"Anong ginagawa mo dyan? May bibisitahin ka ba sa loob? Tapos na kasi yung visiting hours." Hindi ko alam pero napalagay yung loob ko nung nakita ko siya.
"hmm.. Wala naman, ikaw talaga yung pinunta ko dito." Sabay ngiti niya kaya parang nagtaka ako.
"Ha? Ako? Bakit?" Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Gusto mong kumain o magkape?" Nung sinabi niya yun sa akin sabay kinuha niya yung bag ko tsaka naglakad pauna sa akin.
"Oi, akin na yang bag ko, ako na." Halos hinabol ko na siya, pero nauna pa rin siya sa paglalakad. "Aaron! uuwi na ako. akin na yung bag ko."
"Kain muna tayo, sabi ni Joy hindi ka pa kumakain tsaka nandyan lang ako sa malapit nung nagtext siya sa akin." Lumingon siya sa akin saka ngumiti.
Kaya naman pala nandito siya, sinabihan siya ni Joy.
"Bakit ka ba kasi hinintay moko?" Tumigil ako sa paglalakad. Napalingon naman siya nung sinabi ko yun.
"dahil gusto ko." maikli lang niyang sinabi sa akin.
"Aaron, may asawa ako." sinabi ko sa kanya.
"Hindi ka naman niya inaalagaan." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Tara na, saka nalang tayo kumain, ihahatid nalang kita sa inyo, tutal gabi na." saka siya naunang naglakad, naluluha ako dahil tama nga siya hindi ako inaalagaan ng asawa ko. Kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Sa buong paglalakad naming dalawa wala na ang nagsalita sa amin. Sinusundan ko lang siya papunta sa amin. May isang kanto pa ang layo mula sa amin saka siya tumigil na maglakad.
"Hanggang dito nalang kita ihahatid." Saka niya iniabot sa akin yung bag ko.
"Aaron, salamat." Saka ko kinuha yung gamit ko tsaka dahan dahan na naglakad pauwi sa amin.
"Mika! Hindi pa rin ako sumusuko." Sinabi ni Aaron nung medyo nakalagpas na ako sa kanya. Pagkalingon ko nakatingala siya at nakatingin sa mabitwin na langit. Nangilid ang luha ko dahil alam kong ilang beses ko na siya nasaktan.
"A-Aaron....."
"Sige na, dito muna ako. Tignan ko ikaw mula dito, aalis lang ako kapag nasigurado kong nakapasok ka na sa inyo." Ngumiti lang siya sa akin saka iniencourage niya akong tumuloy na sa paglalakad.
Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko nalang na maiwan sa ganun. Nagmadali na rin akong maglakad papunta sa amin. Pagdating sa tapat namin, nakaparado na ruon ang sasakyan ni Aiden, wala na ring ilaw sa loob ng bahay. Hindi ko na tinangkang lumingon sa kinakatayuan ni Aaron dahil alam kong nandun pa rin siya.
Sinilip ko sa kwarto kung andun na nga si Aiden and I heard him lighty snore. My heart melt a little. Kaya pumasok ako sa loob and knelt beside him. I saw his beautiful face with the dim light coming from the window.
I lighty stroke his cheeks. Parang bata pa rin siya kung matulog.
"Aiden, its me... Your wife.... Why do you love to hurt me?" Halos bumubulong na ako sa kanya.
Medyo kinabahan ako nung umingit siya...
"Natalie... please...."Sinabi ni Aiden habang natutulog siya.
I immediately clasp my mouth with both hands and gasp. I stood up and tears started to fall even before i reached the door. Dahan dahan kong isinara yung pintuan sa likod ko at dumiretso na ako sa kwartong tinutulugan ko.
"What have I done?" I broke down, kasalanan ko ang nangyari. Hinayaan ko siya na mainlove sa babaeng hindi naman totoo.
Amidst of all these, pumasok sa isip ko si Aaron. Kung siya kaya ang nakatuluyan ko, mangyayari ang mga ito sa akin? Iiyak ba ako ng ganito kadalas?
I grabbed my bag and took my phone out. Ones I saw the number I was looking for I immediately press the call button and waited for him to pick up.
"Hello? Anong problema?" Sinagot ni Aaron yung tawag ko.
"Aaron..." Luha ang naisagot ko sa kanya nung narinig ko yung boses niya.
"Anong ginawa sayo ng asawa mo? Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Aaron.
Tumatango lang ako, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko walang salita ang nabubuo sa mga labi ko.
"Are you okay? Nandito lang ako sa labas, just let me know. I'll break down the goddamn door if I have to." -Aaron
"N-No, no, no.... Okay lang ako. Pasensiya ka na. I just needed a familiar voice, kaya ako tumawag sayo. Sorry." Pinilit kong sabihin yun kahit puro luha na ang mga mata ko dahil ramdam ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya. "Thank you Aaron for picking up. I assure you, okay lang ako. Umuwi kana gabi na rin. Salamat ulit." Pagkasabi ko nun, ako na mismo ang pumutol sa linya ng pag-uusap namin.
Ayaw kong palakihin ang problema.
Napapaquestion ang lahat ng mga naiisip ko.
Ako na rin ang lumalapit sa temptation kung ituloy ko pa ang pakikipag-usap ko kay Aaron.
Aaminin ko, napamahal sa akin si Aaron dati at kahit naman ngayon may puwang parin ang puso ko para sa kanya. Pero hindi tama yun. May asawa na ako ngayon at kasalan yun.
Diyos ko po... Ano po ba ang nagawa kong mali?
Sa sahig na yun, parang tuluyan na akong natunaw. Tuluyan na akong nabuos.
Ano pa ba ang kaylangan kong gawin para matama ang lahat ng mali....
end...
-Nyang
╯ 3╰
BINABASA MO ANG
I'm my husband's MISTRESS (completed)
RomanceAlam kong babaero ang asawa ko. Pero magbabago kaya siya o ang relasyon namin kung malaman niya na "I'm his Mistress.".