Sabado ngayon at may practice sina Rain at mga kaklase niya sa park para sa sayaw nila sa P.E.
Alas otso ang usapan ngunit wala pa roon ang iba pa niyang kaklase. Tanging si Rain at Christine palang ag nasa meeting place nila.
"Sana pala alas syete ang sinabi ko para andito na sila ng alas otso. Ughh!" sabi ni Christine ng padabog.
Rain shrugged "Yea. Tell me about it"
Dumating na ang tatlo nilang kaklase at tatlo nalang din ang hinihintay nila upang mabuo na ang grupo nila.
"Ma l-late daw si Louie" ika ng kaklase niyang si Mona
Tinignan ni Christine si Mona at naningkit ang mata "Bakit nanaman daw?"
"Sabi niya maglalaba pa daw siya e"
"Sus yan naman lagi niyang palusot. Sabihin niyo dun sa dalawang kumag dumeretso na sila sa park. At sabihin mo kay Louie bahala siya sa buhay niya. Tumayo na kayo jan at punta na tayo." masungit na sabi ni Christine.
Sumunod naman sila sakanilang leader at naglakad na papunta sa park.
Si Rain naman ay nasa huli at mabagal ang paglakad niya.
Napansin ni Christine na wala sa mood si Rain "Rain? Ayos ka lang ba jan?"
Rain nodded "Okay lang."
Habang naglalakad si Rain ay may tumabi sakanyang lalaki. Hula ni Rain ay nasa 30 plus ang edad nito.
"San ang punta miss?" Tanong ng lalaki
"Kasama ko po mga kaklase ko"
"Hatid na kita" pagka sabi ng lalaki nito ay akmang lalapit na sana siya sa dalaga ngunit may umakbay na lalaki kay Rain.
Tinignan ni Rain kung sino ang umakbay sakanya. She felt relieved when she realized it's Ash, her classmate since grade 4.
They became friends when they were in 6th grade dahil magkatabi sila ng upuan noon. Bago sila mag high school ay umamin sakanya si Ash na may gusto siya kay Rain.
But Rain didn't feel comfortable with it so she blocked him on Facebook, Messenger, all social media.
They haven't talked to each other until Grade 9. They became friends again pero kahit hindi umamin si Ash na may gusto parin siya kay Rain, ramdam ito ng dalaga.
"No thanks kuya. She's with me"
Umalis na ang kuyang nag aya na maghatid kay Rain. Ash looked at Rain and laughed.
"Anong tinatawa mo jan?" Masungit na sabi ni Rain.
"Wala ang awkward ng mukha mo kanina e. Sayang diko na picturan" patawang sabi ni Ash
Rain rolled her eyes and looked at him angrily "Che. Ewan ko sayo." Pagka sabi nito ni Rain ay tinanggal niya ang kamay ni Ash sa kanyang balikat at naglakad ng mabilis.
"Hey Rain wait up!"
Rain looked at him "Bakit kase kayong mga lalaki sa mundo ang babastos niyo. Tigang ba kayo ha? Ang ayos ayos ko namang manamit tapos bigla bigla nalang kayo susulpot at mang mamanyak. Parang kanina, may pa hatid kita hatid kita pang nalalaman mamanyakin kalang din naman"
Ash smiled "Calm down. So hindi ako lalaki? Never naman kitang binastos ha kung maka lahat ka jan. Sayang ililibre pa sana kita" pagka sabing iyon ni Ash ay hinawakan niya sa ulo ang dalaga at ginulo niya ng onti ang buhok nito.
"Libre mo parin ako hoy wala akong dalang pera. Gusto mo magutom best friend mo?"
Ash chuckled "Oo na. Pasalamat ka best friend kita"
BINABASA MO ANG
Captivated (gxg)
Romance"I don't like the idea of having a lover. I wanna die single and travel around the world" that's what she thought. Rain Emerald Friedrich. A girl who doesn't have interests on having a significant other. She's got a lot on her plate and she doesn't...
