AIRINa, Ang Ulapirang- The Ending

9.2K 242 60
                                    



       Mahigit isang buwan na ang nakakaraan mula nang manggaling kami sa Ukbiran kung saan maraming nangyaring nagdulot ng kakaibang sugat sa bawat isa sa amin. Pero ang isang magandang bagay lamang na nangyari sa amin, sa akin ay sa 'di maipaliwanag na dahilan. Pagdating namin sa pinakamalapit na bayan ay biglang bumalik ang alaala ko. Kaya ganun' na lang ang saya ni Christian habang pabalik na kami ng Panuan.


Ok na sa amin ang lahat, 'di ko pa ba siya tatanggapin eh halos dumaan na kami sa kamay ni kamatayan. Hindi na siya pumayag na maghiwalay pa kami kaya pagdating namin sa Panauan ay sa bahay na niya kami tumuloy.


Sabi niya magsisimula kami ng bagong buhay.


Kahit na napahiwalay man ako sa mga magulang ko'y araw-araw ko silang binibisita at wala man lang nahalata ang mga matatanda sa bigla naming pagkawala. Maya't maya rin kaming tahimik na nag-uusap ni Manang Edeth na nakabalik na rin mula sa Sta. Maria. Nagtatanong lamang ng kung anu-ano tungkol sa mga busaw at kung anong naging karanasan ko doon.


Dinalaw ko na rin ang puntod ng kaibigan kong si Marjorie na namatay raw sa pakikipag-laban sa mga akyat bahay pero ang totoo'y biktima rin lamang siya ng mga ulapirang.


Si Kellan naman ay 'di ko na  naabutan dahil nung' isang araw pa raw nakalipad patungong Italy. Naalala ko minsan ang job offer na tinanggihan niya pero dahil siguro sa naging takbo n gaming relasyon ay pinili na lamang niya ang umalis.


Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga gamit ko nang mapalingon ako sa labas dahil narinig ko na ang boses ni Christian, dumating na siya.

 

"Hi hon'..." sabay katok niya sa naka-awang na pinto at tuluyan nang pumasok. "May kailangan ka ba dito, bilhin na lang natin." aniya sabay halik sa noo ko.


Sa totoo lang ay kasal na kami sa huwes at ang inaasikaso lang namin ay ang kasal namin sa simbahan.


"Wala naman... gusto ko lang balikan ang dati kong tinitirhan, ang dati kong buhay." ngiti ko sa kanya at sumilip sa labas. "Ano uwi na tayo, wala sila mama eh nasa palengke."

 

"Ikaw, 'di na ba natin sila 'aantayin?" tanong niya habang papalabas na kami ng kwarto at nagkataon namang papalabas ng kusina si Manang Edeth dala-dala si Ethan.

 

"Oh 'nang, musta po?" bati ni Christian at kinuha na rin ang bata. "Ano nga po 'yung sinasabi niyo sa akin... tungkol po kay Aling Barbara?"


Pati ako'y napalingon sa sinabi ni Christian. Since wala kaming kasama ngayon ay malaya naming napapag-usapan ang tungkol sa mga busaw.

 

"Ah 'yun ba... sabi ko lang 'di ko na kayo hinintay pa kasi parang si Barbara ang naiinip imbes na ako, ayukong nagiging dahilan tayo ng pagtatalo nilang mag-asawa."

 

"Ah ganun' ba... bakit ho, pinagtatalunan?" tanong rin ng asawa ko.


BUSAW 3: AIRINA, Ang UlapirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon