Part 6

8.1K 179 16
                                    

Merry xmas everyone ^_____^

Kinabukasan ay naging paksa namin sa bahay ang magnanakaw. Oo, ganun' ang pagkakaalam nila dahil hindi ko sinabi ang nangyari sa aming dalawa. Kaya maaga pa'y tinatrabaho na nila papa ang mga bintana sa kwarto para lagyan ng extrang harang. Baka naman talagang magnanakaw lang 'yun at nadarang lang ako dahil sa pangungulila ko.

Pagkatapos ko lang mag-alumusal ay iniwan ko na ang bata kay Manang Edeth at kay mama. Naglagi ako sa boutique buong araw at hanggang ngayong magtatakip silim na'y bukas pa rin ang tindihan ko. Wala rin kasi si Kellan dahil emergency'ng nakapag-out of town, may problema raw na nangyari sa kanilang site kaya napasugod silang dalawa ng kaibigang si Lenard. Field Engineer kasi siya kaya ganun' na ang takbo ng trabaho niya.

Hinihintay ko lamang na pumatak ang alas syete ng gabi bago ako tuluyang magsara. Dadaanan kasi ako ni Marj' para samahang magbar. Wasak na naman kasi ang puso kaya magpapakalasing na naman 'yun at ako ang taga-awat niya, tagapakinig at taga-hatid sa kanyang apartment.

Napailing ako at napangiti sa babaeng 'yun.

Kung titingnan nga ay mas matindi ang pinagdaanan ko pero hindi ko sinayang ang oras ko sa parteng 'yun ng buhay ko. Kahit malaki ang tiyan ko at naging usap usapan sa buong SMU ay pinilit ko pa ring tinapos ang pag-aaral ko.

Ginamit ko rin sa mabuting paraan ang nakuha kong perang ibinigay ni Lola Celesti para raw sa bata dahil hindi rin niya alam kung saan hagilapin si Christian. Napailing ako at mapait na napangiti nang sumagi na naman sa isipan ko ang lalaking 'yun, ang lalaking una kong minahal.

Napabuntong hininga ako at sinulyapan ang picture namin ni Ethan. Kumusta na kaya ang matandang 'yun. Buti pa siya dahil kahit nasa sinapupunan ko pa lamang ang bata ay ramdam ko na ang pagpapahalaga niya rito. Kahit na sabihing siya ang bumabawi sa pagkukulang ng kanyang apo'y nagpapasalamat pa rin ako.

"Graduating ka na iha at malapit ng manganak... gusto mo bang ako muna ang mag-alaga sa magiging apo ko." maingat niyang haplos sa tiyan ko at tiningnan ako. "Kung ako lamang ang masusunod ay sana huminto ka muna sa pag-aaral, maselan ang pagbubuntis mo at nangangamba akong may mangyari sa inyo ng apo ko..."

Ngumiti lamang ako at pinisil ang kulubot niyang kamay.

"Ok lang naman lola, kaya ko pa naman tsaka sayang din po kung hihinto po ako..." tugon ko sa kanya. "Tsaka papaluwas na ho sila mama para may makasama ako sa bahay, lilipat na ho kasi sila ng titirahan at habang 'di pa natatapos ang pinapatayo nilang bahay ay sa akin muna sila maglalagi."

"Ganun' ba... ibig sabihin eh kailangan niyo na ring lumipat sa mas malaki pang apartment para hindi kayo masikipan iha..." lingon niya at may pinindot, agad kong nakuha ang gusto niyang mangyari kaya agad rin akong nagsalita.

"Naku hindi na lola," pailing iling kong tanggi sa gusto niyang mangyari. "Ang laki laki na nga ng kinuha niyong apartment sa akin... kasya na po kami 'dun at tatapusin ko lang muna ang sem' na, sasama ho akong luluwas sa bagong lilipatan namin."

"Eh kung ganun, sasamahan na lang kita sa pagbabalik mo sa Manila para naman makita ko ulit ang mga magulang mo..." nakangiting sambit ng matanda.

BUSAW 3: AIRINA, Ang UlapirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon