Part 25

4.5K 155 28
                                    





Wag...!!!!


Parang nabingi ako sa sabay-sabay na sigawan ng mga nanunuod sa paligid at nang muli akong tumingala sa itaas ay pikit mata na akong lumundag at pilit na inaabot ang bata pero napalingon ako sa gawing kaliwa ko nang may maramdaman akong hangin na biglang bumunggo sa katawan ko.


Si Lorenzo!

 

"Ahhhhh...!" sigaw nito at kitang-kita ko kung paano tumilapon ang bata sa kawalan kasabay nang pagbagsak ni Lorenzo kay Ezekiel. "Papatayin kitaaaaa!" sigaw pa rin nito sa kawalan habang ako naman ay lumundag na pababa para sabayan ang pagbagsak ng bata.

 

"Uwahhh... 'wahhhh!" palahaw nito at nahubaran na dahil sa nasasalubong nitong hangin.

 

"Ugh!" binigatan ko pa ang sarili ko dahil naaabot ko na siya pero 'di ko pa rin nahahawakan ng mabuti. Pero nanlaki ang mga mata ko nang kumilos ang ilang ulapirang at inaabangan ang bata sa pagbagsak. Napasigaw ako sa ibang busaw para pigilan ang mga ito. "Patayin niyo, ubusin niyo na sila... ang bata!"


Nagsimula na naman ang labanan sa ibaba at parang isang eksenang bumagal ang lahat ng kilos. Iilang patak na lang ng segundo ay babagsak na ng tuluyan ang bata nang makita kong mabilis na nakihalubilo si Agatha sa mga ulapirang at nag-abang na rin.

 

"Hemp!" bulalas ko at kahit anong pilit kong abutin ang bata ay 'di ko pa rin maabot hanggang sa pikit mata ko nang pinagalaw ang dila ko.... "Huh!" sa huli ay nayakap ko ang bata at bigla akong tumihaya para ako ang unang babagsak sa lupa.


Bag!


Lagabog ko at nakangiwing inaninag ang mga nilalang na nasa paligid ko. Nagkakagulo pa rin hanggang sa may kumapit sa magkabila kong kamay.

 

"Ughhh bitiwan niyo siya!" nakipag-agawan ako sa mga ulapirang nang pilitin nilang kunin ang bata hanggang sa matigilan na naman kaming lahat dahil sa boses na 'yun. "Ahhhhh...." ungol ko at pinilit ko pa ring gumapang habang inaabot ang batang nasa kamay na ng isang ulapirang.

 

"Ehhhhhhhhhhhh!"


Patuloy pa ring lumalapat sa kawalan ang matinis na boses ni Agatha at nang makuha ko uli ang kanyang anak ay ako naman ang sumigaw.

 

"Tama na!" sigaw ko at napahiga na ako sa tabi ng mga ulapirang na wala ng buhay habang niyayakap ang bata. "Tama na Agatha..." anas ko at kumurap-kurap ako.


Bakit nanlalabo ang paningin ko at nanghihina ako?


Napalingon ako nang maramdaman kong mabilis na lumalapit sa amin si Agatha.

 

"Anak! Anak ko...." aniya at alam kong umiiyak siya. "Airina... salamat, salamat..." sabay kuha niya sa bata na nasa dibdib ko lamang. Ngumiti naman ako tumingala sa langit habang malalim pa rin ang paghinga ko. "Airina... m-may sugat ka yata."

BUSAW 3: AIRINA, Ang UlapirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon