"Mica, thank you." Narinig ko ang boses niya. Hinahalikan niya ang pawisan kong noo. Napangiti ako sa kanya kahit alam kong hinang hina ako.
"Congratulations Mica and Aiden, its a boy." sinabi sa akin ni doktora. Nasa loob pa rin kami ng delivery room at napapaligirin pa rin ako ng mga nurses at medyo nasisilaw ako sa liwanag ng surgical light sa may ceiling.
Hawak hawak ko ang kamay ni Aiden. Binitawan ko lang yun nung iniabot sa kanya ni Doktora Cruz ang baby namin.
Kahit hinang hina ako, nakita kong naiiyak si Aiden nung nahawakan niya ang baby namin.
"Mica, look at your son." Itinapat niya sa mukha ko ang baby namin na covered pa ng dugo at umiiyak. Naluha ako nung nakita ko siya, hindi ako makapaniwala na nandito na si peanut at nandito rin si Aiden sa buhay ko.
Hinalikan ako ni Aiden sa pisngi at hinihimas ang ulo ko.
"Mica matulog ka na, para makarecover ka na ng lakas mo. Mamayang paggising mo nandun na si baby sa room mo." Sinabi sa akin ni Dra. Cruz, alam kong nakangiti siya kahit hindi ko kita ang bibig niya dahil nakatakip ng surgical mask.
Kahit hindi na sa akin sabihin ni doktora yun alam kong makakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Alam ko dahil nagblanko na ang lahat.
----
"Ang gwapo naman ng apo ko." Naririnig ko ang boses ng mommy ko. Pero nakapikit pa rin ako.
"Ma hindi ba ako ang kamukha?" tanong ni Aiden sa kanya.
"Ay naku hijo hindi ka pa absuwelto sa akin. Pero dahil napakaguwapo ng apo ko hindi muna kita aawayin ngayon." Sinabi ni mommy sa kanya.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nasa kwarto na nga ulit ako. Nanghihina pa rin ako pero mas okay ang pakiramdam ko dahil alam kong nandito ang pamilya ko.
"Eh ako? hindi ko ba kamukha si baby?" Tanong ko sa kanila. Parehas silang napabaling dahil hindi sila nakatingin sa akin.
Lumapit sa akin si Aiden at hinalikan ako sa noo.
"hi." sinabi niya sa akin.
"Hello." sagot ko naman sa kanya. Nakangiti sa akin si Aiden at mukhang ang saya saya niya.
"Aiden tulungan mo akong maupo." sinabi ko sa kanya. Halata ang gulat nung sinabi ko sa kanya yun.
"Pwede ka na bang maupo? kakapanganak mo palang ah?" concern ang narinig ko sa boses niya.
Pinili kong balikan si Aiden a month after naming mag-usap ni Aaron. Binalikan ko siya dahil siya pa rin ang ama ng anak ko. At binalikan ko siya dahil mahal ko pa rin siya. Simula nung nagsama ulit kaming dalawa, kitang kita ko ang pagbabagong nangyari sa kanya. Hindi ko na siya kaylangang hanapin o tanungin kung nasan siya. Siya na mismo ang nagsasabi kung nasan na siya. Ang huli kong narinig na balita tungkol kay Aaron, nag-abroad na.Yun ang sinabi sa akin ni Joy since hindi ko na siya kinausap. Gusto kong makahanap siya ng taong mamahalin ng kagaya ng pagmamahal ko kay Aiden.
"Oo, normal delivery naman ako eh. Tsaka kaya ko na." Ngumiti ako sa kanya.
"Sigurado ka ha?" paniniguradong tanong niya sa akin.
"Opo." Maikli kong sagot sa kanya at dahan dahan niya akong inalalayan para maupo. May hapdi at kirot akong nararamdaman pero kaya ko naman ang sakit. Ayaw ko rin magreklamo dahil halatang namumutla ang mukha ni Aiden. Si mommy naman tinitignan lang kami.
Hindi pa rin matanggap ni mommy si Aiden dahil sa nangyari sa amin, pero alam kong pinipilit niya dahil nakiusap na rin ako sa kanya.
"Hija, ang gwapo ng apo ko, kamukhang kamukha ko." pagyayabang na sinabi ni mommy.
"Mommy baka pwedeng ako muna ang maging kamukha dahil anak ko yan." Pabiro kong sinabi sa kanya.
"Ah. basta! ako ang kamukha ng apo ko." Sinabi niya sa amin.
Napangisi kaming dalawa. Binitawan ako ni Aiden nung nakakasigurado na siyang safe ako at nakabalanse ng maayos saka siya lumapit sa baby namin para kunin. Kita ko ang hesitation kay Aiden nung bubuhatin niya si peanut. Kaya napapangiti ako.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin nung buhat na niya si peanut.
"Baby, ito na yung mommy mo." Mahinang sinabi ni Aiden sa baby namin.
I extended my arms to meet him coming towards me.
"Hi baby." mangiyak ngiyak kong sinabi. at sa kinatatayuan ng mommy ko alam kong naiiyak din siya.
Pagkabuhat ko sa kanya, unang una kong tinignan ang mukha niya. Ang mga nakapikit niyang mata na may mahahabang pilik mata, ang matangos niyang ilong, pinkish na pisngi at maliliit na labi. Kamukhang kamukha siya ni Aiden.
Pinunasan ni Aiden ang mga luhang kumawala na pala sa mata ko ng hindi ko namamalayan. Pagtingin ko sa kanya pati siya nangingiyak na.
"Mica, thank you for accepting me again in your life, sa buhay ninyo ni baby." sinabi sa akin ni Aiden, saka hinalikan ang noo ko.
Umiling ako. "Hindi Aiden, Thank you dahil binalikan mo kami. Thank you dahil sinubukan mo kaming mahalin ulit." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Hindi Mica, hindi naman nawala yung pagmamahal eh. Naligaw lang ako, pero ikaw ang nagpabalik sa akin. Ikaw ang hindi sumuko sa ating dalawa." saka niya niyakap ang bandang ulunan ko.
"Tama na ang iyakan." Nandun na pala si Doktora sa may paanan ng kama ko. Hindi man lang namin namalayan ni Aiden. At pati siya nagpunas ng mata.
Bahagyang lumayo sa akin si Aiden but not totally.
"Ito pala si Dra. Padilla, siya ang pedia ni Baby." Pagpapakilala sa amin ni Dra. Cruz sa isa pang doktor na nakatayo sa gilid niya.
"your baby is perfectly healthy. Nakita kong binuhat ninyo na siya which is perfectly fine. Basta keep the room temperature warm para sa kanya. okay?" Sinabi niya sa amin. Tumango lang naman kami.
"And by the way may name na ba kayong naisip para kay baby?" Lumapit siya sa amin hawak hawak ang stethoscope at inilagay sa dibdib ni peanut. Medyo napasimangot si baby pero tuloy pa din ang pagtulog niya.
Ngumiti sa akin si Aiden saka nagsalita. "Meron na po doktora." sinabi niya sa amin.
"OH? Ano?" Tanong ni doktora habang nakalagay sa dibdib ni baby yung stethoscope.
"Neo Theodore Fuentes" nakangiti sa akin si Aiden.
Alam kong halatang halata ang pagtatanong sa itsura ko kay Aiden kaya hinalikan niya ako sa noo at ibinulong sa akin.
"Neo meaning second chance, and Theodore gift or blessing."
THE END
BINABASA MO ANG
I'm my husband's MISTRESS (completed)
RomanceAlam kong babaero ang asawa ko. Pero magbabago kaya siya o ang relasyon namin kung malaman niya na "I'm his Mistress.".