Chapter 43

2.2K 74 4
                                    


Enjoy reading everyone

P.s sorry po sa mga typos and errors na inyong mababasa.

------

Clare's point of view

"May idea ba kayo kung bakit puro papel lang ang laman ng mga treasure box na nakikita natin? Tsaka bakit walang nakasulat? Kulay lang ang pagkakaiba ng mga papel na nakukuha natin." tanong ni Lucas.

Wala din akong idea sa kung bakit puro papel lang ang laman ng mga box na 'to. Hindi masyadong nag bigay ng ditalye si Tina sa larong ito, basta mag hanap lang daw kami ng treasure.

"Wag na lang natin isipin, ang importante ay nakahanap na tayo ng limang treasure. Ayon kay Tina, kaylangan lang natin makahanap ng lima diba? kaya bumalik na tayo." pagod na aya ko.

Kami lang kasing tatlo nina Xandra at Lucas ang nag hanap at nag hukay ng mga treasure. Yung dalawang si Drake at Megan, walang inaambag kundi reklamo at kaartihan.

Sana hindi nalang sila sumama kung hindi naman pala sila tutulong. tsk!

sigh* Gusto ko ng umuwi

"Oo, kaylangan na nga nating bumalik, pawala na din ang sinag ng araw. Mahirap abutan ng dilim dito sa gubat." sang ayon ni Lucas.

"Ay uwian na? Pero gusto ko pang mag hanap ng treasure. Hindi ba kayo nag eenjoy?"

Ha? ikaw lang ata ang nag eenjoy sa kalokohang larong 'to, Xandra.

"Hindi, kaya babalik na tayo sa ayaw at sa gusto ko."masungit na tanggi ni Lucas.

"Kyaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ni Megan kaya mabilis kaming napalingon sa dikresyon niya. Nagulat kaming lahat ng makitang nahulog siya sa kumunoy. "T-tulong! Guys tulong! Drake! Drake! ate! ateeee!"

"SHIT! Megan, wag kang gagalaw, maslalo kang lulubog kapag gumalaw ka. Abutin mo ang kamay ko." tarantang lapit ni Drake sakanya. Nang maabot niya si Megan ay kumapit siya sa pinaka malapit na sanga sabay hila dito.

Haiz! Sinabihan na kasing wag kung saan saan pumunta.

Lalapit na sana kami upang tulungan sila ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang naputol ang sangang pinaghahawakan ni Drake rason ng pagkakawala niya ng balanse at tuluyang nahulog na din sa kumunoy kasama ni Megan.

"Ow my gad DRAKE!" Sigaw ni Xandra. Akmang lalapit sana siya dito ngunit pinigulan siya ni Lucas. "Ano ba Lucas, bitaw! kaylangan natin silang tulungan."

"Alam ko, gusto ko din tulungan sila pero delikado. Baka mahulog kalang din, masmahihirapan tayo kung pati ikaw ay mahuhulog sa kumunoy."

"L-lumulubog ako! Tulungan n'yo kami guys! Ate, lumulubog ako. Ayoko pang mamatay. Ayoko pang mamatay."

"Shh..shh. Megan. Megan makinig ka sa'kin. Hindi tayo mamatay dito, okay? Ikalma mo yung sarili mo, gagawa ako ng paraan para maialis ka sa kumunoy na 'to." pagpapakalma sakanya ni Drake habang hawak hawak padin ang kamay niya.

Napairap ako sa kawalan ng dahil sa kadramahan na napapanood ko.

Kahit talaga sa gantong sitwasyon, nagawa n'yo padin talagang magharutan no?

"Tama na ang drama, pwede?... Lucas mag hanap ka ng putol na sanga na pwede natin magamit para hilahin sila. Make sure ma makapal para hindi agad mabali." utos ko. " Xandra, kabisado mo naman siguro ang daan pabalik ng resort no?"

"Yes, natatandaan ko yung daan."

"Good, bumalik ka sa resort at humingi ka ng tulong. Hindi ako sure kung kaya naming ialis sina Megan sa kumonoy kaya kaylangan makabalik ka agad as soon as posible."

"O-okay okay. Hihingi ako ng tulong." tarantang saad niya at dali dali ng umalis.

