kilala samin dito kung may makapansin mang may tao.

"Clare, hindi ko sinsadya yung mga nasabi ko sayo... Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin para sabihin yu--"

"Lucas, alam mo paulit ulit ka... Kung ano man yung nangyari last week, lipas na 'yun... Hindi naman tayo close pa isipin mo yung nararamdaman ko diba, hindi ganun ang relasyon nating dalawa... Kaya lang tayo nagkakausap dahil kaylangan natin ang isa't isa.. kaya please tama na yung pagiging oa? Ang sakit sa ulo eh."

"Lipas na? Eh bakit hindi mo ko pinapansin? Tsaka kung lipas na, bakit mo pa ko hinila dito? Anong pag uusapan pa natin?" Tanong niya.

"Hindi ko lang trip kausapin ka kaya hindi kita pinansin, yun lang yun. Bakit bawal ko bang gawin 'yun?" Mataray na tanong ko. "Anyway, hinila kita dito dahil magpapatulong ako para isaoli na ang violin ni Drake."

Napangisi siyang tumingin sa'kin at napasandal sa pader namalapit sakanya.

"Hindi ba talaga gumaan ang loob mo kay Drake sa lagay na 'yan?" Maypagdududang tanong niya.

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Talaga lang ha... Kasi sabihin mo lang kung  ititigil na 'tong pag papanggap na 'to, dahil hindi naman kita pipigilan."

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon