Chapter 59

1.8K 75 9
                                    

Enjoy reading everyone. (⁠~⁠‾⁠▿⁠‾⁠)⁠~

Sorry po sa inyong mababasang typos and errors.
---

Tina's point of view

"Pfft! Hahaha teh anong nangyari sayo?"

Tawanan daw ba ako? ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ Ang harsh mo bff, huhuhuhuh

"Ayoko na, ayoko na hindi na ako babalik dun." Hindi na dapat ako ng prusintang pumasok sa loob.

Akala ko kasi putcho puchong horror booth lang 'to, hindi ko alam na nakakatakot pala talaga sa loob.

"Hahaha, ayan ang pilit mo kasi. Sabi sayo wag nalang tayong pumaso--"

Napahinto siya sa pagsasalita ng may biglang bungga sa'kanya galing likod.

Taranta akong lumapit kay bff ng makita siyang madapa.

"Omygad! Okay kalang bff?!" Nag aalalang tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot at gulat na nakatingin sa lalaking nakabungo sakanya.

Okay lang ba siya?

"So-sorry miss hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako... Ayus ka lang ba?" Nagmamadali?! Anong dahilan 'yan?! Kapag nagmamadali ka bulag kana?! Tanga kana?!

Sisinghalan ko na sana yung bwiset na lalaki ng magsalita si Clare.

"G,Glen?" Namumutlang usal niya. "Ikaw si Glen diba?"

"Yes? Do I know you?" Kunot noong tanong ng lalaki.

Dali dali siyang tumayo at yumakap 'dun sa lalaking tinatawag niyang Glen.

Wait teka, sinong ba 'tong Glen?

-----

Clare's point of view

"Yes? Do I know you?" Tumayo ako at yumakap sakanya ng mahigpit.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Glen, ang naging matalik kong kaibigan nuong college.

At ang kaibigan na, nabigo akong protektahan.

Nakilala ko si Glen nuong first year college ako, sa isang convenience store na minsan kong pinasukan. Magka workmate kami, and also schoolmate, a head siya sa'kin ng isang taon.

Siya ang nag turo sa'kin paano dumiskarte sa buhay, kung paano maka survive sa delikadong mundong 'to ang  taong tanging tumulong sa'kin sa lahat ng pangangailangan ko.

Kaso sa kabila ng lahat ng itinulong niya sa'kin, wala man lang akong naibalik sakanya.

Nuong mga panahon na siya yung nanga ilangan wala akong maitulong sakanya.

Minsan niya sa'kin na ikwento na may kapatid siyang naging biktina ng bullying. Hindi nila sineryoso ang sitwasyon ng kapatid at nagpatay malisya dahil ang laging sinasabi ng dalaga ay okay lamang siya.

Ngunit wala silang kamalay malay na sobrang pambubully na pala ang dinararanas ng kapatid sa kamay ng mga kaklase.

Hindi lamang pangungutya ang nakukuha nito ngunit pati na din ang pambubugbog.

Dahilan kung bakit pinili ng kanyang kapatid na kunin ang buhay, upang makawala sa mala impernong pabg araw araw niya.

Akala ko nuon, nung ikinukwengo ni Glen sa'kin ang isturyang 'yun ay naka move on na siya sa mga nangyari.

Ngunit mali ako, matagal na pala niyang pinagpaplanuhan ang maghiganti sa mga taong may dahilan ng kamatayan ng kapatid.

Isa isa niya 'tong pinaghahanap at kung ano anong pag hihirap ang ginawa niya sa mga ito hanggang umabot sa nakapatay na siya ng tao.

Clare's Second Life (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon