Lorenzooooo....
Napakunot noo ako nang makilala siya. 'Ni sa panaginip ay hindi man lang pumasok sa isipan ko na siya ang makikita ko ngayon. Dalawa lamang ang inaasahan ko, si Christian o ang stalker ko.
Ewan ko basta sila ang inaasahan kong makita.
"Airina..." napakurap-kurap ako nang muli niya akong tawagin nang paanas. "May sasabihin ako sa'yo..." napakunot noo ako at nagtaka kung bakit palinga-linga siya sa paligid. "Airina... isang napakaimportanteng bagay na alam kong magugulat ka at hindi maniniwala pero dinadala mo ngayon, hindi mo lang alam..." lalo akong nagtaka at napa-isip sa kanyang sinasabi.
Napakaimportanteng bagay?
Inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo pero tiningnan ko lamang ito.
Naka-upo ako at nakatitig sa kanyang mukha. Iisang pangalang lamang ang sumisigaw sa isipan ko ngayon, si Agatha.
Nasaan na kaya siya?
"Airina...." muli niyang anas nang mapansing natitigilan pa rin ako at bago pa man ako makakibo'y may naririnig na kaming mga yabag palabas ng kusina. Pareho kaming napatingin sa nakasaradong pinto at napaigtad ako nang maramdaman ang kanyang kamay sa balikat ko. "Babalikan kita... mag-iingat ka Airina dahil 'di sila titigil hangga't 'di ka nakukuha." muli ay tumingin siya sa pinto kaya napatingin na rin ako.
"Anak!? Airina...?!" tawag ni papa sa akin.
Bumaling agad ako kay Lorenzo dahil naiisip ko kung anong iisipin ni papa kung makita siya lalo pang ganitong nakahubad pa pero bago ako makakibo'y wala na siya.
Tahimik kong sinugod ng paningin ang madilim na paligid pero parang wala man lang senyales na may tao nga.
Guni- guni ko lamang ba siya?
"Anak?!" parang bumulaga ang malakas na sigaw ni papa kasabay ang pagbukas ng pinto. Muli akong napatingala at nakita kong humahangos na rin sina mama at sila tiyong. "Anong gingawa mo diyan, anong nangyari?!" binuksan niya ang ilaw sa tarangkahan bago tuluyang lumapit sa akin. "Airina... anak..."
Agad kong nahawakan ang kamay niya at 'di ko na mapigilang 'di umiyak pa.
"T-tay...." sabay yakap niya sa akin. "Tay... n-nangyari sa akin ulit ang n-nangyari sa p-probinsiya... k-kinukuha nila ako 'Tay, kinukuha nila ako." parang bata akong nagsusumbong sa kanya.
"Shhh... 'wag mong isipin 'yan, kahit kanino'y 'di kita ibibigay anak... magkakamatayan na." Lalo akong napaiyak sa kanyang sinabi at naramdaman na rin ang paghawak ni mama sa akin. "Anchor... tumulong na kayo, parang iba na 'to." narinig kong sambit ni papa sa kanila.
BINABASA MO ANG
BUSAW 3: AIRINA, Ang Ulapirang
Terror. . “Bakit tayo lang ang kakaiba sa kanila?" nakuha kong tanungin ang katabi kong nakatingin rin sa mga kumakain Bahagya niya akong nilingon at ngumiti. “Dahil espesyal ka... ikaw ang prinsesa, reyna at ang.”tiningnan niya ako sa mukha pababa sa aki...