Part 10

8.6K 174 17
                                    

Airina's pov...

Kanina pa ako gising pero ni' hindi ko makayang dumilat man lang. Ang sakit pa rin ng ulo ko at pakiramdam ko'y bugbog sarado naman ang katawan ko. Nasan na ba ako? Nasa kamay na ba ng mga halimaw na 'yun? Sa wakas ay pinilit kong idinilat ang mga mata ko pero nang maaninag ko ang iilang hubad na katawan ay agad rin akong pumikit.

Dios ko! Dios ko... nakuha na nila ako!

Napakagat labi ako at lalo ko pang isiniksik ang mukha ko sa hinihigaan ko, nagsisimula na naman kasing tumulo ang mga luha ko at baka mapansin nilang gising na ako. Mapapadali ang kamatayan ko pag' nagkaganun'.

Dios ko, muli na naman akong napadasal. Mamamatay na ako dito, papatayin na nila ako nang matigilan ako dahil sa isang boses na naririnig ko.

"Salamat..." aniya' at lalong nagising ang diwa ko sa takbo ng kanyang pagsasalita. "Noong isang buwan lang ako bumalik dito para hanapin siya pero tsk, ang hirap nang magtiwala ulit."

"Ibig sabihin ay hindi ka pa nagagawi sa sinilangan mong lugar, paano mo napanatili ang 'yung kaalaman mo... sabi mo nga'y nagkasakit ka." narinig ko ang isang boses lalaki at hindi ko talaga maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.

"Hindi ko rin alam, pero kusang nanatili sa isipan ko ang iba't ibang orasyon..."

"Kung gayon' ay matutulungan mo kami mamaya, hinihintay lang ang pag-uwi ni ama para masimulan na, kailangan nang makuha sa kanyang katawan ang batong 'yun..."

"Kailangan bang masugatan siya bago matanggal 'yun?" tanong niya at kinabahan na ako sa salitang masugatan.

Papatayin na nila ako?!

"Wala ng ibang paraan eh kundi' 'yun lang... maaaring ako ang gumawa o pwede na ring ikaw."

"Hemmm... sige pag-iisipan ko, mamaya bang pagsapit ng dilim 'yun?"

"Oo, sige ah sisilipin ko muna ang asawa ko."

Tumahimik na ang paligid kaya lalo akong nakapag-isip. Kung wala akong gagawin ay mamayang gabi na ang hatol ko at si Christian pa ang gagawa. Napakagat labi na naman ako, isa rin pala siyang halimaw. Hindi man lang niya isipin na kahit papaano'y may pinag-samahan kami noon. At si Ethan, ang anak namin, 'di man lang ba niya maiisip na kawawa ang bata kung mawalan ng ina?!

Gumalaw ang mga kamay ko at napakuyom.

Gagawa na ako nang paraan at kung mamatay man ako'y namatay akong lumalaban!

Kumapa ang mga kamay ko sa maaari kong hawakan at maipanglaban sa lalaking 'yun. Kahit na ano basta kahit kunti ay matamaan ko siya kaya nang makahawak ako ng isang putol na kahoy ay mabilis akong tumayo at patakbo siyang nilapitan.

"Ahhhh papatayin muna kita!" sigaw ko sa lalaking nakatalikod sa akin at naabot na siya nang hinahawakan ko nang bigla siyang gumalaw at sa huli ay nahuli niya ang kamay ko. "Bitiwan mo'ko! Hayop ka, demonyo ka Christian!" napapapikit na ako sa pagsigaw at dahil na rin sa galit na nararamdaman ko.

"Huminahon ka binibini... hindi ako ang lalaking tinutukoy mo." anas ng isang boses kaya bigla akong napadilat at nanlaki ang mga mata ko sa isang may edad ng lalaki. "Huminahon ka..." ulit niya kaya tuluyan ko nang nabitiwan ang kahoy.

BUSAW 3: AIRINA, Ang UlapirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon