"Okay naman siya sa ngayon." Kaninong boses yun?
Dahan dahan kong binuksan yung mata ko para tignan kung sino yung nagsasalita pero hindi ko maibukas yung mata ko.
"Doktora. Yung baby po?" May lalakeng nagsalita, kaninong boses yun.
Sinubukan ko ulit buksan yung mata ko but to no avail.
"Okay naman yung baby, malakas yung tibok ng puso and by the looks of it the baby is also a fighter." a relief flooded to my whole body nung narinig kong sinabi niya yun. Si Dra. Cruz ba yun? Yung OB ko?
I heard a small sigh of relief from the person who asked her. May ilang minuto pa, naramdaman ko na may nakahawak pala sa kamay ko. SIno naman kaya yun? Is it the same person?
I tried to open my eyes again. But this time. May success ako, kaya lang nasisilaw ako sa ilaw.
"Doktora si Mica dumidilat na." May isang babae akong narinig na nagsalita, siya yata yung nasa tabi ko. Tumingin ako sa kanya pero blurry pa yung paningin ko kaya hinintay ko pang mag-adjust yung paningin ko.
Si Dimple yung nasa tabi ko, sa may kanan ko naman si Dra. Cruz at sa bandang paanan ko nandun si Aaron at si Joy.
"Na-Nasan ako? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.
"Nandito ka sa ospital, kanina kasi hinimatay ka." Mangiyak ngiyak si Dimple habang hinihimas yung kamay ko.
Lalong lumapit sa akin si Dra. Cruz hawak yung stethoscope niya at inilagay yun sa may bandang dibdib ko.
"Yung baby ko doktora?" may panic sa boses ko kahit narinig ko naman yung usapan nila kanina.
Tinanggal ni doktora Cruz yung stethoscope sa dibdib ko at isinabit niya sa may balikat niya, sabay ngumiti rin siya sa akin. "Mica just relax, okay ang baby mo. Just stay calm and stress free. Medyo maselan yung pagbubuntis mo, but nothing to worry. Meron na tayong pampakapit na ininject sayo. Pagpauwi ka na, reresetahan kita ulit to make sure. Pero for now, dito ka muna. Just rest and lots of fluids, bawal ka munang maglalalakad ngayon but let us see tomorrow." Pagpapaliwanag ni doktora.
"thank you po." Sinabi ko naman sa kanya.
"Okay, I will see you tomorrow." Pagpapaalam niya sa akin at lumabas na rin siya ng kwarto.
Tumingin ako sa mga mukha nila. Si Dimple umiiyak pa din sa gilid ko, si Joy naman nakitang nabunutan ng tinik at si Aaron naman, halatang nag-aalala pa din.
"Akala ko kung anong nangyari na sa inyo ni Peanut mo." Sabay singhot ni Dimple. "Mica sorry, nastress ka yata sa akin kanina." Pagpapatuoy niya.
Ngumiti lang ako sa kanya saka pinisil ko yung kamay niya.
"Ate, natakot ako dun. Nakakapanic kanina nung bigla ka nalang bumuwal." Sinabi naman ni Joy.
"Okay lang ako wag ka ng mag-alala." Sinabi ko sa kanya yun na may ngiti. Napatingin naman ako kay Aaron na parang gusto akong kausapin.
"Dimple, Joy. Kumain muna kayo sa ibaba o kaya bilhan niyo muna siya ng pagkain. Ako muna ang magbabantay sa kanya dito." Nagkatinginan si Joy at Dimple nung nagsalita si Aaron.
Hindi na sila umangal kaya dumiretso na rin sila palabas ng kwarto.
Ngumiti ako kay Aaron nung dalawa nalang kami sa kwarto.
"Alam mo na ngayon yung secret ko." Sinabi ko sa kanya.
"Oo nga eh." he brushed his hair using his fingers. "May iba ka pa bang secret na hindi ko pa alam?" Nakangiti na siya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm my husband's MISTRESS (completed)
RomanceAlam kong babaero ang asawa ko. Pero magbabago kaya siya o ang relasyon namin kung malaman niya na "I'm his Mistress.".