"A--te nahihirapan na akong himinga." Tawag sa'kin ni Megan. Hanggang dibdib palang naman ang pagkakalubog niya ngunit mukang nang dahil sa panic kaya nahihirapan na siyang huminga.

"Megan." Tawag ko sakanya at lumapit ng kunti sa pwesto nila. "Alam kong natatakot, pero kaylangan mong ikalma yang sarili mo.. Hindiman tayo okay pero hindi kita papabayaan dito. Kaya magtiwala kalang kay ate." Pagpapakalma ko sakanya habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

"Clare, nakahanap na ako." Lapit ni Lucas sa'kin. Tinignan ko ang sangang hawak hawak niya upang tignan kung okay na ba yun.

"Pwede na 'to."

-----

Tina's point of view

"Ugh, grabe. Sino ba ang nagtago ng mga treasure na 'to. Parang ayaw mag pahanap." Reklamo ko.

"Bakit naman kasi hindi mo inalam? Ayan tuloy na hirapan tayo." Saad ni Mika.

"Malamang ayoko namang mag daya, gusto ko din namang ienjoy yung game no."

"Haha! Ienjoy? Oo enjoy na enjoy mo nga." Sarcastic na saad niya.

"Nag enjoy naman ako. Naloka lang talaga ako paraan ng pag tago nila sa mga treasure."

"Oo sige, sabi mo ih."

Tapos na din kasi kaming mag hanap ng mga treasure kaya pabalik ba kami ngayon sa Resort.

"Tina, bakit ba puro papel lang ang laman ng mga treasure na 'to?" Tanong ni Nath.

"Secret nga, mamaya ko ipapaliwanag sainyo pag nandito na ang lahat."

"Sabihin mo na, para malaman na namin. Tapos ma din naman tayong mag treasure hunt ih."

"Mamaya na para isang paliwanag nalang."

"Ang damot."

"Lumayo ka nga sa'kin." Iritang saad ni Theo kay Sammantha.

Simula nung nag start yung laro, ganyan na sila. Parang linta naman kasi 'tong si Sammantha, dikit ng dikit eh ayaw naman sakanya.

Kahit nga ako na iinis na eh, hindi ba niya alam yung salitang space? O kaya yung salitang kahihiyan? Jusme!

"Kausapin mo lang ako Theo, please."

"Ayoko nga! Ayoko! Kaya tumigil kana.

"Ayoko din, hindi ako titigil kahit kaylan. Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa'kin."

Haiz. Ang tigas talaga ng muka ng babaeng 'to.

"Hindi kaba nahihiya?" Halata ang inis na tanong ni Mika. Saglit niyang kinalikot ang cellphone niya at biglang hinarap sa muka ni Sam. "Ito yung video nang pananampal mo kay Theo sa cafeteria. Panoorin mo! Panoorin mo kung paano mo saktan yung tao."

"Ilayo mo sa'kin 'yan. Ang k-kapal ng mulang mangialam! Sino kaba!"

"Ang sabi ko panoorin mo! Bakit ka umiiwas? Kasi ano? Ayaw mong aminin na kasalanan mo... Sam kasalanan mo kaya wala kang karapatan mag desisyon sa relasyon na meron kayo. Kung ayaw na niya, huwag kanang mangulit, wag ka nang mamilit."

Nagpipigil ng luhang napatungo si Sam matapos niyang marinig ang sinabi ni Mika.

"T-TULONG! TULONGAN N'YO KAMI!" sigaw nung kung sino kaya napunta ang atensyon namin sa babaeng sumisigaw.

"Xandra?" Usal ko ng mamukaan ko 'to.

"Sh*t" rinig kong mura ni Nath at mabilis na tumakbo patungo ni Zandra kaya napatakbong sumunod na din kami sakanya.

Hindi maganda ang kutob ko dito.

"XANDRA!" Tawag sakanya ni Nath.

"N-NATH! M-may na h-hulog sa k-kumunoy. T-tulungan n'yo k-kami." Hingal na hingal na saad ni Xandra.

Huh? N-nahulog sa kumunoy?

To be continued.....

----------

Hello hello readears!!!!

Kamusta!! Pasensya na kung ngayon lamang nakapag update! Sana nandiyan pa kayo! Hahaha

Enjoy reading! Wagkakalimutang mag Vote, Comment and share after reading!!!

Thank you sa pagbabasa!!

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon