So yun guys thankyou sa 3k+ na readers ko sa hiding the billionaire's twins loveyoulots😉💜
- stream butter
"Wala daw ngayon si mam ah" sabi ni jerome pag pasok palang namin.
"Wow ah mukang alam na alam mo ah ano sure na sure ka" sabi ko naman at inayos ang bangkuan namin.
"Usap usapan buntis si mam" natatawang sabi niya
"Diba sabi nila para daw matuto lumangoy ang bata ihahagis sa swimming pool?" Tanong ni diana, kaya tumingin kami na nag tataka sa kanyan at tumango
"Pag ako nag kaanak ihahagis ko sa 15floor para matuto lumipad" sabi naman niya kaya agad kami na tawa mukang seryoso pa siya pero natawa din siya sa sarili niya.
"Wala ka sakin ipapalo ko lahat ng libro sa kanyan para maging matalino" natatawang sabi niya pero tumigil kami sa pagtawa kaya na patingin siya samin.
"Tanga bakla ka" sabay na sabi namin ni diana.
Magsasalita pa sana siya pero may isang babae at isang lalaki ang pumasok sa room namin kahit ang mga classmate namin ay natigil sa pag tawa.
"Ahm, hi guys so kitang kita sa mga mata niyo ang gulat so magpapakilala kami ako si Ms. Yna Senco at ang kasama ko ay si lance Van, you can call me yna and him ahm Van, nandito kami para iShare niyo samin ang mga bagay na bagay na naiisip niyo about sa pag ibig we have 30 mins so di na kami mag papaligoy ligoy pa so shall we start?" sabi ng babaeng na nangangalang yna daw kaya agad nag seryoso kami.
"Siguro uunahan ko muna noh, para next ko, kwento ko isa kasi akong sabihin natin na selosa na kahit na maliit na bagay palalakihin ko kasi wala naman sa kanyan yun mahal niya ko, di niya ako iiwan, nasanay ako na nasatabi ko siya mahal na mahal niya ako pero di ko alam napapagod din pala siya, ilang beses kami nag away kahit kasalan ko, siya ang sorry kasi mataas ang pride ko isang araw may isang pag tatalo kami nakipaghiwalay ako pumayag don ako nagulat alam niyo huling sinabi niya? "Yna napapagod din, maraming beses kita inintindi, pero ako intindihin mo ba ako?" Natawa nalang kapag naiisip ko" ngumiti siya samin, tumingin ako sa mga classmate ko na seryoso nakikinig
"Mga nakalipas na araw kala ko kakausapin niya ako pero hindi hindi na nag pop up sa phone ko ang pangalan niya, pumasok ako sa school non nakita ko siyang nakakangiti na ulit nakakatawa na, masaya na pala siya sa iba, don ko na intindihin na napapagod din ang mga lalaki, don ko nakita ang halaga niya noong wala na siya, ngayon tuwing gabi hinahanap hanap ko ang yakap niya pero kasal na siya" nakangiti siya samin pero kitang kita ko ang sakit sa mata niya.
"Omg"
"Weh gagi"
"Legit ba" yan ang mga commento na naririnig namin
Kahit kailan di ko naisip na iiwan ako ni zeus kasi mahal na mahal namin ang isat isa di ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa iba dahil mahal na mahal niya ako.
Natapos ang oras nila at sakto ng break namin kaya lumabas kami para kumain sa labas.
"Naawa ako kay ms yna gagi kung ako yun baka na depress na ako, alam kung di na ako pero puta ang sakit" sabi ni diana
"Legit gagi kung ako yun baka kung ano na gawin ko" sabi naman ni jerome.
"Anong pinaguusapan nila" bulong sakin ni zeus at yes kasama namin siya ngayon. Kinuwento ko ang nangyari kaya mukang naawa din siya.
"Di mo naman ako iiwan diba?" Biglang tanonv ko sa kanyan nakita ko ang gulat at pag papanig sa kanyan, agad siya umayos ng upo at hinawakan ang kamay ko.
"Bat ko naman iiwan ang isang babae na siyang dahilan kung bakit ako naniniwala sa pagibig bakit ako na niniwala na may pagibig pa sa mundo, bakit ko iiwan ang isang babaeng nakikita ko mamakasama ko sa future ko" nakangiting sabi niya. Bigla ko naman siya niyakap.
" I love you so much" sabi ko sa gitna ng yakap namin.
"I love love love love you so so so so much" sabi naman niya sasagot pa sana ako ng may narinig nanaman kaming reklamo.
"Bwisit na buhay toh, anak din naman ako ni lord bwisit" sabi ni jerome.
_____________________________________________________