"I can't accept this. Ms. Fuentes." Sinanbi ng supervispor ko sa akin nung iniabot ko sa kanya yung resignation letter ko.
May ilang araw na kasi akong hindi nakakapasok sa trabaho, nahihiya na ako sa mga kasama ko and I know I am not performing well.
"Maam, I am very sorry. But I am not living up to my personal standards and I may affect the hospital reputation by not quitting." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Inilapag ni Miss Villa yung letter of resignation ko sabay hinimas yung temples niya. I know marami siyang inaasikaso sa hospital.
"Mica, I am not accepting your resignation. If you want, I'll give you a a couple of weeks or a month na leave. But I will not accept this." Her voice is very firm.
"But, maam-" Magbibigay pa sana ako ng reason ko pero pintol niya ang sasabihin ko.
"Mica, alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng papalit sayo? I have to train again and I have to evaluate them again. It will be a great lost if umalis ka dito. I want you to think about it before declaring you want to leave." She paused and hindi ako nakapagsalita. "please be back with your decision, but i am hoping na mabago pa ang isip mo."
"Maam, thank you po. I will surely let you know." nagpaalam na ako sa kanya saka lumabas ng pinto ng opisina niya. Napabuntong hininga ako pagkalabas ko.
"Ate totoo bang magreresign ka?" Pagkalingon ko nandun si Joy papalapit sa akin.
"Joy! hindi, nagleave lang ako." Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap.
"Kamusta kayo ni Aiden? Hindi na tayo nakapag-usap." sabay tanong niya sa akin pagkahiwalay namin sa yakap.
"Joy, wag dito." Yun nalang ang nasabi ko dahil naluluha na naman ako nung narinig ko yung pangalan ni Aiden.
"Sige ate, pero san ka ngayon nakatira?" hinimas himas niya yung likod ko.
"Sa amin." Bumulong nalang ako sa kanya. "Joy, alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako."
Pagkapaalam ko sa kanya, dumiretso ako sa grocery dahil wala ng pagkain sa bahay ng mommy ko. Dun ako ngayon sa bahay ng mommy ko since wala naman siya dun. Nasa ibang bansa kasi siya at buti nalang hindi pa kami nagkakausap dahil panigurado ako bubungangaan niya ako kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Tanghaling tapat kaya konti lang ang tao ngayon sa grocery. Buti nalang din dahil wala akong gana makipagsiksikan sa mga tao. Paikot ikot ako sa mga aisle dahil hindi ko rin alam kung anong mga dapat bilhin.
Nakatayo ako sa frozen section nung may biglang naglagay ng kung ano sa push cart ko. Napatingin ako sa cart ko tapos dun sa taong naglagay.
"Uhm! excuse me.-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nakita ko na yung taong yun. Si Aaron, nakangiti sa akin.
"Alam mo medyo kanina pa kita sinusundan parang wala ka pang nakukuha kahit kanina ka pa paikot ikot dito." Sinabi niya sa akin.
"Stalker ka na pala ngayon?" napangiti ako sa kanya nung sinabi ko yun. "Anong ginagawa mo dito? Diba may pasok ka?" nagtataka ako dahil nandito na naman siya, halata naman na kagagaling niya sa opisina dahil napakapormal ng suot niya.
"oo, medyo nakakaadopt na ako ng stalking tendency dahil sayo." Natawa ako nung sinabi niya yun.
"Pero hindi nga, anong ginagawa mo dito?"
"Sasamahan ka, sabi kasi ni Joy nakaleave ka ngayon." -Aaron
"Alam mo parang hindi mo sinasagot yung mga tanong ko." Tinaasan ko ng kilay si Aaron.
BINABASA MO ANG
I'm my husband's MISTRESS (completed)
RomanceAlam kong babaero ang asawa ko. Pero magbabago kaya siya o ang relasyon namin kung malaman niya na "I'm his Mistress.".