You are my Pain that I LOVE to LOVE

90.3K 925 21
                                    

"Aiden... aalis ka ulit? Kakadating mo palang ah?" Kahit na hindi ko siya tanungin alam ko naman kung saan siya pupunta. Nakatingin ako sa kanya habang inaayos niya ang sarili niya sa salamin.

"Oo eh. Kasi yung boss ko magpapakain ngayon kasama yung mga kliyente namin. Pero magmemessage naman ako sayo kapag andun na ako. Wag mo na akong hintayin." sagot niya sa akin habang inaayos niya yung buhok niya.

"Mga anong oras ka makakauwi?" Naupo muna ako sa kama namin.

"Hindi ko pa alam eh. Sasabihan nalang kita." Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"Sige. Sabihan mo nalang ako." Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya yung sarili niya. Naglagay ng pabango.

Matapos niyang makapagmedyas lumabas na rin siya ng kwarto namin na hindi man lang ako sinabihan. Kaya sumunod nalang ako sa kanya sa sala.

"Aalis kana?" Tinanong ko siya ulit habang nagsasapatos siya.

"Ah. Oo. Para makabalik rin ako agad. Paki lock nalang yung pintuan pag-alis ko ah. Ingat ka dito." Halos nakalabas na siya sa pintuan nung sinabi niya sa akin yun.

"Wala man lang bang goodbye kiss?" Pahabol na tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang bumalik at hinalikan ako sa pisngi. Halos maiyak ako nung tumalikod na siya.

"Oh. Sige na isarado mo na yang pintuan. Matulog ka na rin dahil baka gabihin ako." Pagkasabi nun tumalikod na siya at dumiretso sa sasakyan.

"Ingat." Hindi ko pa muna sinara yung pintuan ng bahay namin para tignan siya na magdrive palalayo.

Hindi ko na naawat yung mga luha na kanina pa nagbabadya na tumulo. I very well know kung saan siya pupunta. Isa na naman sigurado sa mga babae niya.

5 years na kaming kasal, nung mga unang taon namin bilang mag-asawa hindi naman siya nagkaruon ng affair. Ilang beses ko na siyang nahuli a few years ago. Bago pa kami naging magboyfriend alam ko naman na, na babaero siya. Pero akala ko ako na ang nakapagpabago sa kanya. Sa two years namin na naging magboyfriend hindi naman siya nagloko. Pero bakit ngayon pa? Lalo na at mag-asawa na kami.

Paano ko nalaman? Lipstick sa collar ng damit niya, underwear ng babae sa kotse namin, panyo, pabango at iba pa.

Pagdating ko ng kwarto kinuha ko agad yung cellphone ko at tinawagan ko yung bestfriend ko. Pagkasagot niya, humihikbi na ako.

"Ate Mica?! Okay ka lang? Bakit ka na naman umiiyak?" Tanong sa akin ni Joy.

Hindi ako makasagot sa tinanong niya dahil hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Umalis na naman siya noh?" Tinanong niya sa akin nung medyo nabawasan ang paghagulgol ko. Pag-iyak lang ang naisagot ko sa kanya.

Hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak. Wala sa aming dalawang nagsasalita sa magkabilang linya. Ang naririnig niya lang sa akin, ang pag-iyak ko at ang naririnig ko naman sa linya niya, ang mga malalalim na buntong hininga.

"Joy, pasensya kana ha?" Humihikbi ako habang sinasabi yun.

"Ate wag kang humingi ng pasensya. Umalis na naman siya noh?" Pabuntong hininga niyang tinanong sa akin.

"Oo eh." Humihikbi pa rin akong sumagot sa kanya.

"Ano na naman ang excuse niya ngayon?" Medyo tumaas ang tono ng pananalita ni Joy.

"Papakain daw yung boss niya kasama yung kliyente nila." Naiiyak na naman ako kapag naiisip ko na malamang may iba siyang kasama ngayon.

"Ate!! Bakit kasi hindi mo nalang siya iwan? Maganda ka naman panigurado ako makakahanap ka ng iba! Nung college tayo ang daming nagkakandarapa na maging girlfriend ka pero sa gago ka pa napunta.!" Galit na halos sumisigaw si Joy sa kabilang linya.

Saksi kasi si Joy kung paano kami nagkatuluyan ni Aiden. Alam niya ang lahat ng pag-iyak ko at ng mga kagaguhan na ginawa ni Aiden sa akin.

"Joy, ang dali kasing sabihin eh. Unang una asawa ko siya. At pangalawa mahal ko siya eh." Umiiyak na naman ako nung sinasabi ko sa kanya yun.

"Ate hindi dahilan ang pagmamahal para maging tanga! Ilang helmet ba ang naisuot mo para hindi ka mo siya iwan? Sobra naman yang helmet na yan." Naiinis na sinabi ni Joy sa akin.

"Joy...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naiyak na naman ako.

"Ate. Isipin mo naman ang sarili mo. Kung ganyan nalang naman ng ganyan, healthy pa ba sayo yan? Ikaw lang ang iniisip ko. Ate mahal kita kaya hindi ko gusto na nakikita kang ganyan." Patuloy na sinasabi sa akin ni Joy.

"T--thank you bunso. Pasensya ka na Joy." Nagpapasalamat ako sa kanya dahil palagi parin siyang andyan para sa akin sa tuwing kaylangan ko siya.

"Walang ano man ate. Pahinga kana. Subukan mo ng matulog. Alam ko magiging mahirap pero kaylangan mong gawin."

"Joy. Thank you sa time. Goodnight na rin."

Pagkatapos namin magkapaalamanan. Nahiga na rin ako sa kama. Iniisip ko kung nasan na kaya siya at kung sino na ang kasama niya. Habang nakahiga tumutulo ang mga luha na akala ko naubos na kanina.

------end ╯ 3╰

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon